CHAPTER 33

0 0 0
                                    

PAT'S POV


" Hoy lumayo ka nga.." bulong ko rito nakakainis sobra siyang makadikit..

"Ahem... Mukhang close na close na kayong dalawa ni bossing ah.. sabihin mo nga Pat kayo na ba??" Pang aasar sa akin ni Shan nang pabulong.

Bigla ko naman ito sinabunot at hinilia ito paabante at paatras.

Makalbo ka sana!!

"Aray! Masaket Pat.. paksh*t naman!" Sigaw neto at hinawakan ang kamay kong nakahawak sa buhok niya..

Nang biglang may sumipa ng upuan ko at muntikan pa akong mahulog dahil sa lakas ng impact .

"What the hell!!" Sigaw ko at nilingon siya..

"Ano bang problema mo?!!" I shouted at her dam* this b*tch namumuro na talaga siya. Kita ko lang na nakangisi ito sa akin..

"Upuan ko yan kaya umalis ka, b*tch! Or else..." Hindi ko ba alam kung anong iniisip ng babaeng ito, pero minsan ay naiinis na ako sa inaasta niya.

At alam niya ring babae talaga ako, kaya natakot ako nung una, pero sinabi niya na hindi niya ito ipagsasabi kung lalayo ako kay Zero which is ginagawa ko naman pero sadyang mapilit si Zero at gusto niya lagi na ako ang katabi niya..

"Why did you do that?" Zero said in a cold voice..

"Ehh... Upuan ko naman talaga ito, diba Pat?" She said while fake smiling at me, lihim kong pinaikot ang mga mata ko saka tumango. Hindi niya naman kasi kailangang sipain yung upuan, uso naman ang mag excuse diba?? Napaka walang manners talaga ng babaeng ito kung hindi niya lang talaga alam na babae ako baka binugbog ko na talaga ito.



"Pat.." rinig ko pang tawag ni Zero pero hindi ko na siya nilingon at umupo sa tabi ni Sceven. Buti pa ang isang to tahimik..

"Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong ni Sceven na ikinatango ko, ngumiti naman ito at ganun din ang ginawa ko. Saka dumating na ang teacher namin sa Statistics..

Natapos ang buong araw na puro ako iwas kay Zero at laging pumupunta sa Building ni Kabs tuwing may free time ako.

And as of now I have to go to the Mall because my dearest kabal is waiting for me..

"Baby!" I shouted when I saw him sitting on the settee. I hugged him tight ang kissed him on his cheeks, miss ko na kasi siya dahil hindi ako nakauwi sa bahay last week dahil sa projects namin..

"I told you not to call me that and enough with the kisses nakakadiri" cold niyang sabi..

"Eh pake mo ba"pagtataray ko. But he just hissed.

"Tara na nga baka mahuli pa tayo sa sinehan" tumango naman ako. Bumili muna kami ng pagkain sa McDo tapos popcorn sa isa sa mga stalls.

"Ang takaw mo talaga kambal" pangaasar neto

"Atleast sexy at maganda parin" I flipped my hair, but he just looked at me in disgusting expression..

"Tang*na naman yang mukhang yan, remember were twins so if you're going to say that I'm ugly then you are too" I rolled my eyes at nauna nang pumasok ng sinehan, siya na rin mismo humawak lahat ng pagkain, tutulungan ko nga dapat siyang magbitbit pero lagi niyang sinasabi na 'I can handle it' oh diba ang sweet ng kambal ko..

*****

"So where do you want to go next?" He asked..

"Kahit saan?.. anyways diba bukas na ang alis mo dito?" Parang nakaramdam na naman ako ng lungkot dahil wala akong kasama sa bhay at kakwentuhan tuwing weekends..

"Nah... I extended my vacation here for three months, maybe hanggang sa matapos ang finals niyo para naman sumama ka sa akin sa Canada"

"Really!" Masaya kong saad at niyakap siya.. yes!! May kasama parin ako..

"But how about your company?"

"My assistant can handle it besides nag ska- skype naman kami everyday, at stable parin naman ang company so far. Besides I just want to have a long vacation with my kambal kaya sulit sulitin na natin" mahaba niyang lintaya bago ngumiti awww... Kaya lab na lab ko ang kambal ko eh, nakakatunaw ng puso.

"Ang sweet sweet talaga ng kambal ko" I even pinch his nose ang hugged him..

"Arghh.... Masyado ka nang clingy kambal"

Natawa nalang ako sa sinabi niya, mukhang hindi na siya masyadong sanay sa pagiging sweet at clingy ko sa kaniya. Ganun kasi ako since bata pa kami, at dahil this month siya nakauwi ay parang naninibago daw siya..

"Sus ang arte parang di naman ko naman ginagawa ito sayo ng bata pa tayo?" Pang aasar ko

"Tss..Hindi ako makakabingwit ng babae kung lagi kang ganiyan"

"Woah.... Totoo yan kambal hahahaha.. akala ko wala ka talagang interes sa mga babae" Pang aasar ko eh panu ba naman kasi he never opened up to me about crush or love, kaya napagkakamalan ko itong pusong bato o kaya'y bakla HAHAHA..

"Shut it!" Tawa parin ako ng tawa, at kitang kita kong pulang pula na ang mukha neto hahaha, mukhng di siya sanay kapag babae ang pag uusapan..

"Anyways I want to visit uncle's school" bigla akong natahimik sa sinabi niya..

"No!! I mean.. Bakit naman? tsaka wala siya nag bakasyon daw kaya yung assistant niya lang ang andun" palusot ko, sana maniwala siya. He didn't know that I'm disguising as a guy kaya please lang..

"Hmmm... Ok sabagay baka stress rin yun kaya nagbakasyon" nakahinga naman ako ng maluwang sa sinabi niya..

"So let's go home" sabi ko at naglakad na kami sa parking lot pero bago kami maghiwalay ay niyakap ko ito ng mahigpit at pinupog ng halik ang pisngi niya.

"Yaks!! Kambal stop it! Ang dami mo nang laway sa piangi ko!"

Tumawa naman ako I just bid goodbye and went to my car, sadyang ganun lang talaga ako ka sweet, hays swerte siguro ng magiging boyfriend ko pag ganun hahaha..

*Beep* *Beep*

I looked to my right side and I saw kambal, binaba neto ang bintana ng kotse niya at nagsalita..

"Keep safe kambal.. I love you" nakangiti na netong saad kaya ngumiti naman ako bago niya iniandar ang kotse niya.

Ang swerte rin siguro ng magiging girlfriend ng kambal ko, he maybe cold but he cared too much tsaka iba kaai ang style niya ng pagpapakita ng pagmamahal niya. But ofcourse they need to meet my standards first, dahil ayaw kong masaktan ang kambal ko..

BE WITH YOU   (COMPLETED)Where stories live. Discover now