Chapter Twenty-three

83 7 0
                                    

Nanatili ang aking tingin sa kapeng hawak. Ang dalawa kong kasama ay hanggang ngayon, manghang-mangha pa sa nakitang babaeng pumasok kanina. Alam kong maganda talaga yung mapapangasawa ko. I smirked inwardly.

Her colored hair was gone. It was a long wavy black hair, skin was still pale white but much more brighter, because of her pinkish face and lips. Malaki pa rin pisngi, at makapal na kilay. Wala nga lang ngiti. Inosenteng reaksyon lamang ang ipapakita niya sayo kahit na kausap ka pa niya.

Nasa loob na sya ngayon ng kanyang office. Tuwang-tuwa pa rin si Kiko dahil nakita niya na ang pinag-uusapang may-ari ng flower shop. Tumayo ako. Napatigil ang dalawa kong kasama sa kanilang tawanan at tumingala sa akin.

“Uuwi na tayo?” si Kiko. Inayos na rin ni Leo ang kanyang sarili at tumayo.

“Oo. Mag-aayos pa tayo ng makina sa farm.” agad naman nakuha ni Kiko iyon.

“Oo nga pala. Nakalimutan ko.”

Tumayo na siya kaya agad kaming tatlo naglakad papalabas ng shop. Dala-dala pa ni Leo ang bulaklak na binili. Bumuntong-hinga ako ng makalabas kami sa pintuan. Mabuting hindi niya ako nakita. Hindi pa sya handa. Hindi rin ako handa. May takot pa akong nararamdaman. Ayokong maulit ang nangyari noon na habol ako ng habol sa kanya kaya siya nabigyan ng ultimatum. Ayokong ulitin iyon.

Kung gusto niya na, eh di papayag naman ko. Pero kung iba naman ang hahabulin iya, sana naman tanggapin rin siya. Kahit naman nasa malayo ako ay iniingatan ko ang babaeng iyon. Kung ano ang gusto niya ay pumapayag ako. That’s the only thing I know how to make her free while I’m loving her. Even in shadows.

“Joji, uy.” nilingon ko si Leo. Kinuhit niya pa ako para mapunta sa tamang wisyo.

“Bakit?” ngumuso siya na parang may itinuturo kaya napabaling ang aking mata sa kung saan siya nakaturo.

Nagulat ako ngunit hindi ko iyon pinahalata. Kumunot ang noo ko at tinitigan si Hope na nasa hamba ng kanyang pintuan. Naghihintay. Ang kanyang tingin sa akin ay nagpapahiwatig ng pagsusumamo at kagalakan. Ngunit, may bahid ng sakit iyon. Kinuyom ko ang aking kamao para mapigilan ang pagsugod sa kanya para sa isang yakap.

Nilingon ko ulit ang dalawang kasama ko na puno ng pagtataka.

“Bakit, Leo?” inulit kong tanong sa kanya.

“Tinawag ka ni Miss.” si Kiko ang sumagot.

Bumuntong-hininga ako. Walang emosyon kong binalingan si Hope.

“Bakit, Dennise?”

Naramdaman ko ang titig ng dalawa kong kasama. Hindi ko na kailangan magpaliwanag sa kanila. Hindi rin naman nagtatanong ang mga ito kung sa personal na buhay ko.

Napakurap kurap si Hope. Nawala lahat ng emosyon niya. Kung kanina ang kanyang kaliwang kamay ay nasa dibdib, ngayon ay humalukipkip siya.

“Ang sabi ni kuya Milan ay pumunta ka ng hospital ngayon. Hindi pa raw tapos ang pagbubuntis ni ate. Kung hindi mo alam, isinugod siya kaninang madaling araw kayanagmamadali si Kuya umalis ng mansyon mo. Kung makakasalubong daw kita ay dalhin mo daw ang gamit ng mga bata na nasa kwarto niya. Yun lang.”

Pagkatapos niyang diretsong sinabi iyon ay agad na siyang umalis sa hamba at sinirado ang pintuan. Dinilaan ko ang ibabang labi ko. Kunot ang noo ay diretso na lamang ako sa kotse, hindi naman nagsalita ang dalawang kasama ko. Tahimik lang sila buong byahe.

Agad kong tinapos ang pag-aayos sa makina. Natuwa naman agad si Manong Esteban nang gumana ang makina at ipinagpatuloy na nila ang kanilang trabaho. Agad akong nagpaalam sa kanila na uuwi at may aasikasuhin pa ako sa bahay.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now