CHAPTER 22

0 0 0
                                    

PAT'S POV



"Arghh..!"

*BOG*

"Sh*t!" Bulalas ko at nagising nalang nung nauntog ang ulo ko sa sahig..

P*ta yan ang sakit.. masakit na nga ang ulo ko lalo pang sumakit dahil sa bukol na natamo ko..

I got wasted again... Dahan dahan akong umupo at iminulat ang mata ko..

Walang hiya talaga yun.. iniwan ba naman ako dito sa Living Room habang nakatulog dito sa couch. Akala ko sa kwarto niya ako hinatid pero dito pala, bweset talaga yun hindi talaga niya alam ang salitang gentleman.

I groan in pain as I tried to stand up.. kailangan kong uminom ng tubig dahil nauuhaw na ako, sobrang tuyong tuyo na ang lalamunan ko..

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kusina..

"Ay p*tangina!! Ano ba ang aga aga nanggugulat"

Sinapak ko agad ito sa dibdib niya..

"Hahaha sorry gigisingin ko sana kayo dahil luto na ang pang umagahan" parang naglaho ang inis ko nang marinig ko itong tumawa kaya kitang kita ko ang pantay patay at mapuputi netong ngipin..

"Oh eto para maibsan yang hangover mo" hindi ko napansin na may hawak hawak na pala itong malamig na tubig..

"Thanks" kinuha ko yung baso at nilagok yung tubig..

"Ayos ka na hahaha" tumango naman ako sa sinabi neto..

"Umupo kana tatawagin ko lang yung mga mokong para sabay sabay na tayong kakain"

"K" walang ganang saad ko bago umupo, mukhang maraming niluto si Sceven ngayon ah. Fried rice, sinigang na bangus, prinitong bangus, hotdog, fried egg, at pinakbet. Nakakatakam..

"Yun oh..." Masiglang saad ni Shan.. wow buti pa ito malakas parin ang energy, dahil siguro may naikama ito kagabe.

Nagising na rin yung iba, ang lakas talaga ng dating nila kahit na bagong gising at nakaboxers pa silang lahat, as usual tsk tsk tsk... Buti nalang talaga at nasanay na ako na araw araw nakikita ang mga katawan nila and thank god hindi ako malibog na babae, at baka nagahasa ko pa silang lahat..

Hahahaha sh*t! This crazy mind of mine is tricky sometimes, kung anu ano ang pumapasok sa isip ko..

"Babe wait..." Isang matinis na boses ng babae at agad ring lumingkis kay Shan..

Napa face palm nalang ako.. this guy, really? Naguwi talaga siya..

"Oh kain na tayo.." lumapit naman sa tabi ko si Sceven.

"Ok let's eat"

Hindi pa ako nakakapagsandok ng kanin ng may nang agaw sa hawakan neto.. tsk mga patay gutom talaga..

"Oh bossing kain na" nilingon ko naman si Zero na kakagising lang rin at magulo pa ang buhok neto...lintik lang ba't ba ang gwapo niya-- f*ck what the hell am I saying! Shut it Pat!!

Itinuon ko nalang ang pagkain at hindi siya pinansin..

"Oh anyare diyan sa labi mo?"

Lumingon naman ako kay Zero, at oo nga may sugat ito sa ibabang labi neto, pero napansin kong nakatingin ito sa akin ng masama..

When I remembered something about last night..

The kiss..

Sh*t...

BE WITH YOU   (COMPLETED)Where stories live. Discover now