CHAPTER 6

96 6 1
                                    


Napahilamos ako ng mukha matapos mabasa ang tinext ni Ethan sa'kin. So ibig sabihin ay pareho kaming nanaginip kagabi ng isang boses na hindi namin kilala.

"This is crazy!" I insist to my mind before I go back my attention to Ethan's message.

Rei :

I want to hear that Ethan pero hindi muna kasi ako puwedi lumabas ngayon ng bahay. Sa susunod na araw na lang natin pag usapan ang naging panaginip mo kasi may importante din akong sasabihin sa iyo.

Message sent.

Matapos kong replayan si Ethan ay biglang may kumatok sa pintoan ng kuwarto ko.

"Anak, puwedi ba akong pumasok?" tanong ni mama. Si mama pala ang nasa labas.

"Opo ma, bukas po 'yan. Pasok po kayo," sabi ko.

"Anak? Okay ka lang ba? Bakit ganyan ang 'yong mukha? Madami ka bang iniisip?" sunod sunod na tanong ni mama.

Hindi muna ako sumagot. Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay mama ang nangyayari sa'kin. Natatakot ako na baka hindi niya ako paniwalaan.

"Shawn, handa akong makinig. Magsabi ka lang para mabawasan 'yang iniisip mo."

"Bakit po pala kayo naparito ma?" tanong ko.

"Gusto lang kitang kamustahin, kayo no'ng kaibigan mo. Subalit pag pasok ko ay nakita ko ang mukha mo na parang maraming iniisip. Anak kita kaya ramdam ko din na may bumabagabag sayo." sabi ni mama at hinahaplos ang aking buhok.

"Maari bang malaman anak kung ano ito?" mahinahon niyang tanong kaya napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan.

"Kasi ma, si Ethan at ako ay pareho ng panaginip kagabi. Nanaginip kami ng isang boses pero hindi namin kilala kung sino ito," panimula ko.

"Natatakot ako at hindi ako mapakali dahil ang binulong sa'kin kagabi ay kailangan ko daw mag ingat. Ingatan ko ang aking puso sapagkat maraming pagsubok ang darating na dapat kong harapin."

Nakita ko ang pagkabigla ni mama sa aking kinuwento. Napatahimik siya at pansin kong iniintindi niya ang mga sinabi ko.

"Mama? Bakit po gano'n? Nagugulohan po ako. Isa lang maman iyong panaginip," usal ko kay mama na hanggang ngayon ay hindi pa din nagsasalita.

"Hindi lamang iyon panaginip Shawn, isa iyong paalala. Isang paalala na dapat mong sundin, hindi ko akalain na ngayon pala itinakda ang pagbabalik." sabi ni mama sabay ang pag hawak sa aking mukha.

Hindi ko maintindihan ang sinabi ni mama. Mas nagugulohan ako dahil sa mga binitawan niyang salita.

"Hindi ko po kayo maintindihan," usal ko.

"Huwag mo munang intindihin, dahil unti unti itong ipapaintindi sayo ng tadhana."

Hinawakan ni mama ang aking dalawang kamay at tumingin ng diretso sa aking mga mata.

"Sana ay maging maayos din ang lahat sayo Shawn, nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong. Mahal na mahal kita anak," wika ni mama at niyakap ako ng mahigpit.

"Mahal na mahal ko din po kayo."

"Sige, aalis na ako. Huwag mo na 'yan masyadong isipin. Hayaan mo muna dahil magiging maayos din ang lahat Shawn."

Matapos iyon sabihin ni mama ay umalis na siya sa kuwarto ko. Na iwan akong nagugulohan, na iwan akong hindi makapaniwala.

'Lord, kung panaginip pa din ito. Gusto ko na pong magising dahil ayaw kong isipin 'to, nakakabaliw.'

Pinilit kong burahin sa isipan ko ang mga nangyayari sa amin ni Ethan at pinag usapan namin ni mama. Nanood na lang ako ng funny videos sa YouTube para maaliw ako. Hindi ko din binasa ang reply ni Ethan.

Lumipas ang ilang oras at hindi ko na malayan na nakatulog na pala ako kakanood ng videos sa YouTube.

"Anak, gising ka na." sabi ni mama habang ginigising ako. Pagmulat ko sa aking mga mata ay nagulat akong hindi si mama ang nasa aking harapan.

"Sino po kayo?" tanong ko.

"Ako ito, ang 'yong Ina. Hindi mo ba ako naalala?"

"Ina? Hindi po kayo ang aking Ina."

"Ano ba nangyayari sa iyo anak? Ako ito, bakit hindi mo na ako maalala?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob ng kuwarto. Nabigla ako na makitang hindi ito ang aking silid.

"Bakit ako nandito? Hindi.. Hindi ito ang bahay ko. Anong ginagawa ko dito? Nasaan ang mama at papa ko? Hindi ko po kayo kilala, hindi po ako dito nakatira." naluluhang tanong ko habang nanginginig ang aking mga kamay at pawis na pawis na ang aking buong katawan.

Nakatitig lang siya sa'kin at biglang ngumiti.

"Napaka ganda mo, ngunit sana ay manaig ang kagandahan sa iyong puso. Mag iingat ka palagi Shawn." sabi niya at bigla akong nakaramdam ng hilo.

"Shawn! Shawn! Gising Shawn!" 'rinig kong sabi ni mama sa'kin habang niyuyogyog ako. Pagmulat ko ay nakita ko si mama, agad niya akong niyakap.

"Akala ko ay hindi ka na magigising. Nag alala ako ng sobra." sabi ni mama.

"Mama, natakot po ako. Akala ko ay nakidnap ako," usal ko.

"Ngunit hindi pangkaraniwan ang nakita ko sa aking panaginip ma. Isang magandang babae ang nasa panaginip ko at sinabi niya na ako ang kaniyang anak. Isang mayaman at mabait ang tono ng kanyang pananalita. Mama, hindi ko na po nakakaya ang nangyayari sa'kin." naluluhang wika ko habang naka subsob pa din ako kay mama.

"Anak, huminahon ka."

"Mama.. Natatakot na po ako,"

"Kailangan mong harapin ang lahat ng mangyayari Shawn. Maging matapang kang harapin dahil unti unti ng pinapakita sayo ng tadhana." sabi ni mama.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni mama. Para bang marami siyang alam pero hindi niya sinasabi sa'kin. Naninibago ako sa pakikitungo at mga binibitawan niyang salita.

"Si Ethan kaya? Nanaginip din kaya siya?" tanong ko sa aking isipan.

Hindi ako nagsalita, patuloy pa din ang pag agos ng aking mga luha at malakas na pag tibok ng aking dibdib.

"Shawn, sana ay huwag kang panghinaan ng loob. Hindi ka namin iiwan ng iyong ama. Magtiwala ka lang at handa ka naming tulongan. Pero hindi mo maiiwasan ang mga darating na pagsubok na hindi mo aasahan. Patawad anak," sabi ni mama at patuloy na hinahaplos ang likod ko.

"Pasensya na mama ngunit hindi ko pa din kayang intindihin. Hindi ko pa din alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, sa buhay ko, sa atin at sa amin ni Ethan."

"Sabi ko na hayaan mo ang tadhana ang magpapa intindi sayo." sabi ni mama bago siya bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Ano man ang mangyari ay piliin mong maging mabuti at pairalin mo ang maganda mong kalooban." patuloy ni mama at pinunasan ang aking mga luha.

The One That Got Away (Completed)Where stories live. Discover now