CHAPTER 3

2 0 0
                                    

PAT'S POV


Nanatili akong nakatayo sa kinaroroonan ko ngayon  at gulat na nakatingin sa kanila..

Tama ba itong pinasukan ako?
Tinry ko ulit tingnan ang plakang nakalagay sa pinto  210 naman ah..muli ay lumoob ulit ako..nakapagtataka bakit wala siya dito?

"Oh may isa pa pala tayong kasama akala ko ba hanggang lima lang ang pwede sa isang dorm.." nagtatakang tanong nung lalakeng may dimple, dahil ngumiti ito sa akin.

"Hi I'm Sceven (se-ven) Hong at welcome sa dorm.." saad niya bago pa lumapit sa akin bago ilahad ang kamay neto...

"I-Im Pat- Patrick" saka ako nakipag kamay..

Tumayo naman yung apat at nakipagkilala sa akin

"Hi I'm Timothy Lopez" yung may dimple

"Harold Velasquez" walang emosyong saad naman nung lalakeng may salamin

"Shan Yuri" ngumiti naman ito ng malapad  ang cute sa kanila, mukhang siya ang pinakabata rito, lumapit ito sa akin at inakbayan.

Aba tsansing na ang ginagawa ng mokong na ito, tatanggalin ko pa sana ang kamay neto pero naalala kong lalake pala ako ngayon kaya hinayaan ko na pero labag parin sa loob ko.

Pero letse  nadidistract ako sa kanila puro mga nakatopless at kitang kita ko ang hubog ng kanilang katawan at 6 pack abs na animoy lagi silang nag g-gym. Ang Yummy!! Bweset! Pokus lang Pat huwag sa iba ang tingin..

Tiningnan ko naman yung isang lalake na nakahiga sa sofa, hindi ata siya aware na meron ako...napansin siguro ni Sceven kaya siya na ang nagpakilala dun sa kasama niya..

"He's Zero Kyle Andrei nakatulog ata...anyways at dahil malawak naman ang higaan ni Zero kaya dun kayong dalawa. Hindi naman kasi namin alam na may isa pa pala kaming kasama and we only have 5 rooms.." napakamot nalang ito sa batok niya na parang nahihiya...

Bweset talaga yung baklang yun..

"Ah hindi ayos lang naman.." Hindi ayos sa akin.. imagine sleeping with a guy there's no way that I will I agree pero sa sitwasyon ko ngayon ay wala na akong magagawa..

"Oh siya ipunta mo na yang gamit mo dun, welcome ulit sa dorm" sabi naman ni Shan, lumapit ito sa akin at pinalo ang pwet ko.. Ay putangina! sasampalin ko pa sana siya nang mahagilap kong nakatingin silang apat sa akin kaya ikinuyom ko ang kamao ko at mahinang sinuntok ito sa dibdib.

"Gago ka tol!" Pinalalim ko ang boses ko . Tinuro naman sa akin ni Shan kung saan ang kwarto nung sinasabi nilang Zero. Lihim akong napa irap, I need to talk to tito, mali yata ang binigay netong susi..

***

"Tito-" bigla naman ako netong pinanlakihan naman ako neto ng mata

"I mean tita... Ba't naman room 210 ang binigay mo sa aking susi I thought ka room mate ko si James"iritang saad ko..

"Puno na kasi ang room 211 , kaya room 210 ka nalang besides mag ka harap lang naman kayo ng dorm"

"Mas nauna silang nagpareserve kesa sa iyo, pangit naman diba kung papaalisin ko sila.. kung maaga mo lang sanang sinabi edi sana nagpareserve ako ng isang room para sa inyong dalawa lang" nakataas ang isa netong kilay na animoy tinatarayan na  naman ako ng baklang ito..akala ko ba paborito niya ako tsk..

"Ish.. but tito pwede namang ilipat mo nalang yung isa dun sa dorm na nakaatas sa akin"

"I'm the principal kaya sundin mo ang iniuutos ko, Pat hindi lahat ng gusto mo nasusunod and I don't want you to be spoiled brat" seryosong sabi niya

Wala na talaga akong magagawa pag nagseryoso si tito..

"*Sigh* okay tita" parang walang ganang saad ko sa kaniya, tama siya hindi naman lahat ng gusto ko makukuha ko...

Lumabas na akong ng office niya ng di nagpapaalam, at nakayukong naglakad. Ang gusto niyang ipahiwatig ay dapat mag effort rin ako at hindi puro request ng request, kaya nga nasasanay na ako kay tito, kasi lahat ng gusto ko ginagawa niya, maybe I'm turning into a spoiled brat again hays, dahil sa lalom ng iniisip ko ay mag nakabangga ako.

"Ah sorry!"
Pag angat biglang nanlaki ang mata ko.. Holy Mother Father!!

"Are you okay?" Tanong neto na nagpabalik sa huwisyo ko.. Nakita ko na rin siya wahhhh!..

"A- ah o-okay l-lang" pautal utal ko namang saad na ikinatawa neto..

"Is that how the way you talk" ba't ba napaka gwapo niya pag tumatawa talaga siya..

"Ah hindi po" nahihiya kong sagot sa kaniya. Umayos ka Patrisse..

"Anyways I'm James... James Dan, san ng punta mo?" Tanong neto sa akin habang lahad ng kamay neto

"I'm Patrick Brillano"pagsisinungaling ko bago nakipagshake hands, ang lambot ng kamay niya enebe..

"Anong no.?"

"210"

"Oh magkatabi pala tayo ng Dorm at dun rin kasi ako pupunta, bakit hindi nalang tayo sabay"
Tumango naman ako na ikinangiti niya. Kahit man hindi man success yung first operation ko atleast magkatabi parin kami ng dorm yiieeee......!!!!


A/N: JUST WANNA SAY TO THE READERS, AND ALSO THE SILENT READERS, DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW. BE A FAN😁

ruthmhikka321

BE WITH YOU   (COMPLETED)Where stories live. Discover now