CHAPTER 9

85 5 0
                                    


I was speechless dahil sa binigay na tatlong rosas ni Ethan kaya niyakap ko na lang siya. Alam kong nabigla siya pero isang minuto lang naman at humiwalay na ako.

"Ethan.. I didn't expect this. Thankyou so much!" sabi ko habang inaamoy ang bulaklak.

"Anything for you Rei. I'm sorry kung hindi ako nakapag paalam sayo. Suprise ko ulit sayo iyan, I want to make you smile."

"Mahilig ka ba sa supresa?" tanong ko.

"Hindi pero mula nang makilala kita ay nakahiligan ko na."

"Wow ha! Bumabanat ka na Ethan." natatawang sambit ko. Kinikilig ako.

"You made me like this Rei," he whispered.

"Huwag mo ako sisihin. Wala akong ginagawa sayo ah! Tara na nga bumalik muna tayo sa bahay." sabi ko at nauna ng maglakad.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kanina lang ay halos nanlumo ako dahil sa nangyari sa'kin tapos ngayon ay natutuwa ako sa ginagawa ni Ethan.

Ethan makes me feel okay.

"Rei.." tawag niya sa'kin.

"Yes? Ano yun?"

"Puwedi ko bang malaman kung anong nararamdaman mo?" tanong niya na ikinabigla ko.

"Nararamdaman? Saan?"

"Sa pagbigay ko sayo ng rosas. Gusto kong malaman kung ano yung naramdaman mo. Puwedi ba?"

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Ano kaya sa tingin mo ang nararamdaman ko?" naka ngiti 'kong tanong.

"Gusto ko na sayo manggaling Rei."

"Syempre natutuwa ako sa ginawa mo kahit pinag alala mo ako. Masaya ako Ethan, saya ang nararamdaman ko." nakangiti kong sabi.

"Masaya ako kasi napasaya kita," wika niya.

"Mas masaya ako kasi pinasaya mo ako." usal ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nang makarating na kami ng bahay ay hinanap ko agad si mama at papa.

"Mama?! Pupunta na po ba tayo?" masiglang tanong ko.

"Oo, hinanda na ng papa mo sa lamesa ang mga dadalhin natin sa salo salo." sagot ni mama.

"Sige po ma. Dadalhin na po namin ni Ethan ang iilan dito at mauna na kami doon. Sumunod na lang po kayo,"

"Sige anak, magbibihis muna ako. Mag iingat kayo ni Ethan. Susunod na lang kami ng papa mo."

Tumingin ako kay Ethan na ngayon ay naka ngiting naka titig sa'kin.

"Mauuna na tayo doon. Tulungan mo na lang ako mag bitbit nito, huwag ka ngang ngingiti-ngiti d'yan." usal ko sa kanya.

"Ako na magdadala nito lahat para hindi ka na mahirapan pa." prisenta niya.

"Hindi mo kakayanin. Okay lang naman sa'kin at sanay naman ako, sige na kunin mo na yun at ako naman ang magbibitbit nito." sabi ko sabay turo sa dadalhin niya.

"Okay kung 'yan ang gusto mo kahit puwedi naman na ako na lang," usal niya.

"Huwag nga matigas ang ulo Ethan. Sumunod ka na lang sa sasabihin ko. Okay lang sa'kin at ayaw ko din na mahirapan ka magbitbit ng lahat ng 'to." naiiritang sabi ko.

"Okay hindi na, hindi na magsasalita." natatawang sambit niya at binitbit na ang kamiyang mga dadalhin.

"Tara, sumunod ka lang sa'kin." sabi ko at lumabas na kami ng bahay.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now