CHAPTER 19

0 0 0
                                    

PAT'S POV

"So kamusta na ang pagsasama niyo ni James umaasenso ba?" Kinikilig na saad ni Kabs

Tumangi ako at sumipsip sa mango graham shake..

"Yyyiieee...alam ko na susunod niyan manliligaw na siya!!"

"Ay sh*t aray!" P*ta nananapak na naman tong bruha..

Naikwento ko na sa kaniya yung pagkikita namin ni James every hapon ng weekdays and weekends, andami na naming pinag usapan bring back the memories lang..

"Eh panu pa kaya ngayong sembreak edi mapapalagi ang pag d-date niyo?"

Nakangiti netong saad habang ngumunguya ng cake..

"I don't know.."

Sa wakas at tapos na rin ang 1st sem kaya naman may 2 weeks sembreak kami, buti't makakapagrelax na rin ang aking beauty..

"Buti napagtyagahan mo ang limang yun.. tsaka hanep di ka parin nila napaghahalatahan .."

"Ofcourse ako pa.."

"Pero hanggang kailan yan?"

Bigla akong napahinto.. oo nga noh hanggang kailan kaya ako magpapanggap?

"Hindi ko pa alam" napayuko ako pero bigla nalang ako netong sinabunutan..

"Sh*t ang sakit kabs!!" Sigaw ko kahit pa nasa loob kami ng isang stall tapos nakatingin pa ang mga tao sa amin..

"Ang tanga mo talaga kahit kailan.. tsk.."
Tinapik ko agad ang kamay neto.. bweset siya, kahit kailan talaga mapanakit ang taong ito..

"Oh my!!" She shouted kaya napalingon na naman ang mga taon sa amin, pero ngumiti naman ako saka nag peace sign sa kanila..

"Ang ingay mo talaga.." mahina ngunit madiin kong sabi dito..

"Mag dedate na naman kami ni baby Bryan.."

I didn't tell you na may boyfriend na nga pala ang malanding ito, one time ko lang siyang na meet nung birthday niya at inaya ako ni kabs sa bahay nila. Magkaiba kasi sila ng school ang he's a Varsity player of Rugby and Basketball kaya di maiwasang magselos ni kabs dahil madaming humahabol daw kay Bryan..

"Then go.. shoo!!" Pagtataboy ko sa kaniya

"Tsk.. ito naman sige na babye na kitakits bukas.. labyu kabs.." hinalikan pa ako neto sa pisngi bago umalis..

I sigh... Mag isa ko nanaman, walang makausap. Nagmumukha na naman akong pipe dito.

"Pwede makishare"

"James!" Parang bigla akong naganahan nung makita ko siya .

"Nakita kasi kitang mag isa kaya, pinuntahan na kita" nakita ko na naman ang pantay pantay netong mga ngipin..

"Ah ganun ba.. hehehe"

Nakipagkwentuhan naman siya sa akin ngunit saglitan lang dahil may tumawag sa kaniya kaya naman balik loner na naman ako hays .

Bahala na sembreak ngayon kaya dapat magsaya ako..

Naglibot libot muna ako dito sa mall ng may nakita akong couple shirts na pwede pang barkada. Sakto namang anim yun, color black siya tapos my nakalagay sa likuran na 'He's my dude' ewan ko lang simple naman siya pero binili ko parin..

Naghanap pa ako sa ibang stalls ng mga damit ko I bought dresses ang shoes kung anu ano pa. Hindi ko naman na kailangang mag grocery dahil nakabili na ako kahapon..

*Bog*

"Ay sorry " we both said in unison.. at agad kong kinuha ang mga bags na nahulog sa floor, tinulungan naman ako neto..

"Tha--" sh*t

"Sorry miss" Ba't sila andito..

"Hi ako nga pala si Shan" singit niya kay Sceven, pero di ako makagalaw lahat sila nakatingin sa akin.. sh*t ba't ngayon pa lintik naman.

"May kasama ka ba?" Tinulak ni Sceven si Shan, naramdaman niya siguro na parang di ako mapakali..

"Me--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Shan

"Ayos sama ka na sa amin.. este sa akin- aray!" Agad siyang binatukan ni Sceven

"Pagpasensyahan mo na itong si Shan masyadong malandi, btw I'm Sceven, Timothy, Harold, si Shan at Zero.."

"Ikaw anong pangalan mo??" shan

"Lyn" sabi ko bago yumuko, gusto ko nang umalis dito, gosh ayoko namang mamukhaan nila ako. Lalo na itong si Zero dahil nakatitig lang talaga ito sa akin..

"Nice to meet you Lyn" nakangiting sabi naman ni Shan

"Pero parang may kamukha siya.." Harold

"Oo nga eh...parang kamukha niya si Patrick"

Double sh*t sabi ko na nga ba eh..

"Ahh hehehe baka coincidence lang po na magkamukha kami, hindi naman po kasi iisa mukha niya dito sa mundo..."palusot ko kaya  napa 'ahhhh', nalang sila

"Mmm...kailangan ko na--"

"Ui tara sa quantum!" Sigaw bigla ni Shan at hinila ako papunta dun, bweset talaga 'toh kung pwede lang siyang batukan ginawa ko na...

Wala na akong nagawa dahil hawak hawak ako ni Shan...

"Pasensyahan mo na itong si Shan masyadong childish.. ako na ang hahawak niyan.." nakangiting sabi ni Sceven saka niya kinuha ang bag na hawak hawak ko...

"Than--"

"Dun naman tayo oh.." tang*nang Shan ito masasapak ko na talaga. Hihila na naman niya ako papunta sa basketball.

"Here ikaw mag shoot, paramihan tayo ang matalo may consequence" nakangisi netong sabi, ang ayaw ko sa lahat ay ang nanghahamon sa akin. Itinaas ko ang isang kilay ko, pero ngumisi lang ito ah ganun pala ah.. sige ipapamukha ko sa kaniya na hinding hindi ako magpapatalo

"Sh*t!" Mura niya. Malaki naman ang ngiting binigay ko sa kaniya..

"Talo ka, so.. ako ang magbibigay ng consequences"

"Tss.. oo na" nakanguso pa netong saad, tsk... Mmm.. ano nga ba ang ipapagaw ko sa kaniya.

"Pero bago pasapak muna"

"Ahh! Ouch naman babe.."

"Anong babe? .. babe mo yang mukha mo, nakakainis ka hindi pa nga tayo gaanong magkakilala hinila mo na agad ako, feeling close kuya.." pinagsasapak ko ito hanggang sa dumating naman yung apat

"Oh ikaw maghawak lahat ng bag na yan" kinuha ko yung mga bag na hawak ni Sceven at binigay toh lahat sa kaniya. Kala niya ah, wala akong maisip na consequence kaya yun nalang ang ipapagawa ko..

At dahil andito na rin lang ako bat hindi nalang ako maglaro. Inaya ko na rin silang mag laro at halos malibot na namin ang quantum dito sa Mall. Nagkaraoke pa kamiand lastly sa photo booth

"Wacky!"

Sigaw ko kaya naman nag wacky sila, sunod serious face, pout, peace sign at yung korean heart.  Natatawa nalang ako sa kanila dahil di naman sila KJ except itong si Zero na seryoso parin, pinilit ko kasing pumasok ito sa loob ng photobooth.

"Ui smile naman diyan" saad ko pero tiningnan naman ako neto ng masama..

"Please..." I pouted

"Tsk.."

Ayaw niya talaga kaya inilagay ko ang dalawang daliri ko sa gilid ng labi niya at pinipilit na ngumiti so huli ay wala rin itong nagawa inulit namin mag picture at nag pose ng ilang beses.

"Oh ayan para may copy tayong lahat" pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanila dahil medyo late na rin. Though sana naman hindi nila malaman na ako at si Pat ay iisa..




BE WITH YOU   (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ