CHAPTER 6

4 0 0
                                    

PAT'S POV


Pagkatapos kong mag order ay tinulungan naman ako ng Sceven na magbitbit lahat ng yun bale anim na tray iyon, tapos may babae pang tumulong sa amin na ipunta sa table namin..

"Thanks.." saad ko rito at ngumiti ng bahagya.. kita ko namang nagblush ito..

"Your welcome po" yumuko naman ito at nagpaalam na cute naman siya pero hindi kami talo.. kung alam niya lang...

Hindi ko alam na parehas rin pala kami ng paborito ni Zero, kinuha niya pa yung sa akin na walang kanin pero sinabi kong sa akin iyon. Hindi niya ako pinansin at kinuha nalang yung isang tray na may kanin, bale ako lang kasi yung hindi nag kanin sa kanila.. eh sa diet ako eh..

Natapos kaming kumain pagkatapos ng isa't kalahating oras dahil sa sobrang kadaldalan at kaingayan ng mga ito kaya may mga taong lumilingon sa gawi namin. Ang ilang babae naman ay parang kinikilig habang nakatingin sa amin at halos malangaw pa ang pagkain nila sa kakakatitig sa gawi namin.

Buti nalang at wala kaming pasok ng hapon, gusto ko pa sanang maglibot dito sa Abraham University dahil first day ko palang dito bilang second year, supposedly dapat sa france na ako magpapatuloy pero mukhang namiss ko ang Pilipinas kahit na isang taong palang ako dun, nakakanosebleed rin dahil sa mga Accent nila pag nagsasalita ng English though nagaral lang ako ng kaunting French ,tinulungan ko rin naman si mama sa business niya pag may free time ako, ngunit iba parin talaga pag sa Pilipinas ka lumaki.

Napagdesisyunan ko nalang na pumunta ng dorm para matulog debale't wala naman sila Sceven..

*HOURS LATER*

Nagising ako dahil sa mumunting bulungan na narinig ko, pagmulat ko ay andito ang tatlo..

"Hoy! Anong ginagawa niyo??" Sigaw ko sa kanila.. napalingon naman ang tatlo sa akin na nakangisi..

Sh*t!...Ito na nga ba ang sinasabi ko eh..

"Hoy! Aminin mo nga kanino itong bra at panty" nakangising saad ni Shan, bweset siya pa itong nakahawak nung panty ko

"Bakla ka siguro noh?" Pangaasar naman ni Harold

"Hindi namin alam na may tinatago ka pala"Timothy

Agad naman akong tumayo at lumapit sa kanila para hablutin yung undies ko..

"Sino bang nagsabing pakealaman niyo ang gamit ko! tsaka sa girlfriend ko ito" pagsisinungaling ko ngunit parang hindi sila kumbinsido sa sinabi ko.

"Girlfriend? Weh?"hindi makapaniwalang saad ni Harold

"Oo nga"maniwala na kasi kayo tsk..

"Chick boy pala ang isang 'toh eh" shan

"First day of school meron na agad.. hanep! HAHA"Timothy

"2 years na kami, nasa ibang school lang siya nag aaral"

"Woah.. tang*na walang forever" parang umiba pa ang timple ng mukha ni Harold, bitter lang kuya ?

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito! Mga pakialamero"bahala na sila kung sinusungitan ko sila, dahil pinakialaman nila ang gamit ko ng hindi nagpapaalam. Hindi ba nila alam ang word na 'PRIVACY'

"Woah chill lang tol..tsaka gusto sana ka naming ayain mag bar mamaya, nag aya kasi ang ibang kasama" mahabang lintaya ni Timothy pero tumanggi ako, di kasi ako umiinom at never pa akong lumoob ng bar. Kahit man malaya akong gawin iyon dahil hindi naman ako pinipigilan nila mama at papa sa ginagawa ko, mas gusto ko paring maging good girl at magpursigi sa pag aaral.

Pero sobrang inlove na inlove kay James. Siya lang yung taong inspiration ko pag na d-down ako, especially nung High School days.

****

Sobrang bilis ng araw at hindi ko akalain na nakasurvive ako sa dorm. Ngunit hindi mawawalan ang kalokohan ng mga mokong na iyon at ang pagsusungit ni Zero sa akin, parang halos araw araw na nga kami nagkakainitan at sa limang araw na iyon sa couch ako natulog, dahil ayaw talaga akong patulugin ni Zero sa kama..

Meron pa nga yung time na nagkunware akong natulog sa kama pero tinulak ako neto kaya nahulog ako sa sahig kaya di ko mapigilang sigawan siya, nakakainis talaga.

Pinilit ko pa si tito kung may bakante pang dorm pero wala raw kaya halos manlumo ako.

At ngayon makakauwi na rin ako sa bahay ng weekends. Maaga akong umalis dun dahil hindi ko talaga matagalan ang pag mumukha ni Zero.

Dumeretso muna ako sa mall para naman makabili ako ng damit at dun na rin ako magpapalit, hindi kasi alam ito ni mama kaya naman kailangan kong itago.

"Ma! " sigaw ko kay mama nung makita ko itong nagbebake ng paborito kong strawberry cake at may strawberry juice rin siyang inihanda, dali dali ko naman itong nilamutak. Kahit man bumibili ako ng cake sa Cafeterias hindi parin matutumbas neto kung gaano kasarap mag bake si mama. Bakit hindi nalang rin siya magpatayo ng bakery..


BE WITH YOU   (COMPLETED)Where stories live. Discover now