CHAPTER 2

144 9 0
                                    


Pagpasok ko sa loob ng kuwarto ay binuksan ko ang messages ni Ethan sa'kin. I know na puro pasasalamat na naman ang sasabihin niya.

Ethan :

Thankyou for this day! I really enjoy your company Rei. I hope to have more bondings with you.

Ethan :

I'm very thankful to God that we met. He gave me the person who will help me to be okay.

Rei :

Your welcome Ethan.

Message sent.

Pagkatapos kong mag reply ay nakatulog din ako agad dahil sa pagod.

Gabi na rin ako naka uwi sa bahay dahil marami din kaming napag usapan ni Ethan kahapon. Nalaman ko din na nag iisa lang s'yang anak ng mga Villamor. Palagi n'yang napapanaginipan ang lugar na 'to at pakiramdam niya ay matagal na s'yang naka punta dito.

Iniisip ko 'yung mga sinabi ni Ethan sa'kin na sa panaginip niya ay naka punta na siya dito pero kung aalahanin ko man ang nangyari noon ay wala naman akong naalala na may isang Villamor na nag stay dito sa lugar namin. It's just a dream, panaginip lang 'yon at wala na 'yung ibig sabihin.

"Mama, may naalala po ba kayong mga Villamor na dumayo noon dito sa lugar natin?" tanong ko.

"Wala naman pero may nabalitaan ako na ang Lila City na kung saan tayo nakatira ngayon ay pag aari ng mga Villamor noong mga nakaraang dekada. Binigay nila ang lupang ito sa mga maninirahan dito dahil 'yon ang kagustohan ng kanilang unica iho dahil umiibig ito sa isang Binibini na walang maayos na tirahan." sagot ni mama.

"Ano po? Binigay nila 'to ng libre sa mga kababayan natin noon? Napaka bait naman po talaga ng mga Villamor lalo na 'yung lalaking umibig sa isang Binibini."

"Ngunit hindi nagtagal ay naghiwalay din sila dahil ang kapalit ng pag bigay ng lupang 'to ay pagpapakasal ng Ginoo noon sa ibang babae at hindi na sa totoong mahal niya. Pumayag ang Ginoo dahil gusto n'yang maging maayos ang buhay ng Binibini."

"Nakakalungkot naman po pala ang nangyari sa kanila. Ibig po bang sabihin na ang mga nakatira dito ay mga kamag-anak at kababayan ng Binibini?"

"Oo, tayo. Kaninunoan natin ang Binibini," usal ni mama kaya napatakip ako ng bibig.

Napaka mysterious naman so may nakaraan pala ang mga Villamor at mga ninuno ko noon. Si Ethan? Isa kaya to sa dahilan kung bakit niya napapanaginipan ang lugar na 'to?

Ano kaya ang aalamin niya? Dahilan kung bakit siya nandito. Kailangan ko s'yang tulongan, ngayon na alam ko na kung bakit siya nananaginip ng gano'n.

Pero baka haka haka lang ang kuwento na 'yon. Labing siyam na taon na ako nakatira dito ngunit ngayon ko pa lamang narinig ang kuwentong 'yon. Baka nga ay isa lamang 'yong fake story.

Ethan :

Hi Rei :) How are you? Napagalitan ka ba ng magulang mo?

Napangiti ako habang binabasa ang tinext ni Ethan sa'kin.

Rei :

Okay naman ako. Ikaw? Hindi ako pinagalitan don't worry.

Message sent.

Hindi ko na hinintay ang reply niya at nagsimula na akong maglinis ng bahay. Habang naglilinis ako ay pumasok sa isip ko si Ethan, iniisip ko kung ano ba talaga ang papel niya sa buhay ko? At ano ang papel ko sa buhay niya?

Naalala ko 'yong nangyari sa amin kahapon sa dalampasigan. Nakita ko 'yung saya sa kanyang mga mata at nakita ko din ang tinatagong lungkot.

Ayaw ko din naman na tanongin siya tungkol sa buhay niya baka isipin niya na masyado akong feeling close. Pero interesado akong malaman ang tungkol sa kanya, gusto kong makilala siya. I badly want to know everything about him. Pakiramdam ko kasi ay tinadhana talagang magkita kami.

But fudge!! He still a stranger for me. Tatlong araw pa lang kami magkilala pero iba na 'yung dating niya sa buhay ko.

I opened his messages.

Ethan :

Okay lang din ako.

Ethan :

Gustohin ko man na magkita tayo ngayon ngunit may gagawin lang akong importante kaya sa susunod na araw na lang tayo mag kita.

Ethan :

Ingat Rei.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot kasi may balak pala s'yang makipagkita sa'kin ngayon pero abuso naman kung araw araw kami magkikita at ano kaya 'yung aasikasohin niya? Part kaya 'yun sa gusto n'yang malaman sa lugar namin? O nandito kaya girlfriend niya at sinudan siya?

'Hay nako! Rei! Ang dami mong iniisip.' suway ko sa sarili ko.

Rei :

Okay Ethan, ingat ka din. :)

Message sent.

Nagpatuloy na ako sa paglilinis at pagkatapos ay maliligo na ako para matulog dahil masyado akong na stress sa mga iniisip ko.

"Anak, kumain ka muna bago matulog." wika ni mama.

"Opo ma,"

"Kamusta pala kayo ni Ethan? 'Yung lalaking sinabi mo sa'kin no'ng nakaraang araw?" tanong ni mama.

"Okay naman po siya ma. Masyado na nga akong na cucurious sa kanya eh. Lalo na 'yung kinuwento mo sa'kin kanina." sagot ko.

"Nako anak, huwag mo ng isipin 'yon. Hindi ko nga inisip 'yan noon no'ng nalaman ko ang kuwento," wika ni mama.

"Pero ma, may nakilala kasi akong Villamor. Hindi mo ako masisisi kung iniisip ko 'to."

"Baka mabaliw ka kakaisip n'yan. Kumain ka na at maglalaba muna ako." sabi ni mama at nagpunta na ng bakuran.

Ikakain ko na lang 'to at itutulog baka pag gising ko hindi ko na to masyadong iisipin.

Pagkatapos kong kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan at pumasok na sa kuwarto para matulog. Binuksan ko muna ang huling message ni Ethan.

Ethan :

Yes, I will take care myself for you Rei. :)

Halos hindi na ako makahinga dahil hindi ko kinaya ang nabasa ko sapagkat biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Hindi ko na alam kung matutulog ako o makikipag landian.

Rei :

Godbless, enjoy the day!

Message sent.

Ethan :

Enjoy your day also.

Rei :

Uh, thanks. How are you there? Okay ka lang d'yan?

Ethan :

Uhm yeah, the stuffs is fine. They're good in services.

Rei :

Good to know.

Ethan :

What are you doing now?

Rei :

Nothing, naka higa lang ako. uhm, baka hindi ka pa tapos sa ginagawa mo. Taposin mo na muna at iidlip lang ako.

Ethan :

Okay. Sleep well. :)

Rei :

Thanks. :)

Pinilit ko nang ipikit ang aking dalawang mata at hindi nagtagal ay nakatulog din ako. Sana ay walang ibig sabihin ang lahat ng 'to.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now