CHAPTER 34.2

0 0 0
                                    

PAT'S POV




Parang gumuho ang mundo ko nung may ipinakitang pictures sa malaking screen sa harap....

Hindi ako makapagsalita at makagalaw sa kinakatayuan ko. Naririnig ko rin ang mga bulong bulungan at mga matang nakatitig sa akin. Binabawi ko na ang lahat sana pala matagal ko ng sinabi sa kanila at ng hindi na humantong sa ganito.

"See.. she's just pretending as a boy, though he has a twin kaya talagang magkamukha talaga sila. Pero bakit nga ba?? Bakit ka nga ba nagpapanggap Patricia? To sneak into guys room ang seduce them? "

Hindi parin ako makapag salita at sobrang sobra ang hiya ko. Nakayuko lang ako at tanging hikbi ang nagawa ko.

"Ang landi"

"Yaks.. nagkagusto pa naman ako sa kaniya"

"Ewww... Nandidiri tuloy ako sa sarili kasi nahawakan ko pa siya"

"Such a b*tch!"

Tanging bulungan ang nga naririnig ko, at pinapalibutan pa nila ako, lalo akong nasosofucate dito at hindi makalanghap ng hangin dahil sa mga tingin nila..

Ramdam kong palapit na sa akin si Alisha.

"Sabi ko na kasi sayo eh, mali ka ng kinalaban" bulong neto bago lumayo..

"And the other evidence is this" nagulat nalang ako dahil bigla niyang hinila ang wig sa ulo ko, medyo nasaktan ako dun dahil sobrang daming clip ang nagamit ko, kaya nung biglaan niyang tinanggal ay may mga buhok pang sumama. Bumagsak naman ang mahaba kong buhok na lalong ikinalakas ng bulungan.

"Tumahimik kana Alisha!!" I heard Shazzny's voice kaya naman ini angat ko ang ulo ko.

Kwinelyuhan niya si Alisha..

"Bitawan mo ako!" Sigaw naman ni Alisha

" Gago ka talaga kahit kailan, ginawa mo ito para makapaghigante sa kaibigan ko, ngayon matitikman mo ang kamao ko!" She shouted as she punch Alsiha ng the face kaya nagsigawan ang mga babae.. Shazzny is angry right now at kapag ganun ay talagang bugbog sarado ang makakalaban neto.

"Humingi ka ng paumanhin sa kay Pat !! pakealamera ka talaga sa buhay ng iba!!" she was shaking Alisha kahit na wala itong malay..

"Hey back off!" Sigaw ng isang lalake at tinulak si kabs..

"Huwag kang makealam dito ayaw ito ng mga babae!!" Sigaw naman niya at susugurin sana niya yung lalake ng bigla kong hinarang ang sarili ko..

"T-tama na Kabs" sabi ko at patuloy parin ang paglabas ng luha ko..

Agad namang lumambot at mukha neto at niyakap ako ng mahigpit kaya dun na ako tuluyang umiyak..

"Umalis na kayo dito!! Mga chismoso't chismosa!!" Rinig kong sigaw niya habang yakap yakap ako..

"Salamat at andito ko kabs" saad ko habang yakap yakap niya ako. Medyo lumayo muna ako para makalanghap ng hangin dahil nahihirapan na akong huminga..

"Hays.. bweset yang Alisha na yan.. kulang pa yun sa ginawa niya sayo" nanggigil na sabi ni Kabs

"Pat.." Paglingon ko ay sina Sceven andito silang lima. At nasa harap nila si Zero he doesn't have any emotion..

"Z-zero sorry.. sasabihin ko naman talaga sa inyo eh pero pinangunahan ako takot na baka magalit kayo sa akin.."

"Well now you did.. pinaglaruan mo kami... Niloko mo lang pala ako.." now his face is filled with anger and hurt

"I-I'm sorry.." paumanhin ko lalapitan ko pa sana aiya pero umatras ito, tiningnan ko naman sila Sceven ay umiwas lang sila ng tingin. They're angry..

"Better not to show your face with us again" tatalikod na sana si Zero pero hinawakan ko ang braso neto

"Please mag usap tayo, magpapaliwanag ako.." tinabing lang niya ang kamay ko at naglakad.

"Zero!!" Hinabol ko pa siya at hinawakan ang laylayan ng shirt neto, ngunit ganun pa rin.. Nilingon ko sila Sceven at nilapitan sila, pero lumayo sila sa akin..

"Pinaglaruan mo lang kami.." Tim with serious face..

"Hindi.. totoo ang mga pinag samahan natin.. totoong kaibigan ang turing ko sa inyo, hindi ko kayo pinaglaruan" I explain ngunit hindi parin sila naniniwala..

"Then why are you pretending as a boy?"

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Shan. Halatang galit sila sa akin.

"See.. hindi mo kami masagot" he added at naglakad na, sumunod naman yung tatlo nang hindi lumilingon sa akin..


"Please wait lang!!" Humagulgol na naman ako

"Tama na kabs saka mo nalang sila kausapin kapag lumamig ang ulo nila" sabi neto habang nakayakap sa akin.

Tama siya kailangan muna nilang magpalamig.


"Hatid na kita" prisinta ni kabs kaya tumango lang ako, medyo sinisinok pa ako dahil sa kanina pa ako iyak ng iyak..

Tahimik lang ako sa buong byahe at iniisip kung panu ba ako hihingi ng tawad..

Ano na pat? Dahil sa katangahan mo nalaman tuloy nila kung sino ka..

"Hays.. heto na nga ba kasi ang sinasabi ko kabs, sa totoo lang medyo naiinis ako sayo gustong gusto kitang pagalitan pero hindi muna sa ngayon dahil madaming nangyare but that's your choice kaya hindi kita pinigilan.. haist!!"

"Sorry.." tanging saad ko, nilingon niya ako

"Sa kanila mo yan sabihin at hindi sa akin" mataray netong saad.

Hindi na ako nagsalita, at itinuon ang tingin sa daan. Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam na ako kay kabs bago pumasok sa loob ng bahay. Naka off ang ilaw, baka tulog na si kambal, dagan dahan akong pumasok ng bahay hanggang sa makapasok ako sa kwarto ko, dahil sa pagod ay di na ako nakapagpalit at nakatulog.



BE WITH YOU   (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora