Chapter Fifteen

98 7 0
                                    


Naubos na lang ang mga bisita dito at kami na lamang ang naiwan. Masama lamang ang titig ng matanda kay ate Jan, habang ito naman ay nakatingin lamang sa sariling relo. Joji was behind his grandfather, we both looked at each other.

His emotions were visible. Hindi tulad noong huli naming pagkikita, ang lungkot na ng kanyang mga matang pumupungay. He didn’t even shave his beard that is already growing. Mabilis kasi itong humaba kaya pagkatapos ng dalawang araw ay kinailangan niyang magshave. His hair is disheveled. He only wears a plain black shirt and pants. Clearly, he rushed going in the meeting to stop his grandfather’s plans.

“What else do you want, Sahana? Tinapos mo na ang meeting di ba?”

“We’ll wait for my father to arrive.” mataman siyang tinitigan ni ate Jan, bago ako binalingan.

“You will just listen here while the adults talk. You’re going to meet my parents now and behave yourself. Wag ka rin magpatinag kay Zu Fu.”

Parang wala dito sa harapan namin yung matanda. Nilingon ko iyon, masama rin ang tingin sa akin. I gulped. Nakita iyon ni ate Jan kaya nilingon nanaman niya ang matanda.

“Ate, isn’t this too much? Giving me the company when you’re the right heir?” bulong ko kay ate Jan, ako nanaman ngayon ang binalingan niya.

“Correction, you’re the rightful heir of it. Hindi na ako.” 

“Kailan pa ito, ate?”

“Kahapon lang ata.” mukhang hindi pa siya sigurado, kumunot lamang ang noo niya.

“Hindi nga?” singit ni ate Rheena.

“Hindi ko na maalala, basta, nitong linggo ko lang din nakita.”

“We’re dead.” komento ni ate Athena.

Biglang bumukas ang double doors kaya napatuwid kami ng upo sa upuan, hindi man lang pinapansin ang dalawang tao sa harapan. Dumating ang mga lalaking nakasuot pa ng amerikano. Ang nasa unahang lalaki ay kakaiba ang awra kaya nasa kanya ngayon ang aking atensyon. Nang dumaan ang kanyang tingin kay ate Jan ay biglang umaaliwalas iyon, ibang-iba sa binibigay niyang ekspresyon kanina.

“Papa Murphy.” tumayo bigla si ate Jan, lumapit sa lalake na may katandaan na, pagkatapos ay niyakap niya ito.

“Mija, what’s the problem here?” hinagod nito ang likod ni ate Jan. Ate Jan looks like a tamed lion compared earlier.

Nagkatinginan kaming tatlo dito kung sigurado ba kaming parehas ang nakikita namin ngayon o namamalikmata lamang kami.

“Zu Fu doesn’t believe me that the Castellana belongs to Dennise now.”

Nilingon ako nito, kung ano ang tingin niya kay ate Jan ay ganoon rin ang tingin nito sa akin. Maamo at malambot. Napakurap lamang ako doon, puno ng pagtataka. I remember my mother watching me with the same emotions he’s showing. Parang may mga kahulugan iyon na dapat hindi na kailangang ibunyag.

Tumikhim ang matandang kasama ni Joji kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

“This doesn’t make sense, Alvaro. Bakit niyo ibibigay ang Castellana sa kanya?!” galit na tanong ng matanda, agad siyang sinuway ni Joji.

“She deserves the Castellana, Uncle. Bakit niyo ho ba kinukwestyon iyon?”

“Dahil hindi ko matanggap iyon!” sigaw nito, pakiramdam ko ay aatakihin na siya kaya ngumingiwi na ako dito.

“Hindi naman po valid yung opinyon niyo dito!” inis na sabi ni ate Jan, this time, siya naman ang pinipigilan ng kanyang ama. Kaming tatlo dito ay napatayo na sa kinauupuan.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now