CHAPTER 14

0 0 0
                                    

ZERO'S POV



Hindi ko akalain na may manggugulo sa tahimik kong buhay at kaya akong inisin araw araw. Mag tatatlong buwan na rin pero hindi natitigil ang bangayan naming dalawa. He's so immature and sometimes I hate it, masyadong lampa, payat, maingay and looks like a girl.

Kasalanan ito nila Sceven kung bakit dun pa sa akin kwarto matutulog ang unanong iyon. Ayoko ng may kasama akong natutulog kaya naman nung una ay tinutulak ko siya para dun sa couch siya matulog I know that my bed is big enough but there's no way that I could sleep with another guy.

And for f*cking sake I really hate what I did a while ago and I don't know why I freakin' did that.. nakakainis lang dahil lagi niya akong tinatawag na bakla everytime na mag aaway kami, and at the back of the school.. it's so f*cked up.. Hindi ko naman sinasadyang halikan siya that was a big mistake, pero bakit ibang iba..

Aaarggghhh!!! Stop Zero he's a guy, that was the most stupid thing I ever did.. is kissing a freaking guy..



PAT'S POV



"Waahhhh... Kabs kinikilg ako sayo.."

"Ano kinikilig ka dun, yaks nakakadiri nga eh...bweset dapat para kay James lang yung halik na yun eh.." nagmamaktol kong saad. Kwinento ko kasi ang nangyare sa amin ni Zero, tapos ito namang babae sobra namang makilig..

"Ayaw mo yun hinalikan ka ng napakagwapong nilalang" kinikilig netong saad, kulang nalang magtatalon talon siya sa harapan ko..

"Gwapo rin naman si James ah- aray!!" Grabe ang sakit ng kurot niya sh*t!!!

"Nakakainis ka puro nalang si James ang bukambibig mo, ba't di ka na kasi umamin sa kaniya napaka torpe mo talaga tsk.."

"Speaking of ayan na siya oh..."sabay turo sa harapan naman at totoo ngang palapit siya sa amin , kita ko pang kumaway ito sa kinaroroonan ko.

"Oh siya bahala ka na diyan.. mauuna na ako.."

"Hoy! kabs.." bweset yan iwan ba naman ako.

"Hey..  heard about the news.. hinamon mo daw si Zero" paano niya naman nalaman.. tsk bak yung mga kaklase namin o kaya sila Shan.. mabunganga kasi ang isang yun eh..

"Hindi ko alam na chismoso ka rin pala haha" natatwa kong saad pero ngumiti lang ito kaya kitang kita ko ang mapuputi't pantay-pantay netong ngipin..

"Hahaha....Eh ano pa nga ang silbi ng pagiging journalist at photographer ko sa school na'to kung hindi ako makikihalobilo" oo nga noh haha sabagay may punto naman siya. Nagpatuloy naman siya sa pag kukwento, hindi ko akalaing joker rin pala siya at madaldal, ang ganda niya lang talaga kausap at nakakagaan ng loob ito rin ang dahilan kung bakit nagustuhan ko siya nung highschool, hanggang sa nag ring ay napagpasyahan na naming magpaalam sa isa't isa..

Habang naglalakad ako sa hallway di ko namalayang naglakad pala ako sa wet floor dahil sa lalim ng iniisip ko..sa sobrang katangahan at lampa ay nadulas ako't natumba....

"Ah!! Sh*t!!" Boses yun ng lalake ah.. pagmulat ko, nakita ko si Zero at nakadagan ako sa kaniya. Aalis na dapat ako ng bigla netong hawakan ang bewang ko, kaya nagsitaasan ang mga balahibo ko what the hell!!!

"Ba't ba sobrang tanga mo" sumusobra na talaga siya ah.. hindi niya ba alam na nasasaktan na ako sa mga sinasabi niya..

"Ba't ba sobrang sama ng ugali mo" sinamaan ko lang siya ng tingin, akmang tatayo na dapat ako ng bigla niyang higpitan ang pagkakahawak sa bewang ko...

Sa totoo lang na t-touch na ng boobs ko yung dibdib niya, ayoko naman na mahalata niya kaya naman inilagay ko yung kamay ko dun sa dibdib niya para makalayo. Ang manyak ng taong ito, di ko alam kung sinasadya ba niyang idikit ang hinaharap ko sa dibdib niya..

Buti nalang talaga at walang tao dito sa dinaanan ko..

"Ano ba bitawan mo nga ako sabi eh!!" Galit kong saad dito..naalala ko na naman ang ginawa niya noong isang araw.. Nakakainis magpahanggang ngayon ay di ko parin nakalimutan yun..

Kita kong seryosong nakatitig lang ito sa akin.. maya't maya pa'y bigla nalang itong lumapit at hinalikan ako sa labi.

Ba't ba ganito ang nararamdaman ko.. ang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang lambot ng lips niya, gusto ko man humiwalay pero bakit ayaw ng katawan ko..

Dam* it Pat this is not right!!!. Agad akong humiwalay sa kaniya, kita ko naman ang ngisi sa kaniyang mukha..

"Nagmumukha ka ng kamatis.. pulang pula na yang mukha mo" pang aasar pa neto sa akin, dapat sinapak ko na siya pero mas nauna ang hiya ko..

"Andito lang pala kayo eh.." I heard Sceven's voice na paparating kasama yung tatlo.. kaya naman agad akong tumayo, buti nalang andito na sila..

"Oh Pat what's with your face.. pulang pula?" Argghhh..  why do they keep asking me that..nilingon ko si Zero na nakangisi parin.. dam* him!! Lumapit ako sa kaniya at sinipa ito sa paa bago kumaripas ng takbo

"OUCH!! WHAT THE F*CK!! PAT!!" rinig ko pang sigaw neto, gago siya kulang pa yun sa ginawa niya sa akin..

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko pero nakarating ako sa may field, walang katao- tao rito kaya naman umupo na ako at dun umiyak..

Argh... Ba't ba ganito nakakainis na siya, pati ba naman ang first and second kiss ko nakuha niya. Maarte na kung maarte pero para sa akin mahalaga iyon, tapos nakuha niya lang ng ganun ganun. I know we always had a fight pero iba na pagdating sa bagay na yun..Bweset!!! bweset siya!!!

"Here..." Si sceven at inabot sa akin ang panyo

"Thanks" kinuha ko naman iyon at pinahid sa mukha ko na puno ng luha at sipon..

"Ako na ang humihingi ng tawad kung ano man ang nagawa ng kaibigan namin, he's just always moody pero mabait talaga iyon dati it's just that..."

Natahimik ito saglit kung itutuloy pa ba niya ang sasabihin niya..

I heard him sigh..

"It's because of a girl who broke his heart.."

Napalingon ako sa kaniya. Really?..

"Well that was last year ago..at mukhang hilom parin ang sugat niya magpahanggang ngayon."

"Bakit ano bang nangyare?" Tanong habang nagsisinghot..

"Let's say na niloko siya nung girl, at sumama pa dun sa lalake, tapos first love pa niya ang babaeng yun, ang sakit diba... Supposedly mag t-three years na dapat sila ngayon.. You know iba talaga kasi magmahal si Zero eh, binibigay niya ang lahat dun sa babae tapos iiwan rin pala siya. That's the time when he got wasted for two months at tuluyan na ngang nagbago"

I didn't know na may pinagdaanan pala siya, at oo nga kung ikaw nga naman ang nasa kinatatayuan niya masasaktan at masasaktan ka talaga.. hays pag ibig nga naman..

"Kaya pagpasensyahan mo na ang taong yun masyado lang talagang moody, pero masasanay ka rin naman sa kaniya" nakangiti netong saad, buti pa ang isang 'toh napaka bait...

"Tara na nga.. may klase pa tayo " He reached his hand and helped me stand..

Now I know... Kung bakit siya ganun, maybe I should apologize kung bakit lagi ko siya iniinis, kahit papaano may bukal parin naman akong puso at madali akong magpatawad..





BE WITH YOU   (COMPLETED)Where stories live. Discover now