CHAPTER 1

275 10 0
                                    


Lila City ay lugar kung saan dinadayohan ng mga tourista tuwing summer. Marami kasing magagandang beach dito at puno ng magagandang view ang bawat sulok. Maliit lang ang lugar na 'to, mukhang ito nga ang pinaka maliit sa lahat ng City. Wala rin masyadong pamilihan dito kaya kailangan naming bumyahe tuwing Linggo at Huwebes para lamang mamalangke nang may makain.

"Mama, nandito na po ako." wika ko nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Nagmano ako kay mama at inayos ko sa mesa ang aking mga pinamili sa palengke.

"Mabuti naman at naka uwi ka na," usal ni mama.

"May nakilala nga po akong isang disenteng lalaki kanina at dumayo siya sa lugar natin. Sinamahan ko siya papunta dito nang pa uwi na ako. He's kind and shy guy po kaya nakakatawa siya kanina. Ang iba niya sa lalaking nakilala ko," kuwento ko kay mama.

"Mabuti nga at mahiyain 'yon, palagay ko ay malaki ang respeto no'n." wika ni mama.

"Palagay ko nga din po, sana nga magkita kami ulit. Sabi niya sa'kin ay tatawagan niya ako bukas, tutulongan ko po kasi siya ma. Puwedi ko ba siyang samahan kapag kailangan niya ng tulong ko?" tanong ko kay mama.

"Oo basta mag iingat ka. Alam mo naman 'yung limitasyon mo Shawn,"

"Opo mama, makaka asa kayo na mag iingat ako." nakangiting wika ko.

Naghanda na ako ng sangkap sa lulutoin naming ulam ngayong tanghalian. Iniisip ko kung saan ngayon nag stay si Ethan, wala pa naman akong number niya. Maghihintay na lang ako kung t-text o t-tawag ba 'yon sa'kin.

Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako ng pinggan. Habang nag huhugas ako ay iniisip ko 'yong itsura ni Ethan kanina.

He's wearing hawayan polo shirt, short that above the knee and sandugo slippers. Ang hot niya tignan, paniguradong pinagkakagolohan siya ngayon sa Hotel kung saan siya nag check in.

Nang matapos na akong maghugas ay pumunta ako sa kuwarto. I opened my facebook account at naisip kong i-search si Ethan baka sakaling makakita ako ng konting information sa kanya.

Maraming lumabas kaya scroll lang ako ng scroll hanggang sa makakita ako ng pamilyar na itsura.

ETHAN VINCE VILLAMOR? He's a Villamor. Isa sa pinaka mayaman sa lugar ng mga taga Santa Rosa. So, isa siya sa pinaka mayaman na nakilala ko. Nakakahiya naman pala 'yong inasal ko kanina. Sobrang bossy ko tapos isang mayaman na nilalang pala ang kausap ko.

Nag log-out na lang ako at hindi ko na din inisip na e add friend siya kasi sobrang nakakahiya. Kaya pala sobrang puti niya at ang kinis ng balat kasi napaka mayaman pala no'n.

Naisipan kong matulog na lang dahil napagod din ang katawan ko kanina.

"Anak, gising na dahil may pupuntahan tayo." wika ni mama sa'kin habang niyuyogyog ako sa kama.

"Mama naman e, ang sakit ng ulo ko. Ginising mo ako ng wala sa oras," usal ko. Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sakit. Ilang minuto muna bago ako tumayo at naghanda para sa lakad namin ni mama.

"Mama? Saan po ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa bahay ng tita mo dahil may ibibigay siya sa atin dahil naka uwi na ang tito mo kahapon," sagot ni mama.

"Talaga po? Ang dami ko na namang chocolates na kakainin. Sobrang excited na ako! Tara na ma!" sabi ko at nagmamadaling pumara ng masasakyang tricycle.

"Titaaa..." masiglang bati ko nang makarating na kami sa bahay ni Tita.

"Reiiii, mabuti naman at sumama ka sa mama mo. Excited ka sa chocolates 'no? Huwag kang mag alala dahil madaming chocolates ang itinabi ko para sa 'yo." wika ni Tita.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now