Chapter Six

118 8 0
                                    

Bigla naman pinalo ni Bonita ang aking kamay na nakalatag sa mesa kaya masamang tingin ang iginawad ko sa kanya. Ngumuso sya na parang may itinuturo kaya nilingon ko iyon, ganun din si Arlet.

“Kanina pa yan nakatingin sayo.”

It was Joji glaring at me. He was in the table behind me. Eating alone instead beside me. I chuckled and shook my head. He looked ridiculous. Nasa harap namin ni Arlet si Bon kaya makikita niya talaga si Joji sa likod.

Sabay kaming pumunta ni Joji sa capmus ngunit iniwan ko siya sa cafeteria. Wala siyang klase sa umaga kapag miyerkules at huwebes ng araw. Iyon din ang araw ng shift niya sa waffle stall na paborito ko.

It turns out this guy applied to be an employee here when he knew that waffle was my favorite and he’s been spying on me for two years, using this disguise. What a moron. Pwede naman sana magpakilala pero may lahi ding torpe.

Naiinis pa ako sa kanya, akala niya naman matutunaw ako sa ganyang tingin na yan? Kahit ang gwapo niya sa kilay niyang kulang na lang mag-iisa na. Tapos yung panga niyang umiigting. Marupok ako pero hindi ako magpapatinag. I rolled my eyes on him before turning my back on him. Kinain ko na lang ang fried rice na binili.

Napansin naman ng mga kasama ko na wala akong pakialam kaya hindi na nila inusisa. Ngunit, dabil alam kong gwapo si Joji at halata naman ang pagiging agaw pansin niya sa cafeteria, kalahati ng babae dito ay sinusulyapan sya.

“Ang lakas talaga ng dating kapag baseball player.” komento ni Bon.

Ang kanyang labi ay kagat-kagat pa ang dulo ng kutsara habang nakatingin kay Joji. Nilingon ko ulit ang boyfriend kong nakasalamin na ngayon, nagbabasa ng libro. Kunot noo pa rin.

“Gusto mo, Bonita?” I smirked. Unti-unti namang tumango si Bon. Hay nako.

“Matalino din iyan, engineering pa ang kurso. Every girls dream of having an engineering student or engineer boyfriend.” I rolled my eyes.

Bigla kong naalala yung crush noong High school kami. Inayos ko ang kanin na nasa pinggan ko. Mabuti pang tumahimik na lang ako. I bit my lower lip. Halatang I can't settle about this topic. I mean, geez, this is uncomfortable.

I'm not hiding our status, but I'm not going to announce it to the people too. Paki ba nila? We should stay lowkey and peacefully.

“Not me.” I said. Kinagat ang kutsarang may kanin.

“That’s because you’re an engineering student.” Bonita, emphasizing the sound of ‘duh’.

“Pero may fiancee daw iyan.” singit ni Arlet.

“Pano mo naman nalaman?” tanong ni Bon.

Ngayon ay nakakunot naman si Bon, hindi katulad kanina na halatang pinagpapantasyahan niya si Joji. Tapos malalaman niya bigla na meron na pa lang nakalaan dyan sa crush niya. Arlet shrugged.

“He’s a fucking Daniel. Uso iyon sa kanila. I heard that their fiancee will be revealed after they turned twenty-five.” binalingan ko si Arlet na ngumunguya lamang.

Uminom ako ng tubig sa tumbler ko.

“How would you know that?” hinintay namin syang matapos sa paglunok para makapagsalita.

“It happens to every Daniel descents that I knew. His brother also married young, it was before twenty-five, I guess? But I have no idea who’s the girl. Privacy daw nung babae.” tumango kami ni Bon.

“Sobrang linis nga ng record noong babae, hindi mo talaga malalaman kung sino.” ngumiwi ako.

Arlet’s family owns a private agency. Hindi ko nga lang alam kung anong agency iyon. But, all I know is that she knew every private information about a person. Kapag nagbabahagi siya ng impormasyon katulad nito ay lagi kaming nakikinig ng maigi ni Bon. One-hundred percent legit.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now