CHAPTER 12

55 3 0
                                    


Matapos kong sabihin kay mama na nangyayari na sa'kin iyon ay hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya.

"Mama?! May alam po ba kayo sa nangyayari?" tanong ko.

"Shawn, hayaan mong ikaw ang umalam. Huwag ka mag tanong sa'kin dahil wala akong mabibigay na sagot. Harapin mo lang anak, malalaman mo din." sabi ni mama at hindi na ako nagsalita pa.

Umalis na si mama sa harapan ko at pumunta kina papa sa labas. Tumayo na ako at tinignan ko ang isinaing kong kanin kung naluto na ba.

Iniisip ko ang sinabi ni mama. Talaga bang dapat kong hintayin na ang tadhana ang maglahad sa akin sa dapat kong malaman? Pero bakit gano'n? Bakit parang nakakatakot harapin.

Nang maluto na ang kanin ay nag handa na ako ng plato at kutsara para makakain na kami.

"Anak ako na d'yan tawagin mo na sila doon." usal ni mama.

"Hindi pa pala sila tapos?"

"Marami silang pinag usapan e. Ikaw na lang tumawag sa kanila, ayaw kong distorbohin."

"Sige ma," sambit ko at nagtungo kina papa.

Nang makita ko sila ay malapit na palang matapos ang kanilang ginagawa. Natutuwa akong makita si Ethan na masaya habang tinutulongan si papa.

"Papa! Ethan! Tama na 'yan, kain muna tayo. Naghanda na ako, sumunod na kayo sa kusina." aya ko sa kanila at bigla namang napatitig sa akin si Ethan.

"Kanina ka pa gising, hindi mo man lang kami binati ng magandang umaga." usal ni Ethan.

"Hindi na, kasi tinulongan ko pa si mama."

"Sige anak, susunod na kami. Lilinisin lang namin saglit ang kalat dito." wika ni papa kaya tumango na lang ako at bumalik na sa kusina.

"Maglilinis daw muna sila saglit ma," sabi ko kay mama.

Umupo na ako sa mesa at tumingin sa pagkain na nakahain. Ngayon ko lang napansin na hindi ko pala nakain ng maayos ito kagabi kasi iba anh kinain ko.

Nasasabik tuloy akong kumain na.

Adobong hipon, inihaw na karne, pancit, turon at adobong manok ang ulam namin ngayong umaga.

Sobrang dami kaya nagugutom na ako.

"Kumain ka na lang kung nagugutom ka na." bulong ni Ethan sa akin sa likuran ko.

Tapos na pala sila, hindi ko man lang napansin.

"Hindi mo kami napansin kasi naglalaway ka na sa nakahin, sana kumain ka na lang. Gutom ka na, ayaw kong nagugutom ka." nang aasar na tonong usal niya sa'kin.

"Manahimik ka nga! Ayaw kong bastos no! Gusto ko na sabay tayo lahat," I mumbled.

"Joke nga lang, nagbibiro lang ang tao e." natatawang sambit niya at umupo na sa tabi ko.

"Pwes! Hindi ko gusto ang biro mo!"

"Huwag ka na magalit kasi nasa harapan na tayo ng pagkain. Sorry na Rei, dito ba ang puwesto ko?" he asked sabay pa cute.

"Naka upo ka na d'yan, papaalisin pa ba kita? Huwag kang pa cute, hindi bagay sayo." saway ko.

"Kasi ikaw ang bagay sa'kin." usal niya kaya napalunok ako.

I'm screaming, my heart is screaming.

"Ang kapal mo!" sigaw ko.

"Kinilig ka nga eh! Hinaan mo boses mo baka marinig tayo ng magulang mo at pagalitan pa tayo."

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now