Chapter 6

164 12 3
                                    

Ilang araw ang lumipas ay ipinahinga ko ang sarili ko dahil sa kirot ng aking puso. Pero kahit anong gawin kong pahinga, ang sakit parin, hindi parin nawawala ang bigat ng pakiramdam ko.

Wala na ba talaga akong pag asa? Gusto ko man manghinayang sa mga taong ginugol ko para kay Raiko ngunit hindi ko magawa. I've really enjoyed those times at kahit kailan ay hindi ako magsisisi na nagkagusto ako sa kaniya. Pero ang sakit parin talaga.

Ginugol ko ang mga natitirang araw bago ang birthday ni Raiko sa paggawa ng regalo sa kaniya. Ginawan ko siya ng braided cord bracelet, combination ng blue at purple yung color dahil favorite color niya yun. Bukas na ang birthday niya at heto ako ngayon sa harap ng kanilang department, ngayon nalang ulit ako pumunta dito simula ng makita ko sila ni Lizzy.

"Bossing!" Sinalubong ako ni Sev ng may malaking ngiti.

"'Di kita nakikita noong nakaraan ah? Ba't nandito ka ulit?"

"Busy lang ako"

"Akala ko ayaw mo na kay Raiko eh"

Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Napansin niya ang malungkot kong mukha kaya pinisil niya ang pisngi ko at pinakorte ng nakangiti.

"Sev naman!" Pinalo ko ang kamay niya kaya natawa siya sa akin.

"Smile na kasi! Ang panget mo pag nakasimangot!"

Napasimangot ako lalo habang siya ay pinagt-tripan parin ang mukha ko.

"Uy Seven! Tanginamo!" May lumapit sa aming lalaki at mahinang sinuntok ang braso ni Sev.

"Uy! T-angina mo din ga-go!"natatawang sagot ni ni Sev.

Ano ba namang mga buganga 'to! Ang sarap pagsasampalin! Ganiyan ba talaga sila magbatian?

"So ikaw pala yung kinukwento niya.."napakamot ang lalaki sa kaniyang baba habang kinikilatis ako.

"Hoy! Makatitig ka wagas ah! Alis na!" Tinataboy na siya ni Sev ngunit ayaw nitong magpaawat.

"Ga-go Tol, ang swerte mo. Naka jackpot ka yata sa girlfriend mo!"

Napakunot ang noo ko sa kaniya habang si Sev ay sumesenyas kay Nicollo na tumigil na. Ako? Girlfriend? ni Sev?

"Hi miss! By the way I'm Nicollo. Gusto ko nga palang siraan si Sev, habulin ng chicks yan kaya ang lakas ng loob magpacute, malandi yang ga-gong yan kaya i-break mo na" bumulong pa siya kahit rinig na rinig naman.

"Oy hayop! Di ako malandi no!"

Natawa ako kay Sev dahil para siyang bata na nag t-tantrums.

"Nako hindi ko naman siya kailangan i-break, hindi ko naman boyfriend si Sev. Friends lang kami"sagot ko.

"Friends?! Pu-ta ka Sev!" Natatawa siyang tumingin kay Sev na ngayon ay nakanguso sa akin. "Sabi mo gf mo na 'to?"

Pinanlakihan ko ng mata si Sev. Anong pinagsasabi ng lalaking 'to?

"Gf nga! Girl friend! Babaeng kaibigan abnoy! Psh!"

"Sus! Kunwari, t-anginamo uwi na ako! Nice meeting you Kenzie. Bye na-friendzone" inasar niya si Sev kaya umaba itong susuntukin siya ngunit mabilis na nakatakbo si Nicollo.

"Madapa ka sana hayop!"

"U-lol!" Nag badfinger si Nicollo habang naglalakad ng patalikod pagkatapos ay bigla ngang nadapa. Ayan, hindi kasi tumitingin sa daan.

Pareho kaming natawa ni Sev, nang mawala siya sa paningin ay bigla niya akong inakbayan.

"Girl friend huh?"tinaasa ko siya ng kilay.

Chasing The Hot And ColdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon