Chapter 9

173 10 3
                                    

"Ano?! Bigay agad?! Agad agad?! Gaga kang Timawa ka! Hindi ka manlang nagpakipot girl?!" Yan ang untag ni Jia sa akin. Binatukan pa ako ng loka.

Nasa 7/11 kami at kumakain ng sundae, uwian na kasi tapos hinila ako dito ni Jia upang usisain ang nangyari sa pagitan namin ni Raiko. Kinuwento ko naman ang lahat, as in lahat-lahat, pati yung... Alam niyo na.

"Hindi ko na naisip yun, kasi naman halik palang niya parang nawala agad ako sa sarili ko, hindi ko na napansin na magagawa namin yun"

Actually ako pa nga ang nag urge na ituloy yun! Waah! Kasi naman e.

"Alam mo? Padalos-dalos ka! paano kung katawan lang ang habol ni Raiko sayo?"

"Hoy! Wag mo nga siyang pag isipan ng ganiyan. Bata pa lang ay magkasama na kami. At kahit kailan hindi siya nag take-advantage sa pagkababae ko no!"

"Sabagay... Dapat dati ka pa niya pinagsamantalahan. Pero kasi ang weird lang, kung dati ka pa niya mahal bakit ngayon niya lang sinabi? Samantalang ladlaran na nga ang motibo mo sa kaniya"

Sa totoo lang ay napaisip rin ako, bakit nga ba ngayon lang?

"Ewan ko rin, siguro hindi pa siya handa noon"

"Pero Zie... Tano!g lang ha? gumamit ba kayo ng proteksyon?"

"Ha? Proteksyon para saan?"

"Timawa talaga.." Naiiling niyang saad at minasahe ang sentido niya.

"Yung ano! Yung dapat ilagay sa ano ni Raiko! Paa hindi ka maano?!"

"Ano ba yun?"

"Hays! Condom gaga ka! Wag mong sabihing wala?! Paano kung mabuntis ka?!"

Napakagat naman ako sa aking labi, malay ko ba sa ganung bagay? At isa pa maiisip pa ba namin yun kung nandoon na kami sa ganung sitwasyon?

"Hindi naman siguro, isang beses lang naman nangyari"

"Kahit na no! Paano kung sharpshooter 'yang si Raiko ha? Isang tira lang may binhi agad!"

"Jia bunganga mo!" Sinuway ko siya dahil napapatingin na ang ibang customer sa amin.

"Psh, pinapaalalahanan lang kita. Zie naman kasi, ako ang kinakabahan sayo! Yung nabasa ko kasing libro ganiyan din yung situation, nabuntis siya ng boyfriend niya tapos cheater pala! Ang malala iniwan pa yung babae at ang anak nila para sa babae! Nakakainis kaya! Nakakagigil!"

"Hindi ganun si Raiko. At isa pa tigil-tigilan mo na ang pagbabasa dahil masyado ka ng nai-impluwensiyahan ng mga libro"

"No way. Yun lang ang nagpapasaya sa akin no!"

Napailing nalang ako sa sobrang addiction niya sa libro. Ewan ko ba kay Jia, kaya wala siyang jowa dahil ang tataas ng standard sa mga lalaki dulot ng mga libro.

"Hindi pa ba tayo aalis? Pupuntahan ko pa si Raiko sa trabaho niya"

"Sandali lang naman! May nag offer kasi sakin ng libro ni E.L James, at girrrrl! may discount! Imagine ang mahal ng original price nun? kaya nakipag deal ako agad sa seller! Actually dito ang meet up namin ngayon para sa transaction"

"Psh, hindi ko akalaing gagastos ka para diyan, alam mo ba kung gaano kamahal yung mga librong binibili mo ha? Allowance ko na yun ng isang linggo"

"Actually noong una ay hindi ko naman talaga balak na bilhin yun. Pero kasi girl! Yung username niya ay SB19! eh t-angina mga crush ko 'yon! At feeling ko isa yung seller sa kanila! Napabili tuloy ako!"

"SB19?"

"Boy band 'yon gaga! Isa sa kanila yung kausap ko! Hindi ko lang alam kung sino sa kanila. So ayon nga, nagkausap kami ng sobrang tagal. At feeling ko gusto na niya ako. Sino kaya sa kanila? Si Justin? Joshua? Si Stell? Kahit sino basta isa sana sa kanila, kyah~" hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya at kinilig na parang ewan.

Chasing The Hot And ColdWhere stories live. Discover now