Chapter 12

189 11 5
                                    


Kinabukasan ay nagising ako sa mainit na hanging tumatama sa aking noo. Pagdilat ko ay bumungad si Raiko na mahimbing na natutulog sa aking tabi.

Pinagmasdan ko siya, mababakas sa mukha niya ang pagod at puyat sa trabaho. Tinungkod ko ang aking siko at mas pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Nilandas ko ang isamg daliri ko sa kaniyang matangos na ilong, isa sa attractive sa kaniya ay ang nuna niya sa ilong, ang cute-cute tignan. Actually napakarami niyamg nunal, sa leeg, sa batok, sa braso, sa balikat kaya magnet talaga sa girls.

"Masyado ka kasing gwapo, ang dami ko tuloy kaagaw" inis na bulong ko.

Hindi ko naman minahal si Raiko dahil gwapo siya, minahal ko siya dahil siya si Raiko. Buong childhood at teenage years ko hanggang ngayon na young adult na kami, siya ang kasama ko. Kilalang-kilala ko na siya, pati ang flawses niya ay nakita ko na at ganun din naman siya sa akin, kabisado ko na ang ugali niya at nato-tolerate ko ang coldness niya.

Kaya mahirap na alisin siya sa buhay ko, kumbaga malaking parte na siya at mahihirapan ako pag nagkalayo kami. Parang mawawala ang kalahating bahagi ko.

"Mmm!" Gumalaw siya dahil nakiliti ko yata sa kaniyang ilong. Napangiti ako at mabilis siyang hinalikan sa labi.

Sandali akong tumigil, hala nagnakaw ako ng halik!

Mabilis akong tumayo dahil sa kaba, baka kasi conscious na siya pero mukhang hindi pa naman siya gising. Thank God.

Muli akong ngumiti bago ko lisanin ang kwarto.

"Ang pilya mo Zie, nagnanakaw ka ng halik!" Natatawang bulong ko sa sarili ko.

Dumeretso ako sa kusina para maghanda ng agahan. Pagod si Raiko kaya maganda siguro na handaan ko siya ng almusal. Mabuti may binili siyang groceries, napagpasyahan kong lutuin ang pancake na ready-to-mix, tapos mag f-fried din ako ng rice, itlog at hotdog kung sakaling gusto niya ng heavy breakfast.

"Fff! Fff!"

Hinihipan ko yung mga buhok na humaharang sa mukha ko, narumihan kasi ang kamay ko ng pancake mixture kanina kaya hindi ko mahawi gamit ang kamay ko.

"Fff! Fff—" napatigil ako ng may humawak sa buhok ko at tinali yun gamit ang maliit na goma.

Lumakas ang pintig ng puso ko, syempre sino pa ba ang gagawa no'n, isa lang naman ang kasama ko dito.

"Uhm.. Niluluto ko pa yung breakfast, maupo ka muna"

Imbes na sumagot ay sumandal siya malapit sa gilid ko at pinagmasdan akong magluto.

"Ano ba wag ka d'yan, nakakadistract ka" sabi ko na may kasamang pag irap.

"Tignan mo ang niluluto mo at baka masunog" sagot niya.

"Paano ako makakapagfocus kung nandiyan ka? Alis" Pagtataray ko.

Natawa siya at umiling iling bago lumayas sa kaniyang pwesto. Ngunit lumipat naman siya sa likod ko at tinignan ang mga pancakes na niluluto ko.

"Ano ba Raiko, hindi ka mapakali—" napatigil ako ng mabilis niya akong halikan sa labi.

"Para 'yan sa pagnanakaw mo ng halik sa'kin" he smirked.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko, masyado kaming malapit sa isa't isa. Nilapit niya ulit ang kaniyang mukha sa akin, napapikit ako sa pag aakalang hahalikan niya akong muli, pero imbis na halik ay ikiniskis niya ang ilong namin sa isa't isa.

Napadilat ako habang kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

"Baka masunog 'yong niluluto mo" sambit niya at lumayo sa akin.

Chasing The Hot And ColdWhere stories live. Discover now