Chapter Thirty

122 7 0
                                    

"Its going to be alright."

I looked at Dennise, she gave me a reassuring smile, so I smiled back. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay. Dinala ko iyon sa akin labi at hinalikan. Naglalakad lamang kami papunta sa bahay. Shortcut na ang rancho kaya mabilis lang ito.

Kinakabahan ako. Hindi ko na maipaliwanag ang ibang nararamdaman. Kung iisipin ko noong mga unang araw na hindi ako nakapag-isip ng maayos, puro paghihiganti lamang ang nasa isip ko. Hindi pagtanggap sa pasensyang hihingiin nila kung maari man, madaming baka sakali akong naiisip sa ilang taon.

Nauwi pa rin sa papapatawad ko sa kanila. Sabi ni kuya, magulang namin sila ang rason ko lamang kung bakit ko sila patatawarin, ngunit, iyon din ang unang bakit sa dami kong tanong, katulad ng magulang ko, pero, bakit ginawa nila sa akin ito?

"The truth is, I'm the one who called them for our wedding." Dahan-dahan niyang sabi.

Mabilis na nagbago ang aking ekspresyon at napilitan iyon ng malamig na titig sa kanya. But, the apologetic smile she gave me, made me soft that fast! I sighed.

"Bakit? You wanna fight?" pabiro kong sabi. Pinalo niya lamang ako sa braso.

"No, silly. They are your family!" napatigil naman siya sa paglakad ng makita ang pagtitig ko.

"Why are you giving me that look, huh?" tanong niya ulit.

"And, so, if they are my family?" I rolled my eyes at the last word I mention. She chuckled. Family can still betray you.

"Ibig kong sabihin, dapat ka nang makipagbati sa kanila. Were not going to have a forever, so, holding a grudge is wrong and you won't hold it for a lifetime, so I want you to talk to them! What? Do you plan to hold it till you die?" umiling ako.

"You're the only family I have right now. So, I won't promise to you that the talk will come out okay. Geez, they're Daniels! Theyre dramatic!" she just looked at me flatly.

"Yeah, its in your blood."

Tinignan niya pa ako mula baba hanggang pataas. Kinati ko ang kanang kilay ko. Nakita kong nagiging bigo na sya sa pag kakausap sa akin.

Naiintindihan ko naman ang gusto niya. Kinakabahan lang talaga ako ngayon. Tapos, parang pakiramdam ko talaga ay hindi ko mapipigilan ang pagwawala mamaya. Sobra-sobra ang galit na inipon ko. Kung bigla ko itong pakawalan ay baka pati sa kanya ay maibuntong ko iyon at iniiwasan kong mangyari.

"Joji, I just want you to be genuinely happy, and that includes solving your problem to your family. Kahit hindi mo sabihin, alam ko naman gusto mo silang makita." Masinsinan niya akong tinignan. Ngumuso ako.

"But, I am happy." Agad siya napahawak sa kanyang noo. Natawa na lang din ako sa kanya. Niyakap ko siya.

"Okay. I'm going to talk with my parents." tumango siya, nawala na ang kunot niyang noo.

"Pero, Hindi ko nga maipapangako na hindi ko sila aawayin." Pagbabawi ko kaya pumiglas siya sa yakap na ikinatawa ko.

"Hear them first, please." She pleaded. Tumango ako.

"When I talk to them, I want you beside me. Please." tumango sya kaya guminhawa naman ako doon.

"Kuya Milan, too." Siningit niya iyon. Natawa ako. Hinalikan ko ang kanyang noo.

"I love you so much." Ngumisi siya bago tumingkayad para pinatakan ako ng halik sa labi. Tss.

Dahil sa ginawa niya ay bumilis ang pagtibok ng puso ko. Bwiset. Ang lahat ng init na nasa aking dibdib ay napunta sa aking batok at tenga. Hindi ko maiwasan ang reaksyon na yun dahil natural naman na kinikilig ang mga lalaki.

Yellow Ribbon Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora