Chapter Two

209 6 0
                                    


Ang simoy ng hangin sa field ng campus ay nanunuot sa aking balat kaya nawawala ang pagkabagot at pagod ko sa mga nakaraang pagsusulit namin. Inisip ko ang mga nangyari sa ilang araw na nagdaan sa akin. Kung hindi ako malungkot, ay saktong masaya naman. Paminsan ay nababagot kapag kausap ang mga kaibigan o kaklase, paminsan namn ay ako na lang mag-isa katulad sa oras na ito.

Nagbunot ako ng isang kamay ng damo dahil sa wala na akong magawa dito sa kinauupuan ko sa field. Nasa baba ako ng puno kahit mainit ay natatabunan ako ng mga tangkay nito. Nandito ako mag-isa sa field at exempted sa mga exams ngayong araw. Halos lahat ng mga estudyante nag-aaral. Ako naman dito ay bagot na bagot sa kakahintay ng oras na matapos na.

Hindi ko na ulit nakita pa si Joji. Imposible naman kasi sa laki ng eskwelahan. Tumatambay na rin ako sa library pero hindi ko pa rin siya nakita roon. Kaya hindi na akong umasa pa doon at nilibot na ang campus na ito buong araw.

May naglalarong soccer team sa harap ko. Hindi naman ako nang-iistorbo dito kaya hindi na rin nila ako sinita pa. Saan-saan na napunta ang mga iniisip ko. Sa library, sa cafeteria o kaya’y sa classroom. Wala akong kaklase or kilalang kasama sa sports na soccer. Halos lahat nasa basketball. Puspusan din yung pag-eensayo dahil intramurals na next week. Another free week for me. Yep. Boring. Kung hindi lang dahil sa mga food stalls ay hindi na talaga ako pupunta, lalo’t kailangan pa ng attendance ng mga students kung nagparticipate ba talaga o wala.

Nagkakaroon lamang ako ng interes sa sports dahil sa mga anime na napapanood ko. Manood kaya ako ng volleyball next week? Sa soccer naman, naalala ko si Aoyama, kung sa volleyball ay sina Hinata at Kageyama, tapos sa basketball ay si Sakuragi o si Kuroko. Wala bang swordsmanship dito baka makita ko sina Inosuke, Zenitsu at Tanjiro. Humikab ako, inaantok sa pinaghalong init ng araw at sa simoy ng hangin sa balat ko.

“Hoy, anong ginagawa mo diyan?” lumingon ako sa likod.

What the? Anong ginagawa niya dito?

“Ano? Halatang ayaw mo akong makita,?” nakangisi na siya ngayon. I gulped.

“W-wala akong exam ngayon.” napansin kong may hawak siyang folder at unusually, naka-scrub suit pa sya.

“Galing kang duty?” I asked. Tumayo na ako at nilapitan sya na nasa silong ng pathway.

“Hindi. Papunta pa lang duty. Akala ko may exam kayo nina Arlet?”

“Exempted ako kaya pinalabas na ng teacher.”

Tumango lamang siya. Unusually, she’s not in the mood. Nakatingin lamang siya sa mga players na naglalaro sa field.

“Pupunta pa akong faculty para I-submitt to sa consultant namin. Umuwi ka na kung wala kang klase. Nagmumukha kang pulubi dyan.” napanganga ako, natuwa naman sya sa reaksyon ko.

“Tss. Dinalaw ka ngayon noh?” kumunot ang noo niya sa pangungulit ko.

“Wala. Nayayamot ako sa itsura mo. Mauna na ako.” sumimangot ako.

“Sama ako ate Jan!” nataranta akong habulin sya nang nauna na.

Mabilis talaga maglakad ang isang iyan. Dahil na rin siguro sa trabaho niya kaya sanay na sanay na parang may hinahabol na oras.

“Wag ako guluhin mo dito, tiyanak. Mabuti pang tumambay ka doon sa baseball field. Madaming gwapo.”

Nagulat ako doon. Alumna ng school si Ate Jan. Nakilala ko siya sa club activities namin. Required sumama ang mga estudyante kahit sa isa o dalawang club lang. Pagsapit ng alas tres hanggang alas singko ay itinutuon yun sa mga club activities. Educational naman ang lahat ng clubs dito. Nagkataon na senior si ate Jan nang sumama ako sa club namin at senior high pa lang kami nina Arlet. Nagkaroon ako ng interes sa literatura kaya iyon ang sinamahan ko, pagkatapos ay sumama lang din sina at Arlet at Bonita.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now