CHAPTER 2

3 0 0
                                    

PAT'S POV

At dahil hindi ako nagpakilala sa first chapter, kaya magpakilala na ako. I'm Patrisse Lyn Brillano 20 years of age, 2nd year college at magtatransfer ako ngayon sa Abraham University, taking Businees Management.

Bago pa man ako pumunta ng school ay inayos ko na ang mga gamit ko at iniligay iyon sa kotse ko kagabe. Debale't wala naman si mama ngayon dahil may work at next week pa makakarating ay dito na ako nagpasyang magpalit ng panlalake.

Alam kong isang katangahan itong ginagawa ko pero ano pa nga bang magagawa mong kung sobrang mahal na mahal mo talaga yung tao.

Isinuot ko na sobrang luwang na sweat shirt at malaking jogging pants at pang basketball na sapatos saka nag wig medyo kinapalan ko rin ang kilay ko upang magmukha talaga akong lalake. Nilagyan ko pa ito ng pin para siguradong hindi matanggal ang wig ko kung sakali man.

"Ang gwapo ko talaga" mahangin kong saad nung tumingin ako sa salamin..


*ABRAHAM ACADEMY*

Kinakabhan akong naglakad papasok sa gate ng school... Andito na ako, sinimulan ko na kaya panindigan ko. Nang makarating na ako sa harap ng Dean's Office ay kumatok na ako ng tatlong beses bago pinihit ang hawakan ng pintuan at sumilip tamang tamang andun siya..

"Hello tito.." saad ko na ikinabigla niya..

"Oh my patrick what are you doing here I though your at--"

"It's me Patrisse.." putol ko sa sinabi niya na ikinagulat niya lalo..

"What happened to my beautiful pamangkin, tibo ka na ba? Don't worry I'll support you with that"
Lihim ko siyang sinamaan ng tingin bago umupo sa  couch na kaharap lang neto..


"Si tito talaga hindi naman po sa ganun"

"Tito?" Umarko ang kilay neto

"Ay sorry tita pala.." ngumiti ako at nag peace sign.

"Eh ano?" Kita kong tumaas ang isa neton kilay aba tinatarayan na naman ako ng baklang ito..

"Hmmm... Kaso ano po tita nagtransfer kasi dito ang crush ko and because I want to follow him I decided to disguise myself as a man so that we could be staying in one dorm" nahihiya kong saad pero umiling lang ito..

"Na o obsses kana ata pamangkin, kulang nalang silipan mo siya habang naliligo.."

"Tita grabe naman hindi naman ako ganun.. pero pwedeng konti lang naman hehehe.."

Binato niya ako bigla ng hawak niyang ballpent kaya sapul ito sa noo ko, putek ang sakit nun ah.

"My ghad manang mana ka talaga sa tita mo..I'm so proud of you.." kinikilig netong saad sa akin, na ikinatawa ko nalang palibhasa kasi namana ko ang kamanyakan ng baklang ito..

"Oh ito ang susi sa dorm bahala ka na kung anong gawin mo sa kaniya hahahaha.." ngayon ako naman ang bumato sa kaniya ng ballpen na binato niya sa akin kanina.

"Anyways does your parents know about these?"

"Ahhh...hehehe hindi po pero can you please keep it a secret" saad ko at ginawa ko ang makamandag kong panlaban sa kaniya..

I pouted..

"Oo na ikaw talagang bata ka, hindi talaga kita kayang tanggihan, tsaka bat di mo kasi sabihin sa kaniya na gusto mo siya at hindi yang nagpapakahirap ka pa" he suddenly crossed his arms and glare at me

"Hindi ko nga kaya sa tuwing kaharap ko siya lagi nalang umaatras ang dila at nap-pipe ako di ko ba alam dito sa sarili ko.."

"Anyways kamusta pala kayo ng jowabels mo?"pagiiba ko ng tanong kaya naman napangiti ito bigla, mukhang maganda mood niya ah..

"Ganun parin ang sweet sweet niya" saad neto habang kinikilig..

"Ehhh...inggit ako" kung sana lang talaga confident ako na gaya ni tito- ay tita pala , siguro nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa kaniya kaso hindi eh, kaya bweset na bweset ako sa sarili ko..

"Oh ito na ang susi.. tsaka bilisan mo na kasi ang pagdiskarte diyan sa sinasabi mong crush mo, sige ka baka maunahan ka pa ng ibang babae diyan, o di kaya's ikaw na ang manligaw sa kaniya tsaka hindi lang naman lalake ang nanliligaw kundi ang babae rin" mabaha netong lintaya bago inabot sa akin ang susi na no.210

"Oo na po tita, eh malandi kasi kayo kaya nakakamingwit agad kayo" saad ko sabay tawa, totoo naman ah pag may nakita siyang gwapo lalandiin niya agad.

Ang kaso naloko na rin ito ng tatlong beses but this time, ang swerte ng nabingwit niya dahil ma effort ito at pinapakita niya talaga na mahal na mahal niya ang tita ko...

Nagpaalam na ako at hinanap agad ang Dorm Room ko. Hindi na ko makapaghintay na makita siyang muli..





A/N: SO TWO CHAPTERS FOR TODAY SORRY FOR THE WRONG TYPOS. ENJOY READING MGA KABS😁 (SHORT FOR KAIBIGAN ) SORRY IF IT'S CORNY😅✌️

BE WITH YOU   (COMPLETED)Where stories live. Discover now