CHAPTER 7

82 7 0
                                    


Hanggang ngayon ay hindi pa din ako mapakali sa mga nangyari sa'kin. 9pm na nang gabi pero wala pa din akong balak na matulog. Konti lang din ang kinain kong hapunan kanina at hindi ako masyadong kumibo kina mama at papa.

Ethan called me countless times pero hindi ko sinagot ang mga tawag at text niya dahil gusto ko munang mapag-isa.

Nakaramdam ako ng panghihina. Iniisip ko pa lang na marami pala akong haharapin ay natatakot na ako, nawawala na ang lakas ko.

"Lord, I need your help! Guide me po at sana ngayong gabi ay makatulog ako ng maayos. Patawarin niyo po ako sa mga kasalanan ko. Maraming salamat sa lahat ng blessings Panginoon ko. Sana ay bigyan niyo po ako ng lakas, Goodnight po Papa Jesus."

Pagkatapos kong magdasal ay humiga na ako ng maayos at pinikit ang aking mga mata. Umaasa akong hindi mauulit ang panaginip ko kanina.

Aaminin kong namimiss ko na si Ethan kahit ilang oras ko pa lang siyang hindi naka usap. Iniisip ko din na okay lang kaya siya ngayon at kung anong ginagawa niya ngayon. Sana ay maayos lang siya.

Minulat ko muli ang aking mga mata at binuksan ang cellphone ko. Hindi ko kaya na hindi ko siya pansinin lalo na sa text lang kami madalas nag uusap.

10 Messages

Ethan :

Okay Rei, sabihin mo lang sa'kin kung kailan tayo ulit magkikita.

Rei?

Rei Shawn? Are you still there?

I just want to talk with you.

Rei? Pahinga muna ako. Sana mag reply ka na pag gising ko.

Rei, kakagising ko lang and I've dream. I've dream something..

I'm scared Rei, masyado nang malalim ang mga panaginip ko.

Rei? May problema ba tayo? Gusto sana kitang maka usap.. I called you countless times pero ayaw mong sumagot :(

Rei? I hope that you're not mad at me.

Goodnight Rei Shawn! :)

After I read his messages ay bigla akong nakaramdam ng konsensya. I know that he needs me pero hindi ko man lang siya kina usap. Hindi din kasi ako okay kanina kaya alam kong pareho kami ng pinagdaanan sa aming napanaginipan.

Dalawang beses na kaming nanaginip ni Ethan ng same time. Nakakasigurado na akong may connection ang napanaginipan ko at napanaginipan niya.

Bago ako bumalik sa pagtulog ay nag type muna ako ng message for Ethan.

Rei :

Hi Ethan. Good evening, sorry for not replying and accepting your calls. I'm just busy and something bad happened kanina. I hope na hindi ka nag tampo sa'kin. Hindi ako galit Ethan, don't worry. Imissyou na din. Gustong gusto na kitang maka usap ng personal. Goodnight Ethan and Godbless!

Message sent.

Nilagay ko na ang cellphone ko sa drawer at humiga na ulit para matulog. I hugged my pillow and close my eyes. Goodnight!

Nagising ako sa ingay ng mga tao sa labas kaya agad akong bumangon upang tignan ito. Lumiwanag na ang araw, late na pala akong nagising.

Habang tinataw ko ang mga tao sa labas na puno ng ingay ay ngayon ko lang na realize na fiesta pala sa amin. Happy Fiesta!

Lumabas na ako ng kuwarto, hindi ko napansin sina mama kaya dirediretso akong lumabas ng bahay upang makisalo sa ingayan ng mga tao.

Ang saya talaga sa bayan namin tuwing fiesta dahil puro masayahin ang mga tao kaya puno ng good vibes ang lugar namin.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now