Chapter Three

176 7 0
                                    

Sabay nga kaming umuwi. Natapos na sila nang gumagabi na. I shivered at the sound of darkness. Hindi naman ako nabagot sa panonood dahil kapag break nila ay ako ang pinupuntahan nina Joji at Christopher, kaya sumusunod na lamang ang mga kasama nila sapag-akyat sa bleachers pagkatapos ay nagpakilala na rin isa-isa sa akin. Kahit na ang coach nila ay nakisama sa tuwaan.

“Sigurado kang sasama ka kay Joji?” tumango ako kay Chris.

Kausap pa ni Joji yung coach nila at ang pitcher na si Price. Ang dalawang iyan ay nagsasalitan sa pagiging pitcher at catcher ng team. Ngunit hindi si Price ang captain kundi ang center fielder nilang si Image. Nakauwi na ito, at ang iba pang players. Sinamahan lamang ako ni Chris dito na hintayin si Joji mag-ensayo. Pasaway raw ang dalawa na laging pinupuna ng Coach. Kaya laging may extra hours yung practice nila.

“Oo. Parehas lang yung jeepney na sinasakyan namin.” nakatingin ako kina Joji at Price na tumatawa pa kahit na kausap yung coach.

“Matagal na kayong magkakilala? Hindi naman kita nakikita sa mga circle of friends niya.”

“Noong nakaraan lang kami nagkakilala. Tapos hindi na ulit nagkita pa. Abala ako sa exams ko. Hindi ko lang alam sa kanya.”

Inaalala ko na rin kung ilang araw na an lumipas noong sinamahan ako ni Joji bumili ng ice cream. Baka sya abala sa pag-ensayo niya? O baka may pagsusulit rin sya?

“Ano ba ang kurso mo?” ngumisi ako kay Chris.

“Engineering.” nagtaas naman siya ng kamay na parang nagsusurrender na sya.

“Saludo!” umupo siya ng maayos. Tumawa ako.

“Imposibleng hindi kayo magkita, eh, engineering din kurso ni Joji!” kumunot ang noo ko, ayaw ko na siya kausap. Masama man ay ayaw kong pag-usapan si Joji.

"Ha? Anong year naman?” nagtataka kong tanong. Iisang building lang kami tapos di nagkikita?

“Third year na sa mechanical engineering. Sabagay, hindi kayo magkikita kapag nasa junior year na ng college. Tapos working student din.” ngumuso ako.

“HIndi ka pa ba uuwi?” tanong ko sa kanya. Natawa siya sa akin.

“OO na, uuwi na.” umiling muna sya, at nagpaalam sa akin pati kina Joji.

Naiwan nanaman akong mag-isa dito sa bleachers. Nag-aagaw na ang araw at gabi sa kulay ng langit. Napansin kong sa akin nakatingin si Joij kaya tipid akong ngumiti sa kanya. Dala-dala niya na ang kanyang duffel bag sa balikat, kaunting usap kina Price at sa coach ay agad niya na iniwan ang mga ito.

Bumaba na ako sa bleachers kaya hinintay niya na ako doon.

“Maliligo muna ako sa gym. Pasensya na, natagalan kami.”

“Okay lang.”

Naglakad na kaming dalawa papunta sa gym ng basketball. Galing dito ay nakikita ko pang bukas pa ang ilaw nito at naririnig pa ang takbuhan ng ibang basketball players. Agad-agad siyang pumasok kaya wala rin akong nagawa kundi sumunod at hintayin sya sa labas ng shower place ng mga athletes.

Hindi rin naman siya nagtagal. Naka-uniporme na sya nang school. Fresh from bath ang gorilla natin!

Suplado siyang tumingin sa akin bago ako tinalikuran at nauna nang maglakad palabas ng gym. Ang totoo? Para akong ginagago ng isang to eh. Sa inis ko ay inunahan ko siyang maglakad. Talo ako kay ate Jan pero kaya ko naman maglakad ng mabilis kaysa sayo!

“Huy Takure!” boses niya iyon, anong takure?

Hindi ko siya nilingon tapos ay diretso akong naglakad. Malayo pa naman ang exit ng campus dito. Masyadong malawak ang campus lalo na’t dito pa sa parte kung saan ang mga sports clubs. Malayo ang lalakarin ko. Tumigil ako sa paglalakad. Nakitang madilim na ang paligid, hindi natanggal ang pangamba sa dib-dib ko.

Yellow Ribbon Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu