CHAPTER 26

75 1 6
                                    


REI SHAWN POV

Pagmulat ko sa aking mga mata ay si Aling Maricar agad ang aking nakita. Hindi ako makapaniwala at naramdaman kong pinagpapawisan ang aking noo.

"Shawn... Ang lahat ng nakita mo ay ang nangyari sa nakaraan ni lola Roselita, lola Elena at Ginoong Massimo." wika ni Aling Maricar.

"Anong nangyari sa kanilang tatlo? Si Binibining Elena? Nalaman ba niya na nagtaksil sa kaniya si Binibining Roselita at Ginoong Massimo? Si Binibining Roselita po ba ay nakapag asawa din pati si Binibining Elena?" sunod sunod na tanong ko.

Alam kong nagugulohan si Aling Maricar sa tanong ko pero tumango naman siya sa'kin.

"Nakakalungkot kasi nang nalaman ni lola Elena ang totoo ay malaki ang galit niya kay lola Roselita dahil sa nagawa nitong pagtaksil sa kaniya at halos kamuhian na niya ito pero paglipas ng panahon ay nagka ayos naman sila at Oo Shawn, nakapag asawa sila kaya nga nabuhay tayo sa mundo."

Hindi ako makagalaw at tanging pagtitig lang ang isinukli ko sa sagot ni Aling Maricar.

"Baka hinahanap ka na ng mama mo, umuwi ka na muna. Huwag kang mag alala dahil sampong minuto ka pa lang nawawala. Sana ay namulat ka na sa mga sagot sa iyong katanongan kung bakit napapanaginipan mo ang mga nangyari sa nakaraan. Iyon ay dahil kayong dalawa ni Ethan ang pangalawang buhay ni lola Roselita at Ginoong Massimo. Tulad ng sabi ko, ang kwintas na binili mo sa akin ang nagligtas upang hindi mangyari ulit ang nakaraan na nagkagusto si lola Elena kay Ginoong Massimo. Dahil hindi na pweding maulit muli ito sa kapatid mo at kay Ethan sapagkat ang dapat na mangyari ngayon ay matupad ang pangako nila sa isa't isa na magmahalan muli ng malaya."

"Naiintidihan ko na po ang lahat Aling Maricar," saad ko.

"Lola na lang ang itatawag mo sa akin Shawn." giit niya.

"Alam po ba ni mama na kapamilya ka namin?" tanong ko at tumango siya, "Alam din ng mama mo ang mangyayari." patuloy niya na ikinagulat ko.

Alam ni mama na mangyayari ito kaya ba marami siyang pinapaalala sa akin nang nagkwento ako sa kaniya. Sinabi niya din na ang tadhana ang gagawa ng lahat para maintindihan ko at tama nga siya.

"Mauuna na po ako l-lola Maricar, babalik po ako ulit dito." paalam ko.

"Huwag ka na bumalik muli dito Shawn dahil tapos na ang mission kong ipakita at ipaalam sa iyo ang lahat. Maglalaho na din ako dahil hindi na ako pweding magtagal pa, sana ay maging masaya ka Shawn. Patnubayan ka ng Panginoon at pairalin ang pagmamahal sa iyong puso. Mag iingat ka hanggang sa muli kung tayo'y muling magkikita. Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa ni Ethan." wika ni lola Maricar.

Hilaw akong ngumiti sa kaniya dahil nalulungkot akong isipin na hindi ko na siya ulit makikita. Tumango na lamang ako bago tumayo, "Aalis na po ako, maraming salamat dahil pinaalam niyo at ipinaintindi sa akin ang lahat." sabi ko at niyakap siya.

Nakaramdam ako ng saya habang kayakap si lola Maricar. "Paalam apo," bulong niya at naramdaman ko na lang ang sarili kong naglakakad pabalik sa bahay ni Tita.

"Shawn anak," tawag ni mama at agad akong sinalubongan ng yakap. "Alam kong alam mo na ang lahat dahil wala na si lola Maricar. Anak, patawad kung hindi ko sinabi sayo, hindi ko kasi pweding sabihin."

"Okay lang po mama, naiintidihan ko po. Hindi lang talaga ako makapaniwala na totoo ang lahat ng ito. Na nangyayari sa akin 'to."

"May mga bagay lang talaga na mahirap ipaliwanag pero maiintindihan mo sa tamang panahon." mahinahong sabi ni mama.

Kaya ba naging magkaibigan kami ni Ethan.

Kaya kami naging malambing sa isa't isa.

The One That Got Away (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt