CHAPTER 7

0 0 0
                                    

PAT'S POV

10 am na akong nagising at nakita ko pa si mama sa kwarto nila na nag aayos ng damit at nilalagay ito sa maleta. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na magtanong.

"Business trip again?"

Lumingon naman ito sa akin at nilapitan, alam niya sigurong magtatampo ako kasi aalis na naman siya at maiiwan na naman ako dito mag isa.

"Anak kailangan ko kasing pumunta agad ng France, you know may emergency sa kompanya and I need to go there immediately" pagpapaliwanag neto. Napabuntong hininga nalang ako..

"Eh ano pa nga bang magagawa ko, para sa future naman natin iyon.. naiintindihan ko naman kayo pero kadarating niyo po kahapon galing sa Companya ni papa sa Cebu  tapos heto nanaman po kayo aalis papuntang France, hindi pa pwedeng magpahinga muna kayo, masyado niyong pinapagod ang sarili niyo" totoo naman eh, nag aalala na nga ako sa kanilang dalawa ni papa. Hindi na rin halos umuuwi dito si papa dahil busy siya sa kompanya namin sa Cebu at si mama naman sa France, isa kasi siyang sikat na fashion designer at madalang na rin itong umuuwi.

"I know you're concerned pero I have to go na anak.. don't worry dadagdagan ko nalang ang allowance mo" hinalikan naman ako neto sa pisngi at nagmamadaling sumakay sa kotse niya. Hindi ko naman kailangan ng pera ang gusto ko ay yung time nila. Kung maaga lang talaga silang nagkakilala ni mama siguro may bunso kami ngayon at para naman may kasama ako dito sa bahay..

Dahil wala namang akong magawa dito sa bahay ay napag isipan ko nalang na maglinis ng bahay, weekend kasi ngayon kaya day off ng mga katulong.

Mga hapon na ako natapos, halos lahat na ng bahay nilibot ko pero nababagot parin ako kaya napag pasyahan kong pumunta nalang ng Mall

Naligo na ako't nagsuot ng simple dress hanggang tuhod, nagpulbo na rin ako saka nagliptint at lumabas na ng bahay, ginamit ko ang kotse ko papunta roon.

Una kong pinuntahan ay ang bagong pelikula na horror.

"Waahh!!" Sigaw ng katabi ko

"Ahhhh!" Sigaw ulit niya, grabe naririndi na ako sa kaniya ah, sisigaw pa ulit sana siya nang unahan ko na ito.

"Pwede ba miss uso magtakip ng bibig, manunuod kasi ng horror tapos sisigaw sigaw adik ka rin noh" pagtataray ko pranka na kung pranka pero totoo naman ang sinabi ko.

"Tsk babe alis na nga lang tayo dito may panira kasi ng moment" edi mas maganda pang umalis kayo, naiinis na rin kasi ako sa kanila masyadong maharot yung babae, kanina pa halik ng halik dun sa lalake.

Natapos ang panood na hindi manlang ako nasiyahan, ang boring walang ka thrill thrill. Maaga pa naman kaya naglibot libot ako sa mall nang biglang may bumangga sa akin.

"Sorry.." pareho pa naming saad pero natigilan agad ako ng makita ko siya

"James!" nakangiti kong saad ngunit kumunot lang ang noo neto, hindi niya siguro ako namukhaan..

"It's me Patrisse, the fat nerdy girl" ayoko mang sabihin ang katagang iyon dahil nasasaktan ako kapag naaalala ko ang nangyare nung highschool ako.

"Oh it's you grabe ang laki na ng pinagbago mo?"

"Uhm yeah.. haha"

"Mmm.. do you want to have a coffee first? My treat?" At dahil nakita ko na rin naman ulit siya ay hindi na ako tumanggi pa.

"Grabe ibang iba kana ngayon ah.. I can't believe that the nerdy fat girl during high school looks like a model now kamusta kana pala?" mangha netong saad, na ikina init naman ng pisngi ko.

"Yeah.. my mom helped me when I started to go college in France, sobrang strict niya sa diet ko and she also made me a model dahil bagay raw sa akin lahat yung designs na ginawa niya"

"Really?!.. well totoo nga naman kahit nga naka simpleng dress ka ngayon you're still hot- I mean beautiful" natawa naman ako sa sinabi neto pero sa totoo o lang gusto nang sumbog ng puso ko dahil sa sobrang kilig at saya.

"Thanks" tangin saad ko

"Anyways parang may kamukha ka school.. mmm. Patrick Brillano ata ang pangalan nun?" He's not sure about his answer. Pero ako talaga iyon

"He's my twins"simpleng saad ko bago kumain ng cake na binili niya sa akin

"Kaya pala.. tsaka hindi parin talaga nagbabago ang favorite mo hahaha"

"Oo nga eh tska hindi na ako nagulat nung itong strawberry cake itong binili mo, naalala ko pa nga eh lagi mo akong nililibre neto para lang sumaya ako"

"Yeah I still remember, i always bought you that para gumaan ang pakiramdam mo"

"And I'm still thankful dahil lagi mo akong nililigtas sa mga bully.. at magpahanggang ngayon di ko parin iyon makalimutan" He's my saviour magmula nung inaapi ako ng mga estudyante sa iskwelahan, siya pa nga lagi ang nanlilibre sa kin at sinasamahan ako tuwing free time ko, kaya minsan lalong naiinis sa akin ang ibang estudyante at sinasaktan na nila ako ng pisikal pero parati siyang andiyan. Kaya nga dun ako nahulog sa kaniya sobrang bait at caring niyang tao. Pagka graduate namin  ay sinabi ko sa sarili ko magd-diet na ako, kaya nirequest ko kay mama na sa France ako mag s-stay ng isang taon para magpapapayat at ipagpatuloy rin ang pag aaral.

Napahaba tuloy ang kwentuhan namin pero sobrang saya ko dahil nakausap ko ulit siya.

7 pm na ng makauwi ako ng mansion , nang makita kong may kotseng nakapark sa harap ng katabi naming mansion. May limang lalakeng lumabas sa kotse at familiar sila sa akin..

Oh no! It's them. Don't tell me magkapit bahay kami.. lumingon sa kotseng kinaroroonan ko si Shan kaya agad naman akong yumuko..

Pagkaloob palang nila ng bahay ay agad naman akong tumakbo papasok sa bahay. Nakakainis kung minamalas ka nga naman..

BE WITH YOU   (COMPLETED)Where stories live. Discover now