CHAPTER 20

59 3 0
                                    


Kinabukasan ay nag ayos na kami ni Ate para sa lakad naming tatlo ni Ethan ngayon. Hindi ko na pinansin ang naging panaginip ko kagabi, ginugulo nito ang isip ko pero pilit kong isinawalang bahala.

Pakiramdam ko'y malapit ko nang malalaman ang lahat.

"Tayo na Shawn, baka naghihintay na nang matagal si Ethan doon. Nakakahiya naman," nagmamadaling sabi sa akin ni Ate kaya agad ko namang kinuha ang bag ko para makaalis na kami.

Oo nga pala, nagka emergency si Ethan kaya hindi niya kami masusundo ni Ate at magkikita na lang kami sa lugar na aming pinag usapan.

Kaya kami na lang ang mag paalam kay mama at papa.

"Mama! Papa! Alis na po kami ni Ate," paalam ko.

"Mag iingat kayo anak," paalala ni mama.

"Bye Mama! Papa! Babalik din po kami agad," sambit ni Ate Khlea bago kami tuloyan nang umalis.

Pumara na kami nang masasakyang tricycle para sa pupuntahan namin.

Tinext ko na din si Ethan na parating na kami, mabuti na lang at kakadating lang din niya sa dalampasigan.

Nang makababa na kami sa tricycle ay ako na ang nag bigay ng pamasahe dahil nahihirapan si Ate kunin sa bag niya. Ayaw ko naman na gagastos siya tapos ako ang nag aya diba?!

"Shawn, nahihiya ako kay Ethan. Pakiramdam ko ay epal ako sa inyong dalawa, ikaw kasi e bakit mo pa ako isinasama sama dito e halata namang inaya ka niya para mag date kayo. Nako! Nako! Sinasali mo ako sa lovelife mo!" pang aasar ni Ate sa akin na may halong kainisan.

"Huwag ka ngang mag overthinker ng ganiyan Ate Khlea! Magkaibigan lang talaga kami promise! Wala nga akong napapansin na sign na gusto niya ako, hindi ko 'to lovelife kasi walang namamagitan sa amin." paliwanag ko sa kaniya at inismiran lang ako.

"Ang manhid mo naman kung wala kang napapansin. Hay nako! Tara na nga, okay na din 'to para extend celebration sa birthday ko kahit mag mumukha akong third wheel."

Natatawa na lamang ako sa sinabi niya. Nakakahiya isipin ang sinasabi ni Ate kahit wala naman talaga. Hindi ko naman din iniisip iyan e, mas iniisip ko ngayon ang mga nangyayari sa akin.

Kung bakit napapanaginipan ko ang mga lahat ng 'yon?

At kung anong mangyayari kay Ate Khlea at Ethan. Magiging sila ba?

Pero sa panaginip ko sa nakaraan ay sila na e tapos dito sa present hindi.

Ano ba talaga ang mangyayari?

Ano ba gustong mangyari ng aking nakaraan?

"Bilisan mo d'yan Shawn! Huwag kang tumulala, ano bang iniisip mo? Huwag mong sabihin na inisip mo ang mga sinabi ko kanina? Ano? Na realize mo na may gusto ka kay Ethan?" sunod sunod na pang aasar ni Ate sa akin kaya naman binilisan ko ang paglalakad para mahabol siya.

"Manahimik ka nga Ate! Hindi 'yan ang iniisip ko noh!"

"Weh? Rei Shawn! Nako nako! Hindi bagay sayo ang magsinungaling,"

"Hindi naman kasi ako nagsisinunging, ikaw lang 'tong nag ooverthink e. Tara na nga, ilang minuto nang naghihintay si Ethan." pagtatapos ko sa usapan namin dahil ayaw ko nang makarinig nang pang aasar niya. Nakakahiya baka nandito lang sa tabi tabi si Ethan at biglang sumulpot hindi ko pa naman alam nasaan siya naghintay.

Sa gitna ng paglalakad namin nang biglang nag vibrate ang cellphone ko.

Ethan :

Nasa may kubo ako at nakikita ko na kayo.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now