CHAPTER 18

39 2 2
                                    


Pumunta ako sa kinaroroonan ni Rei habang naghihiwa siya ng sibuyas at bawang. Seryoso ang mukha niya at hindi man lang napansin na lumapit ako sa kaniya.

"Rei, gusto mo ng tulong ko?" prisenta ko.

"Huwag na Ethan, malapit na naman 'to." malamig na sagot niya sa'kin.

"Okay ka lang ba?" tanong ko.

"Oo naman, masaya ako kasi dumating na si Ate at magkakilala na kayo." sagot niya pero hindi man lang magawang tumingin sa'kin.

"Iyan ba ang masaya? Ang seryoso nga ng mukha mo parang hindi ka okay." nag aalalang tanong ko.

"Okay nga lang ako Ethan," usal niya na may halong inis sa boses niya.

Pagkatapos niyang maghiwa at maghugas ng kamay ay agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila siya palabas ng bahay nila.

"There's any problem Rei?" I asked.

"Wala nga diba? Ilang beses ko bang isasagot sayo na okay nga lang ako. Wala tayong problema." sagot niya habang nakatingin sa kawalan.

"Talaga? But why are you acting like this? Bakit pakiramdam ko ay may problema ka. Hindi mo ako kinakausap ng maayos."

"Ha? Anong hindi? Sinasagot nga kita diba? Kinakausap kita ng maayos Ethan. Ano pa bang kulang?" naiinis na tanong niya.

"Okay, fine. We're okay." I said at hinayaan na siyang pumasok ulit sa loob.

Nang lumabas si Khlea sa kwarto niya ay lumapit siya sa'kin at tumabi sa'kin umupo sa sofa.

"Okay ka lang? Bakit parang may problema ka?" nag aalalang tanong niya sa'kin.

"Oo okay lang ako. May iniisip lang," nag aalinlangan kong sagot.

"Huwag mo na isipin kasi halatang ikakalungkot mo e. Dapat positive lang iniisip mo para masaya ka."

Hindi na ako umimik at tumango na lang ako sabay ngiti para hindi na siya mag akalang may problema ako.

"Alam mo ba na sobrang bait niyang kapatid kong si Shawn, napaka maalaga din. Hindi ko hinahayaan na magpapaligaw 'yan sa hindi makakabuti para sa kaniya. Dapat kapag may manliligaw sa kaniya ay 'yong handa siyang ipaglaban at mahalin ng buo. Kami nga lang ang magkakasundi niyan, kaya nakakalungkot na napapalayo ako sa kaniya dahil sa trabaho ko pero alam ko naman na hindi magbabago ang relasyon namin mag kapatid." kwento niya sa'kin at bigla naman akong napangiti. Ang sarap pala talaga magkaroon ng kapatid na sobrang close sa isa't isa.

"Ang importante kasi sa isang relasyon ng kapatid, pamilya, kaibigan o magkasintahan ay ang tatag ng pagmamahalan na kahit hindi man kayo laging magkita at magkasama ay mahal na mahal niyo pa din ang isa't isa. Na realize ko nga na ang sarap magkaroon ng inspirasyon sa buhay para may pagkukunan ka ng lakas. Ang importante din ay ang tiwala, dahil iyon ang magpapatagal ng relasyon dahil may tiwala ang bawat isa. Hindi dapat ito mawawala kasi mahirap na ibalik ang tiwala kapag minsan na itong nasira."

Ang solid ng pamilya nila, ang daming alam sa buhay. Sana ganito din ang pamilya ko.

"Lagi mong tatandaan Ethan na lahat tayo ay may pagkakataon na itama ang mga pagkakamali na ating nagawa sa buhay. Minsan nga ay binibigyan ulit tayo ng pangalawang buhay para itama ito."

Hindi ko magawang umimik sa mga sinabi ng Ate niya dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"Ethan? May gusto ka ba sa kapatid ko?" biglaang tanong niya kaya agad akong nag angat ng tingin sa kaniya.

"Ha? A-ah.... Hindi ko alam, magkaibigan kami ni Rei." sagot ko at tinignan ko si Rei na ngayon ay nag huhugas ng plato pero hindi tumingin sa amin. Alam kong naririnig niya kami.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now