CHAPTER 15

61 3 0
                                    


Pagkatapos naming mamalengke ni mama ay agad kaming umuwi ng bahay. Hindi na namin naka usap si Ate dahil hindi siya pinayagan ng boss niya na umalis sa trabaho.

Magpapahinga muna ako saglit kasi medyo napagod ako. Gaya ng sabi ko ay madalas na din akong inaantok.

"Roselita, akala ko ay may pupuntahan ka ngayon? Bakit hindi ka pa umaalis?" tanong sa akin ni Ate.

Dapat na siguro akong masanay na sa tuwing matutulog ako ay makikita at mapupunta ako sa nakaraan.

"Naisip ko pong huwag na lang pala," usal ko kahit hindi ko alam ang isasagot.

Hindi ko naman alam na aalis si Roselita at di ko din alam saan siya pupunta.

"Nga pala! Kumain ka na?" nag aalalang tanong niya.

Nakakain ka na ba Roselita? Hays, hindi ko alam.

"Kakain po ako pag nagutom ako,"

"Natatakot ako sa iyo Roselita sapagkat nag iiba ang pakikitungo at iyong pananalita sa akin." wika ni Ate kaya napayuko ako at hindi umimik.

Pasensya na po ngunit hindi naman ako si Roselita.

"Elena?! Roselita?! Halika na kayo at magbigay galang sa ating bisita." tawag sa amin ng Ina ni Roselita at Elena.

Elena pala ang pangalan ng kapatid ko.

"Sino po ang ating bisita Ina?" tanong ni Ate Elena.

"Kaibigan ng pamilyang Villamor,"

"Dapat po ba tayong makisali doon? Dito na lang po kami ni Roselita, Ina."

"Sigurado kayo?"

"Opo Ina, wala naman si Massimo kasi may pinuntahan siya kaya hindi na lang po kami makikisalo ni Roselita, salamat po Ina."

"Sige Elena, ikaw Roselita? Ayos ka lang ba?" tanong niya sa'kin kaya agad akong nagising sa diwa ko.

"A-ah, Opo. Maayos lang po ako," sagot ko at ngumiti sa harap nila.

"Mabuti naman kung gano'n. Dito na lang muna kayo at babalik na ako doon." wika ng Ina nina Elena at Roselita.

Umalis na ito kaya bumaling ulit sa akin ang atensyon ni Elena.

"Kapatid? Okay na ba kayo ni Massimo?" biglang tanong niya kaya napalunok ako.

Maayos ba sila? Hindi ko din alam Ate.

"Oo, m-maayos naman k-kami." nauutal kong sagot.

"Tayo? Maayos ba tayo?"

"T-tayo? Oo n-naman, bakit mo naman na t-tanong?"

"Baka kasi may tinatanim kang tampo sa akin. Roselita, may nararamdaman ka ba para kay Massimo? Kayo 'yung unang magkakilala at naging matalik na kaibigan bago niya ako nakilala. Iniisip ko lang kung may nararamdaman ka sa kaniya?"

Meron nga ba? Hindi ko alam, hindi naman ako si Roselita.

Bakit nasasaktan ako?

Si Massimo ay si Ethan.

Si Elena ay si Ate Khlea.

Ako si Roselita.

Kasintahan ni Massimo dito ay si Elena na kapatid ni Roselita.

Ibig sabihin ay pweding maging sila, si Ethan at si Ate Khlea.

"Wala akong nararamdaman sa kaniya, magkaibigan lang po kami." diretso kong sagot.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now