Chapter 3

148 12 0
                                    

Chapter Three

"Talagang ginawa iyon ni Raiko? Pinagalitan ka niya?!" Wika ni Jia.

Nakasimangot akong tumungo-tungo sa kaniya. Kinuwento ko sa kaniya yung nangyari kanina, at syempre siya pa ang mas apektado sa aming dalawa.

"Aba'y iba din! Ano? Ipagtatanggol niya ang kati ng Lizzy na 'yon?! Aba'y matindi talaga!" Nanggigigil na saad niya, kulang nalang ay ihagis niya ang sirain niya ang notebook na pinagsusulatan niya ngayon.

"Sshh.. Mahina lang, baka marinig tayo ng prof" suway ko.

"Nakakagigil eh!"

Bumuntong hininga nalang ako at nag concentrate sa lesson. Nang mag lunch ay nagpaalam ako kay Jia na pupuntahan ko si Raiko, tinatamad daw kasi siyang sumugod sa init ng araw. Bumili na agad ako ng chicken curry na favorite ni Raiko at inabangan siya sa building nila. Nagalit ko siya kanina kaya gusto kong magkabati ulit kami.

Nang maglabasan na sila ay sa wakas natanaw ko narin si Raiko, pero nagngitngit ang ngipin ko dahil kasama na naman niya si Lizzy.

"Raiko!" Napatingin naman siya sa akin Lumapit ako at ngumiti sa kaniya kahit pa naiinis na naman ako sa kasama niya.

"Uhm.. Bumili ako ng chicken curry na favorite mo! Sabay na tayong kumain?" Yaya ko.

Tinignan niya ang supot na dala ko, binalik niya ang tingin sa akin at napabuntong hininga siya.

"Kakatapos lang namin kumain" sagot ni Lizzy. "At ganiyan din ang niluto kong ulam para sa kaniya"dagdag pa nito ng may pagmamalaki.

Nawalan ng sigla ang ngiti dahil sa mga narinig ko. Pinagluto niya si Raiko?

"K..Kumain ka na ba Raiko?" Pinilit kong ngumiti kay Raiko para hindi niya mahalata ang lungkot ko, pero feeling ko ay mukhang naging peke iyon.

Tumungo naman siya sa akin. Sandaling kumurbang pababa ang labi ko sa panghihinayang dahil hindi ko siya makakasabay ngunit pinilit kong ngumiti nalang ulit.

"Hmm.. Sige sa susunod nalang tayo magsabay" pinihit ko na ang sarili ko bago pa man makita ni Raiko ang malungkot kong mukha.

Ngunit nagulat ako ng may humawak sa braso ko at hinila ako sa kaniyang paglalakad. Nang itaas ko ang aking tingin ay nanlaki ang mata dahil si Raiko iyon.

"R..Raiko? Akala ko..."

"Alam kong hindi ka pa kumakain at wala kang kasabay, kaya sasamahan na kita"tugon niya.

Awtomatikong kumurba ang labi ko at tumungo sa kaniya. Dinala niya ako sa pinakamalapit na canteen, siya pa mismo ang naghanap ng pwesto at kumuha ng plato at mga kubyertos ko.

"Kumain ka na, ilang minuto nalang magsisimula na ang klase mo" wika niya.

Tumungo ako at nagsimulang kumain. Inalok ko siya ngunit tinanggihan niya. Napanguso ako at tinuloy nalang ang pagkain ko. Ayos lang na hindi ko siya kasabay, atleast sinamahan niya ako diba? Yiiee.

"Kenzie.." Napatingin ako sa kaniya ng tawagin niya ako.

"Yung ginawa mo kanina kay Lizzy, mali yun. Hindi ka dapat namamahiya ng tao" kalmadong saad niya.

Napatigil ako at tinignan siya.

"Sandali, sumama ka ba sa akin para lang sabihin yan?" Inis kong sagot. "Hindi ba't kahapon lang kayo nagkakilala? bakit dinedepensahan mo agad siya sa akin?"

"Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi maganda yung sinabi mo sa kaniya-"

"Pero totoo yun" pagputol ko.

"Pero mali parin"

Chasing The Hot And ColdWhere stories live. Discover now