Chapter One

302 12 0
                                    


Buong araw akong walang sigla, nalibang man sa klase ngunit hindi pa rin iyon sapat para mawala ang nararamdaman kong lungkot. Am I too soft? I sighed.

Ilang linggo nang ganito yung pakiramdam ko, hindi man bagsak sa exam ay para pa rin akong nahulugan ng langit at lupa. Hindi rin makapag-usap ng maayos sa mga kaibigan. Nahahalata man nila, hindi naman sila nang-usisa pa sa mga iniisip ko.

Napakurap-kurap ako sa kawalan habang mga kasama ko ay nagtatawanan sa tabi ko habang ako dito ay tulala nanaman sa paligid. Andito nanaman kami sa cafeteria, mas lalo naman akong natutulala kapag andito kami. Sa huli, magpapaalam ako sa mga kasama na pupunta ng library ng school para doon malibang.

Madami na akong ginagawa ngunit parang kulang pa iyon para makalimutan ang parteng iyon.

Come to think of it, years have gone and I love the thrill of this feeling is giving me. That someday, he would come back for me, he would confess that he loves me, that he wants me. All of that was on my head that I created and I assumed for something impossible and non-existent. I knew how to love, I knew what was the risk of it, and I gave it to someone who has been missing and even his existence was vague for me. What’s the purpose of this yellow ribbon anyway?

I couldn’t blame him for hurting me inappropriately. I was the one who inflicted my own pain that it lead me to something I can’t imagine. Exhausting myself to the loads of work for forgetting something that shouldn’t be remembered long time ago. My young love was an illusion.

I took my time on the library studying. Wala kaming takdang-aralin, inaral ko lamang ang mga lesson na ituturo pa lamang ng mga guro, kung hindi man ituturo ay gagawing asignatura para lamang mabasa namin sa takdang panahon, o di kaya ipapa-aral lang para sa paghahanda sa susunod na pagsusulit. Nagsusulat lamang ako ng notes sa mesa, hindi na pinapansin ang mga taong umuupo sa tabi o harap ko.

Mag-isa lamang ako sa malapad na mesa kaya paminsan ay gustong puntahan ng grupong estudyante, iiwas lang nang makitang andoon ako naka-upo at di pwedeng istorbohin. Tinali ko ang buhok ko ng half-ponytail. Nakabalandra ang kulay asul kong buhok sa ibaba. Kalahati ng buhok ko ay itim at ang nasa baba ay kulay asul.

The school wasn’t strict for dress coding, hair colors or anything you want to wear inside. You’re only obliged to enter your classes with a no-absent record, you’ll positively pass the school year. Mababait din ang mga professors, yun nga lang madalang silang pumasok at hindi mahilig mag-spoon feeding. Kailangan lang talaga ang kasipagan ng estudyante.

There’s so much things going on my mind that my head is about to burst. Uminom na ako ng gamot kanina, maliban sa kawalang sigla, ay napupuyat na ako. Hindi makatulog kahit naman walang kwenta yung iniisip.

“I like your hair.” nilingon ko ang taong iyon na bigla na lang umupo sa harapan ko.

Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro kahit ang totoo ay walang pumapasok sa kokote ko. My eyes are sleepy and my head are booming with pain. Ang totoo?

“Bago ka ba dito? Perhaps, first year?” tanong nanaman ng lalaking iyon.

“Bakit?”

“Anong bakit?” ngumisi siya at tinaasan ako ng isang kilay.
“Salitang patanong.” sagot ko sa kanya.

Pigil akong tumawa. Umaliwalas naman ang kanyang mukha at kinagat ang ibabang labi.

“Anong ibig mong sabihing sa bakit?” ngumuso ako.

“Bakit ka nagtatanong sa akin kung hindi naman kailangan magtanong?”

Nakita kong naguluhan siya sa tanong na iyon, gusto ko nang tumawa ngunit kailangan dapat ay wala akong naipapakitang emosyon sa kanya. Unang-una hindi ko sya kilala. Pwede naman umupo sa upuan na nasa harapan ko kahit hindi na makipag-usap sa akin. I may be alone, but I’m not hungry for companion. That’s the least thing I need right now.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now