CHAPTER 24

47 1 1
                                    


ANG NAKARAAN...

Naging mas malapit na kaibigan ko na si Massimo nang lumipas ang mga araw na  magkasama kami. Palagi na siyang bumibisita sa aming tahanan at ang ikinabahala ko ay nagtapat sa akin ang aking kapatid na si Elena na may lihim siyang nararamdaman kay Massimo.

"Kapatid ko, tulongan mo akong magustohan ni Massimo." paki usap niya.

"Ngunit hindi ko hawak ang puso niya, maling pilitin ang isang taong ibigin ka."  pagtatanggi ko sa kaniyang paki usap.

"Hindi ba't malapit kayo sa isa't isa? Maari mo akong ikwento sa kaniya at kapag dumalaw siya dito ay hayaan mo ako ang makakasama niya." pagsusumamo niya at wala na akong nagawa kundi ang mag buntong hininga.

"Binibini ka ate Elena, hindi ka dapat maki usap na gustohin. Hindi nababagay sayo kapatid ko na pilitin mo ang taong ibigin ka. Mali 'yon, hindi tama." pag papaalala ko sa kaniya.

"Subalit ito ang aking nais dahil labis akong natamaan sa kaniya Roselita. Nang una ko siyang makita ay hindi na siya mawala sa isip ko. Parang awa mo na, bilang nakakatandang kapatid mo ay pagbigyan mo ako Roselita," nanatili niyang hawak ang aking kamay.

"Hindi ko alam pero susubukan ko," bulong ko at binawi na ang aking kamay.

"Sana'y matulongan mo ako. Sana ay mali ang aking iniisip na may nararamdaman ka din sa kaniya kaya mahirap sayong tulongan ako Roselita."

Nang bigkasin iyon ng aking kapatid ay agad akong nag iwas ng tingin sapagkat nararamdaman kong may inggit siyang nililihim sa akin.

"Nagkakamali ka ate Elena, kaibigan lamang ang turing ko kay Massimo at hindi na hihigit pa doon. Paalam at magtutungo muna ako sa mahangin na lugar, magkikita na lamang tayo muli mamaya." tumalikod na ako at hindi na muling lumingon pa.

Hindi ko ibig na maging ganito ang pakikitungo ko subalit hindi ko mapigilan lalo na't ako ay kaniyang pinanghihinalaan.

Gabi na nang umuwi ako sa aming tahanan, pag pasok ko'y matamis na ngiti ng aking kapatid ang aking nadatnan.

"Ate Elena, anong dahilan ng iyong matamis na ngiti?"

"Maraming salamat Roselita." wika niya at niyakap ako, "Alam kong kaya ka umalis kanina ay magkikita kayo ni Massimo diba? At pinapunta mo siya dito para ako ang makasama niya. Tapos binigyan niya pa ako ng tatlong pitas ng bulaklak ng rosas. Hindi mapigilan ng aking puso ang tuwa Roselita, pakiramdam ko'y iniibig na din ako ni Massimo dahil ako'y kaniyang pinatawa at pinuri kanina."

Hindi ako makagalaw sa kaniyang kinuwento sa akin. Ibig sabihin ay nagtungo si Massimo dito ngunit hindi ko alam ito, wala siyang sinabi sa akin 'nong huli kaming magkita.

Maari ngang nandito siya para kay ate Elena.

"Masaya ako sa iyong binalita sa akin ate Elena. Ako'y masaya para sa iyo," puri ko at niyakap siya muli.

"Sana nga ay hihingin niya na ang aking kamay at hindi ko na siya pahihirapan pa." masaya niyang wika at sumasayaw habang hawak ang bulaklak na bigay ni Massimo.

Ikinwento ni ate Elena sa aming Ina at Ama ang nararamdaman niya para kay Massimo. Noong una ay nagalit si Ina dahil baka masaktan lang ang aking kapatid gayon din si Ama ngunit nag pumilit si Ate Elena na hindi siya masasaktan kay Ginoong Massimo dahil ito ay matino at maginoo.

"Roselita anak, pinagsabihan mo na ba ang ate mo?" tanong ni Ina nang nasa labas kami ng tahanan.

"Opo Ina ngunit hindi nakinig sa akin si Ate at hinayaan ko na lang sa kaniyang nais."

The One That Got Away (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon