CHAPTER 5

2 0 0
                                    

PAT'S POV

Kahapon pa ako nababadtrip dahil sa taong ito, at kanina ko pa siya tinititigan ng masama habang kumakain kami..

"Ayos ka lang?" Tanong ni Sceven, sabay sabay kasi kumain at suya ang nagluto neto ang sarap nga ng luto niya eh ngunit kaharap ko yung dragon kaya parang pumapait ang panlasa ko.

Mabilaukan sana siya..

"Pat" napalingon ako kay Sceven ng tawagin niya ang pangalan ko..

"H-huh?"

"Kanina pa kita tinatawag? Mukhang malalim yata ang iniisip mo?" Nakangiting tanong neto sa akin

"Btw..ano palang course ang kinuha mo?"

"Business Administration" tanging saad ko sabay subo ng kanin

"Oh magkakapareho lang pala tayo ng course, pwede ka nang sumabay sa amin sa first subject"
Tumango nalang ako at tahimik na kumain habang sila patuloy lang sa pag k-kwentuhan.. pagkatapos ay ako na rin ang nagprisintang maghugas ng plato, nakakahiya naman sa kanila.

Pagkatapos ay sabay sabay na kaming lumabas ng dorm papasok ng paaralan

"Ahhhhhhhh!!!!"

"Ang nga KNIGHTS!!"

"Hi mga fafa nakaklurkey ang gagwapo nila!!"

"Ui may bago ring member wahhh!! Ang cute niya!!"

Ang ingay nakakarindi.. Hindi ko man masyadong makita ang mga estudyante dahil napag gigitnaan ako ng mga mongoloid na ito.

Umakbay naman sa akin si Shan.. at prenteng nginingitian yung mga babaeng sumisigaw, nararamdaman ko ang mga daliri niya na tumama sa hinaharap ko kaya naman agad ko itong inalis, at busy parin siya sa pagpapacute sa mga babae tsk ang landi tulad ng mga babaeng makasigaw wagas  kulang nalang pwedeng na magrally sa gilid ng kalsada dahil sa lakas ng boses nila.

Pumasok na kami sa classroom at meron nang teacher sa harap.

Bumati naman ang lima bago sila naglakad sa kani kanilang upuan kaya naiwan naman ako sa harap.

"Oh we have a new student.. kindly introduce yourself.." saad nung teacher na lalake

"Hi I'm Patrick Brillano its nice to meet you hope we'll be all friends" I waved my hand and smiled at them, kita ko namang may tumili na babae..

"Question?!"itinaas nung isang babae ang kamay neto

"Yes ms. Renz" tanong ni sir sa kaniya

"Do you have a girlfriend Mr. Brillano?" She asked kaya naman napa iling ako. At isa iyong wrong move dahil nagtilian ang mga babae. Paniguradong maghahabol ang nga ito sa akin.

Pero yaks lang... I'm a girl at hindi nila alam iyon dahil nagpapanggap lang ako bilang lalake.

Pero naiintindihan ko na kung anong mararamdaman ng mga lalake pag tinitilian sila, nakakabadtrip dahil sa sigaw nila..

"Quiet! Okay you may seat beside Mr.Andrei" turo niya sa bakanteng upuan, ngunit andun ang dragon na kinaiinisan ko. Ngunit no choice dahil wala naman akong ibang mauupan at iyon lang ang natitirang bakanteng upuan.

Naglakad ako palapit dun.. rinig ko pa ang mumunting tili ng mga babae, ngunit di ko na ito pinansin dahil deretso ang tingin ko sa kinaroroonan niya na nakatingin lang sa labas ng bintana.

Nakainis ba't sa tabi pa niya kasi!... Dahil unang una ayaw ko na talaga sa kaniya, ang sama sama ng ugali at walang modo.

Matapos ang dalawa naming subject ay napagpasyahan na naming pumunta ng canteen, sila ang umaya sa akin kaya naman wala na akong nagawa tsaka wala pa naman kong masyadong kilala sa classroom lalo pa't transferee ako dito.

Syempre hindi parin mawawala ang tilian ng mga babae at bakla.

"Shan ikaw na bumili ng pagkain natin" Timothy

"Bakit ako, si Harold nalang" Shan na umiiling iling pa

"Ano bat ako, ikaw nalang Sceven"Harold

"Si Zeeo nalang kaya" sabay sabay kaming napalingon sa kaniya at ang sama ng tingin neto sa amin.

"Ako na nga lang pati ba naman pagbili ng lunch nagtuturuan pa kayo" nakakainis tatayo lang naman sila at pupunta ng counter hindi pa kaya, mabigat ba ang ano nila at ayaw tumayo para mag order.

"1 slice ng blueberry cake, milkshake, at fried chicken double rice ha" Timothy

"Double rice with giniling 1 orang juice at sandwich yung ham and cheese ang palaman" Harold

"Ako rin double rice with adobo, milkshake , spaghetti at virgin na babae- aray!" saad ni Shan

Buti nalang at binatukan agad ito nila Sceven

"Ikaw talaga tigil tigilan mo na yang pagiging babaero mo!" Sita ni Harold

"Sabihin niyo yan kay junior ko- aray p*ta! Parang di masakit ah!!"

"Ang kati mo talaga hindi ka ba nahihiya sa bago nating kaibigan" angal pa ni Timothy saby lingon ito sa akin

Kita ko pang pinagsasabihan nila si Shan. Sa hitsura palang nila ay halata mo nang matagal silang magkakaibigan, di ko lang alam dito sa isang kasama nila dahil sobrang tahimik niya at nakayuko lang.

BE WITH YOU   (COMPLETED)Where stories live. Discover now