CHAPTER 24

0 0 0
                                    

PAT'S POV





Tahimik lang akong naglakad sa hallway, nauna na akong nagpaalam kila Sceven dahil busog pa naman ako, nang may bumunggo sa akin..

"Ui! Andito pala si Pat.. patpatupat at patpatin Haha"

"5 ft lang di pa marunong lumangoy"

"Oo nga eh mukhang takot na takot sa tubig"

"Duwag" tinulak ako bigla nung isang lalake

"Hindi ako duwag sadyang di ko lang alam na mababaw pala iyon!" Saad ko

"Aba sumasabat pa ang patpatin" sumama ang tingin nung leader ata nila at lumapit sa akin..

"Matapang rin ang isang to ah"

"Bugbugin na kaya natin"

Saad nung mga kasamahan niya na nagpakaba sa akin..

Wala pa man ding tao dito sa hallways tanging kami kami lang..napaatras lang ako hanggang sa ma corner ako. Lagot na talaga. Aambangan sana ako ng suntok nang may sumigaw..

"Hoy!" Paglingon ko si Sceven at nagulat nalang ito ng makit ako..

"Anong ginagawa niyo..!" Sigaw neto at tinulak yung isang kasamahan niya, nakita ko naman sila Shan. Thank god andito sila.

"P*ta tinuturuan lang naman namin siya ng leksyon kaya wag kayong makealam!" Sigaw nung leader nila at akmang hahawakan ako ng may magsalita ulit

"Don't you dare touch him"may pagbabantang saad ni Zero

"Pwe!! May pa engli-english ka pang nalalaman, di porket sikat kayo dito sa campus maangas na kayo, yang mga mukha niyo lang ang pan--" bigla nalang itong sinuntok ni Zero sa mukha kaya napahiga ito..

"Gago ka!!" Sigaw niya ,tumayo naman ito at sinugod si Zero pati na rin yung mga kasamahan niya nakipag bugbugan, syempre yung apat na mokong di rin nagpatalo. Ano ba itong gulong napasok ko..




"Kindly explain what happened" saad ni tito na halatang nagpipigil ito sa galit..

"Sir sila kasi ang nauna, sinaktan nila si Pat" Shan

"Parang sobra naman ata ang ginawa niyo at naipunta pa sila sa clinic" seryosong saad niya. You heard it right nasa clinic yung lima at bugbog sarado sila, takot naman akong pigilan sila at madamay pa ako, Sayang ang beauty ko girl hahaha..

"IT'S JUST A SMALL ARGUMENT.. YOU'RE ALREADY MATURED ENOUGH PERO PARA PARIN KAYONG MGA BATA NA NAG AAWAY, COME ON COLLEGE STUDENTS!" Sigaw ni tito na ikinagulat ko, lagot galit na ang lola niyo...

"It was their fault, they bullied Patrick so it's our right to protect him" walang emosyong saad ni Zero..

"Ikaw Zero nakakailan ka na ah.. naku kung hindi ko lang kaibigan yang mga magulang mo baka sinipa pa na kita palabas ng iskwelahang ito!"

"And for your punishment..clean the campus for 1 week.. you may get out now!" Saad neto kaya nagsitayuan na kami..

"Mr. Brillano maiwan ka dito.."
Napatigil ako nung tinawag niya ng pangalan ko.. sh*t paniguradong mapalagalitan niya ako..

"Ano na naman ba ang nangyare at nakipag away pa sila dahil sayo.." seryosong saad niya habang nakataas ang kilay..

Nakayuko lang ako, at hinihintay na mapagalitan ako..

"HAHAHAHA... I didn't know na sobrang protective ang mga yun sayo.."

Nagulat nalang ako nung tumawa ito..

"Tita naman eh.." pshh akala mapapagalitan na ako..

"Nag gagalit galitan na naman po ba kayo kanina?" Tanong ko

"You know I have to strict, at totoo yun.. hays ang sakit sa ulo ayoko pa man ding mai stress kaloka sayang lang ang beauty ko" sabi niya at nagflip ng hair, feeling long hair lang haha

"And kindly explain what happened pa ba kasi" nakapameywang pa netong tanong. So I explained starting from the pool kung saan di ko alam na 5 ft lang pala iyon hanggang sa nangyareng bugbugan..

"Ano di ka marunong lumangoy at nalunod ka sa 5 ft really? Hahaha"

"Tita that's not funny" I glared at him

"Ok ok.. dahil ikaw pala ang pinagmulan ng lahat ng ito kaya dapat na kasama ka sa punishment"

"May magagawa pa ba ako" I sigh..

*****

"Tang*ina ang sakit!!"

"Tang*ina ka rin! Kasalanan niyo kung bakit kayo nakipagrambulan" asik ko at kinusilapan ko siya. Patuloy ko lang ginagamot yung gasgas sa balikat niya..

"Hmmm.. ang bango mo naman" nagulat nalang ako ng bigla akong hapitin ni Tim sa bewang at inilapit sa kaniya upang amuyin ang leeg ko..

"Aray! Sh*t!"

"Wag ako ang pag interesan mo di tayo talo" sabay kurot ulit sa tagiliran niya. Buti nalang talaga at dito kami sa kwarto niya baka mang aasar na naman yung mga mokong, pagkatapos kong gamutin yung apatay pinuntahan ko naman si Zero..

"Hoy! Umupo ka na dito at gamutin ko na yang sugat mo"kahit na galit ako sa kaniya, ay nagpapasalamat parin ako dahil niligtas nila ako kaya kahit ito nalang ang kabayaran ng pagtanggol nila sa akin.

"Tsk.."

Kakatapos lang neto maligo at naka shorts lang siya, umupo naman ito sa couch nang di nagsasalita..

May pasa ito sa pisngi niya at dumudugo pa ang gilid ng labi neto, nadagdagan na naman ang pasa niya sa labi tsk. Meron pa kasi yung pasang ginawa ko sa labi niya..

May sugat rin ito sa leeg niya at namamaga sa may  dibdib at sa isang parte ng abs niya. Grabe ang sama naman nung lalakeng yun at pati katawan ng taong toh ang pinuntriya niya, kawawa naman ang katawan niya-- what the hell!! Kung anu ano na naman iniisip ko.

"Hindi niyo naman kailangang makipagrambulan tsk.. ayan tuloy puro pasa kayong lahat " angil ko, tumabi ako sa kaniya habang kumukuha ng bulak..

"Why are you always like that?" Napakunot ako sa sinabi niya .

"Always caring.. you're different from others.."

"Kasi hindi naman talaga tayo magkaparehas" pagmamaldita ko..

"Your unique"

"Alam ko.."

"Pat.." he said in a warning tone..

"I'm not joking" dugtong pa niya

"Eh hindi rin naman ako najojoke" saad ko at nilagyan ng ice pack yung dibdib niya kinuha ko yung kamay niya para hawakan iyon ganun rin sa may abs niya. Kaya dumako na ako sa mukha niya, hindi ko na pinansin kahit pa nakatitig ito sa akin..

"Wag mo kong titigan nakakadistract" asik ko

"I'm falling inlove with y-- F*ck!" Sigaw niya nung nadiinan ko yung pagdampi sa sa labi niyang may sugat

"Wag kang sumigaw!!" Sigaw ko kaya sinamaan ko neto ng tingin..

"Sabi ko na hindi tayo talo tol.. I already have a girl--"

"I don't care!" Saad niya. Bigla nalang niyang hinawakan ang ang batok ko at hinalikan, nagulat ako sa ginawa niyang iyon. My heart beats faster lalo pa nung nagumpisa ng gumalaw abg mga labi niya which makes my knee soften, buti nalang at nasalo niya ako kaya napakandong ako sa kaniya. I was trying to push him but he's too strong, hindi ko namalayang nagrespond na rin pala ako sa halik niya..

Inipon ko ang lahat ng lakas ko at tinulak siya bago lumabas ng kwarto niya...

This is wrong, hindi dapat nangyare iyon..

BE WITH YOU   (COMPLETED)Where stories live. Discover now