CHAPTER 9

0 0 0
                                    

PAT'S POV


*KINABUKASAN*

Magpahanggang ngayon di parin ako mapakali sa quiz namin, pero syempre hindi ko parin naman nakalimutan yung libre ko kay Zero, bweset talaga siya halos kada oras ata ay nagpapabili siya ng paborito niyan cake sa akin.

Ngayon ay sabay sabay kaming pupunta ng cafeteria at hindi talaga mawawala ang mga maaarteng babae na hindi kayang itikom ang kanilang mga bibig sa kakasigaw..

Dahil sa pagmamadali kong makapunta sa counter  para bumili ng lunch ay di ko sinasadyang may nakabangga ako..

"Oh sorry.." paumanhin ko sa babae

"Kabs? Hala ikaw nga kabs!" Agad naman ako netong niyakap at nagulat ako dahil sa tawag neto sa akin...

"Shazzny?!" Untag ko na ikinatango niya kaya naman muli ko itong niyakap.. siya si Shazzny Aquino ang kababata ko at cs namin ay Kabs, wala lang trip lang namin..

"Ikaw nga" masaya kong saad

"Hoy bakit ganyan ang suot mo? Tibo ka na ba? Akala mo ha di kita mamukmukhaan" tinapik naman ako neto sa balikat ko. Magsasalita pa sana ako ng may tumawag sa pangalan ko

"Pat.. oh sino 'tong kasama mo?" Tanong neto sa akin habang nakatingin kay Shazzny..

"Ui.. makisabay ka nalang muna" bulong ko kay kabs bago inakbayan ito

"Siya pala yung girlfriend ko" kita ko namang medyo nagulat si kabs at lihum ako netong kinurot sa tagiliran..

"Ah ganun ba.. ba't hindi ka muna sumabay sa amin pero bili lang muna kami ng makakain" masayang saad neto bago kami tinalikuran at pumunta ng counter...

"Hoy kailangan mong magpaliwanag sa akin mamaya kundi sasabunutan kita" nakataas ang isang kilay neto habang ang dalawang kamay ay nasa balakang niya..

Humarap kaagad sa amin si Sceven kaya naman inakbayan ko kaagad si kabs. Inasar pa kami bago ko aiya tinulungan sa hawak hawak niya, bweset talaga yung Zero na yun akalain mo 3 slice ng cake ang pinabili niya.

Mayaman naman kami pero hindi ako masyadong magastos na tao, pero dahil kay Zero parang mauubos ata ang pera ko..

"Oh who is this beautiful lady?" Tanong ni Shan habang tinataas taas ang isang kilay neto...

"Oh my kabs hindi ko akalain na ang h-hot pala ng mga kasama mo" bulong neto sa akin at pabebeng umupo sa upuang kaharap namin, napapailing nalang ako dahil sa inaakto ng babae ito, basta pag may gwapong lalake lagi nalang itong nagpapacute..

"Hi I'm Shazzny.. nice you meet you all" she bit her lower lip kaya kita kong nagningning ang mga mata ni Shan tsk..nakakita na naman ng chiks..

"She's my girlfriend.. she's what I'm talking about"lihim akong kinurot ni Shazzny sa tagiliran habang tumatawa..

"Oo ako nga" saad pa ni kabs..

"Ow.. grabe ang ganda pala netong girlfriend mo pat" manghang saad ni Shan kaya inirapan ko naman siya..

"Ui gago nagseselos si pat hahaha" natatawang saad ni Timothy at tumawa naman yung apat, habang tahimik lang sa tabi si Zero.. problema nun..

*****

"Now Care to explain?"nakataas ang isang kilay neto habang nakapameywang..

"Ganito kasi yun..." So i tried to explain every detail pati na ang pakay ko...

I heard her hissed and furrows her eyebrow..

"Ginagawa mo yan para lang magpapansin kay James are you stupid!"

"Ouch ah.. hindi mo naman kailangang ipagdiinan yung word na stupid.." sinamaan ko siya ng tingin..

"Nakakainis ka talaga bakit kasi hindi mo kayang umamin kay James, it's been 5 long years na crush mo siya pero di mo man lang magawang sabihin ang nararamdaman mo..bahala ka diyan pag di kapa umamin sa kaniya baka maunahan ka sige ka.."

Oo nga noh ba't di ko iyon naisip pero bakit ba kasi ako ganito, hindi ko masabi sabi sa kaniya na gusto ko siya. Lagi nalang umaatras itong dila ko pag gusto kong magsalita.. hay ewan ko ba!!

"Pero infairness ang g-gwapo nila ah... Oh ani nakita mo na ba mga katawan nila?" Hala parang tanga..

"Oo... ay ano! Yaks.. ano ka ba!! Mga chikboy sila kaya ayokong mapalapit ka sa kanila.." sinimangutan ko siya, bakit ba ganun nalang ang tingin ng mga babae ( except me) sa kanila parang isang greek god na tinitingala nila habang ako itong naiinis sa kanila sa sobrang hangin at chikboy nila..

"Pero aminin kinikilig ka rin noh.."

"Pffftt.... Nagpapatawa ka ba.. ako kinikilig never in my life makiilig ako sa kanila kay James lang ako-- sh*t! Aray ano ba!!" Singhal ko sa kaniya.. kurutin ba naman ako eh alam niya namang masakit siya mangurot at feeling mo parang matatanggal na ang kutis mo sa ginagawa niya..

"Ang manhid mo talaga... Ay oo nga pala lalake ka pala ngayon HAHAHA- Aray ang lakas mo talagang manapak parang lalake lang- aray tama ano ba!" Ganito talaga kami magbangayan ng kaibigan/ kapatid ko ,at bata palang kami ay magkasama na kami kaya alam na namin ang baho ng bawat isa..

"Anyways ba't ka andito?" I asked

"Dito na ako mag aaral yyiieee... Makakasama na ulit kita" sabay yakap sa akin, sabagay namiss ko rin ang isang 'toh at halos di ko nakikita ng isang taon. Sinamahan ko naman ito papunta sa Dean nag makasalubong namin si James..

"Hi James!" Masiglang bati ni kabs nang makita niya ito..

"Oh ikaw pala yan Shazzny musta na?"

"Ito ayos lang naman, maganda parin" ay ang kapal talaga ng babaeng ito.. tumikhim ako dahil na O OP na ako sa usapan nila..

"Ikaw pala Patrick.. girlfriend mo?" Turo niya kay Kabs kaya agad naman akong napailing.

"Ah hindi kababata ko" saad ko

"Btw.. I have to go I'm in a hurry, gusto ko pa sanang makipag kwentuhan but there's an emergency bawi nalang ako next time.."nagpaalam agad ito sa amin, ano ba yan ba't kinikilg na naman ako..

BE WITH YOU   (COMPLETED)Where stories live. Discover now