Chapter Twenty-nine

106 8 0
                                    

Nagpatuloy kaming nagkwentuhan sa sala pagkatapos ng almusal. We were all noisy watching Avengers: End Game. Ate Jan wanted to watch it here with them, since she wasn’t able to watch it at premiere night. Kuya attended a sudden emergency meeting and her parents was the one taking care of their children. Ngayon lang din siya nakapag-relax dahil abala sa mga anak.

Napanood na namin lahat maliban sa kanya. They cooperated even though they really want to play baseball outside. Sinilip ko ang labas sa bintana at sikat na sikat ang araw. Alas diyes pa lang ng umaga kaya hindi rin magandang magbilad sa araw ng ganitong oras. Mas mabuting nalibang nga kami dito sa panonood.

“No!” sigaw ni Ate Jan sa harap ng malaking flat screen.

Tahimik kaming lahat at sya lamang ang ganoon ang reaksyon. Nakita ko naman si Hugo na gumilid at kinusot-kusot pa ang kanyang mata sa hindi ko alam na kadahilanan.

“Umiiyak ka ba?” bulong sa kanya ni Allison na rinig ko lang dahil magkatabi kami.

“Huhu pre, hindi ko tanggap pagkawala ni Agent Romanoff.” bulong din ni Hugo.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hayaan na lang si Hugo dyan. Allison tapped his back for comfort. Hugo is such a spoiled brat.

Nilalaro ko ang buhok ni Dennise at tinitirintas iyon. Nakaupo ako sa likod niya at nasa gitna sya ng mga paa ko, nakahilig sa aking dibdib.

“Wala na ba talaga sya?” naiiyak na sabi ni ate Jan. Binalingan niya kaming lahat na nanonood. Walang nagsalita.

Lahat kami ay umiwas na lamang ng tingin sa kanya. Si Isaac ay titig na titig sa TV. Binalik na lamang ni ate ang atensyon sa TV ulit.

Naririnig ko naman ang ingay ng pagnguya ng popcorn sa kung saan. Dahil sa intensidad ng pinapanood hindi na kinakain ng iba ang kanilang popcorn kaya parang ang lakas ng loob. Nilingon ko kung sino iyon, sobrang lakas ng tunog ng popcorn kapag kinakagat nito.

Si Price iyon na paiba-iba ang ekspresyon sa pinapanood. Mabilis ang kanyang kamay sa pag subo ng popcorn sa bibig. Stress ba ito o ano? Nang mapansin niyang nakatingin ako ay tinaasan niya ako ng kilay at inirapan.

Napailing na lamang ako. Tinapos ko ang pagtirintas sa buhok ni Dennise. Humilig siya lalo sa aking dibdib. Nasa parte na sila kung saan magtutuos ang mga avengers at si Thanos.

Tinitignan ko na lamang ang reaksyon ng lahat. Si Price na tumigil na sa pagnguya ng popcorn. Si Image na tinatabunan ang ibabang parte ng mukha. Si Deter na nakapikit at nakahiga sa sahig, ang mga kamay ay ginamit niyang unan, walang interes sa pinapanood. Si Isaac na tutok na tutok sa panonood, napansin ko ding magkatabi na sila ni ate Jan sa harap. Si Allison ay panay alu kay Hugo na humihikbi. Ngumiwi lamang ako sa dalawa.

Napailing na lamang ako. Hinawakan ko si Dennise sa baywang at niyakap na lamang. This is heaven.

Pumikit ako ng mariin at inamoy ang mahalimuyak niyang bango at dinama siya sa bisig ko. This feels good.

“Uwah!”

Naalimpungatan ako at nilingon kung sino iyon. I looked at ate Jan crying continuously. Dinalo namin sya agad. Nataranta naman ako doon dahil masama sa kanya ang pag-iyak ng sobra dahil nahahantong iyon sa hika.

“Price, call my brother.” tawag sa kaibigan kong namumula din ang mata. Nagtataka man ay hindi na ako nakapagtanong dahil sa iyak ni ate.

Hindi na matigil-tigil ang kanyang iyak. I saw my baby walking from the kitchen’s door with a glass of water in her hand. Hugo was also crying and Allison was just tapping his shoulders to calm down. What the fuck?

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now