CHAPTER 11

0 0 0
                                    

PAT'S POV


Hapon na nang mapagpasyahan kong lumabas para magluto I'm sure hindi pa nakakapagluto si Sceven.. dinaanan ko sila sa Living Room at mukhang nag eenjoy ata sa laro nila, nakita ko pang may hawak hawak silang plastic bottle at pinagpapalo sa ulo ni Shan habang nagtatawanan..

"Aray! Grabe ang sakit ah!!" Pagrereklamo niya..

"Tss... Aangal ka pa eh ganun nga ang parusa pag natalo sa tong-its" Tim

"Pag ako nanalo dito humanda kayo sa akin" Shan..

Nagsaing na ako ng Rice at nagsimula na ring magluto ng adobo at pinakbet. Nagbake na rin ako ng strawberry cake at chocolate mousse cake dahil may mga ingredients naman na kabibili lang nila Sceven nung weekends and lastly Milkshake.

Inayos ko na ang table at inilapag dun ang mga pagkain, nasa gitna yung dalawang cake and so on..

"Wow naman tol.. andami mo atang niluto" saad ni Harold habang kumukuha ito ng tubig..

"Tawagin mo na yung iba kakain na tayo.."sumunod naman ito at sumigaw..

"Hoy mga tokmol kain na!!" Kita ko namang nagsitakbuhan ang mga ito.. Hays kailan ba sila matututong magsuot ng damit nakakailang talaga yung mga katawan nila..

Hindi ako makakain ng maayos dahil pinaggigitnaan ako nila Sceven at Zero, himala ang tahimik ng isang 'toh ngayon at hindi nang iinis. Ang tatangkad nila at ang haba ng paa at todo makabukaka, natatouch tuloy yung legs ko sa kanila at tumataas yung nga balahibo ko at di rin ako mapakali..

Pagkatapos ng 20 mins ay natapos na rin silang kumain.. OO SILA LANG.. nakakahalati ko palang yung pagkain ko, hindi ko pa nga natitikman yung cake dahil naiipit ako sa dalawang dambuhala habang kumakain kami..

"Oh anong ginagawa mo pumunta ka na dun.. ako na bahala dito" saad ko habang kumukuha ng strawberry cake na halos kalahati na dahil ito talaga ang inuna ni Zero..

"Inaantay kitang matapos na kumain.. tsaka ako naman ang maghuhugas, ikaw na nga ang nagluto ng lahat ng ito" ngumiti ito sa akin..

"Hindi ako na.."

"Hindi ako na.."

"Ok" mapilit siya kaya sige siya nalang ang maghugas dahil napagod akong nagluto.. kahit papaano siya lang yung taong mabait sa kanila, siya pa nga yung nag alaga sa akin mula nung natamaan ako ng bola hanggang sa paguwi siya pa ang nagprisintang dun ako sa kwarto niya matulog at siya naman sa labas dun sa sofa..ganun ang gentleman hindi tulad ni Zero na sobrang damot at napaka moody parang babae na laging may dalaw..

Tinulungan kong iligpit ang mga pinagkainan namin at nilagay ko na rin yung natitirang cake dun sa ref bago umalis. Aakyat pa sana ako ng mapansin kong maaga pa naman kaya naisipan kong mag movie marathon muna kami..

"Guys nood muna tayo!!" Sigaw ko

"Anong papanoorin natin?"

"The nun" saad ko eh yun lang yung nakasave sa phone ko..

"Maganda ba yan..?" Tanong ni Sceven

"Oo" nakangisi kong saad mukhang di nila alam ang panood na ito eh matagal na ito..

"Hoy Zero! Halika na nood tayo walang KJ" sigaw ni Tim

""Tsss.. next time pa na maririnig ko yang KJ sasapakin kita" malamig na sabi neto. Yun na ata ang laging sinasabi ni Zero malilintikan ka o kaya'y sasapakin kita..

Lumapit ito sa amin at umupo sa sofa..Nagumpisa na nga ang panood at ako na naman ang nasa gitna nila Sceven at Zero..pinatay na rin nila yung ilaw at kumuha naman ako ng popcorn.....


"AHHH!!" Harold

"OH SHIT!"Tim

"WAAHHHH.. AYOKO NA!!"sigaw pa ni shan at nahulog yung ibang pocorn sa sahig..

"Tumahimik nga kayo.." nakakainis ang iingay nila.. pero deep inside natatawa ako sa hitusra nila, tapos itong dalawang katabi ko lihim na nagugulat HAHAHA..

"LIGHT BULB*

HAHAHAHA *EVIL LAUGH*.. may plano ako

"Ihi lang ako"paalam ko at dali daling umakyat sa kwarto..

Hinalungkat ko agad yung makeup ko sa bag at ginaya ko yung mukha nung madre dun sa 'The Nun' tinaggal ko na rin yung wig at pinagitna ko yung buhok ko, kinuha ko na rin yung puting kurtina at isinuot iyon..saka ako lumabas ng kwarto at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan nila.

Dahil madilim ang paligid hindi nila ako napansing pumunta malapit sa may TV

"BOO!" Gulat ko

"Wahhhhh!!" Shan at tumalon sa likod ng couch

"OH sh*t yung madre lumabas mula sa TV" Tim at tinakpan agad yung mukha

"AHHHHH!!" Harold at nawalan ng malay.. HAHAHA mukha niya sh*t gusto ko na talagang tumawa.
AT si Sceven at Zero nagyakapan pa..

"Woo~~" naglakad ako palapit sa kanila..

"AAHHHHHHHH!!!!!" sigaw nilang lahat.

"Ppfffttt... HAHAHAHAHAHAA"di ko na talaga mapigilan halos maupo na ako sa sahig sa kakatawa, ang epic ng mga mukha nila..

Bigla namang may nagbukas ng ilaw..

"Bweset ka!! Patrick! Papatayin kiya!" Sigaw pa ni Shan at tumakbo palapit sa akin, ako naman ay tumakbo. Sumunod naman sila Tim, at Sceven, nagising na rin si Harold dahil tinapik ito ni Zero kaya nakihabol sa akin..

"Wahahaha!! Tama na!!" Hindi nila ako makuha kuha dahil sa liit kong ito kaya nalulusutan ko sila. Pero this time nahuli nila ako. Hinawakan nilang apat yung mga paa't kamay ko saka tinapon sa couch buti nalang andun si Zero kaya nasalo niya ako..Nakita ko namang napapikit ito..

"Tsk..pwede ba tanggalin mo na yang nilagay mo sa mukha mo"

"AHA! takot na noh" pang aasar kaya tumawa yung apat..

"Bakla ka pala eh.."pang aasar ko pero bigla niya akong nilingon at tumingin ng masama.. tss.. di ako natatakot, kaya naman mas lalo kong inilapit ang mukha ako..

"Boo!- Ah sh*t!" Bigla niya akong hinulog sa sahig.. napaka ano niya talaga tsk...

"Hahahaha!" Tawa nung apat kaya tumakbo ulit ako palapit sa kanila..

"H-Hoy tanggalin mo na nga yan.. hindi kana nakakatawa"nauutal sa saad ni Shan.

"Aawwooohh~~ARAY ANO BA!!"

"Sabing tama na yan"seryosong sabi ni Zero..

"Hindi mo naman kailanganng mambatok tsk.." grabe hindi ba niya alam na mabigat yung kamay niya. Aalis na dapat ako pero nilingon ko ito at agad na ginulat bago tumakbo sa kwarto..

"ARGHH!! PATRICK!!"

HAHAHA.. this is the best night ever..

BE WITH YOU   (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu