CHAPTER 14

41 3 0
                                    


Linggo na kaya naman naghanda na kami ni mama para sa pag punta namin sa bayan mamaya upang mamalangke. Naka usap ko na din si Ethan sa text na magkikita na lang kami sa sakayan ng bus at alam na naman din niya ang pagpunta doon.

"Anak? Dalhin mo 'yung isang basket ha! Baka marami tayong bibilhin at hindi magkakasya sa isang basket." wika ni mama.

"Opo ma, si Ethan po pala maghihintay na lang sa sakayan ng bus at sabay na tayo bumyahe." sambit ko.

"Saang bayan ba nakatira si Ethan?" tanong ni mama.

"Nakalimot ko pong itanong e. Basta 'yung namalengke ako sa bayan ng Rosa ay doon ko po siya nakita." sagot ko.

"Taga Rosa pala siya kung gayon, sa bayan ng Rosa din nagtatrabaho ang Ate mo baka nga makita natin siya doon."

"Oo nga pala sa Rosa pala nag tatrabaho si Ate. I text mo kaya ma at sabihin mong pupunta tayo doon, baka sakaling puwedi siyang pumunta sa atin doon kahit saglit." sabi ko.

"Sige sige, e tetext ko Ate mo."

Pag patak ng alas diyes ng umaga ay umalis na kami ni mama at agad na nagtungo sa sakayan ng bus.

Rei :

Ethan, pa punta na kami. Hintayin mo na lang kami saglit.

Message sent.

Nang makarating na kami sa sakayan ng bus ay agad kong hinanap si Ethan. Hindi naman ako nahirapan kasi agad niya kaming nakita ni mama.

"Rei, Tita." tawag niya sa amin, "Mano po," usal niya at nagmano kay mama.

Hm, first time kong makita 'to ah. Parang boyfriend ko lang.

"Oh Ethan, magandang araw iho. Tara na, sumakay na tayo." sabi ni mama kaya sumunod na kami ni Ethan.

"Masaya ako at nakita kita ulit, mamimiss kita Rei." bulong niya sa'kin habang naglalakad kami.

"Ako din mamimiss kita, mag iingat ka doon ah. Text mo ako at tawagan minsan,"

"Ikaw din, mag iingat kayo dito. Araw araw kitang kakausapin sa text kasi mamimiss kong ka usap ka Rei." wika niya na nag pa ngiti sa akin.

Iniisip ko kung ano nga ba tayo Ethan?

Friends?

I'm confused to my feelings, I just know that I'm happy to be with you.

Do you think that I consider it that I love you?

"Ethan.. May nagugustohan ka na ba?" tanong ko nang maka sakay na kami sa bus.

Tama ba na tinanong ko? Baka isipin niya na interesado ako sa lovelife niya.

"Bakit mo naman natanong?" natatawang tanong niya sa'kin.

"Huwag ka nga tumawa d'yan. Iniisip ko kasi kung nagmahal ka na ba." sabi ko at sumulyap sa labas ng bintana.

"Oo naman dati, I have 1 ex-girlfriend."

"Talaga? Bakit naman kayo naghiwalay?"

"I don't know, long story Rei. We're still friends pa din naman kasi childhood friend ko siya then naging lovers. Puppy love lang 'yon." sagot niya at napatango ako.

"Ano ba ang feeling kapag nagmahal? Ako kasi hindi pa nakaramdam. I mean nagmahal naman ako, nagmahal ako sa magulang ko, kaibigan ko, kapatid ko, relatives ko. Mahal na mahal ko sila, ikaw din mahal na kita kasi kaibigan kita. 'Yung ganoong pagmamahal ang nararamdam ko."

"Hindi ka pa nakaramdam ng kilig? Saya at tuwa sa isang lalaki?" tanong niya at napatingin ng diretso sa mga mata ko.

Oo, nakaramdam na sayo. Pero hindi, hindi ko pweding sabihin.

The One That Got Away (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora