End

205 7 0
                                    

As a child, I thought my life will all just be rainbows and butterflies. I blame it for the fairytales I've red. But, not all fairytale has a good ending. Yeah, I get that a lot. I mean, everybody says it, that's how their life made them bitter that they want to sabotage fairytales too. Little do they know that real fairytales are dark and brutal? Im just relief that Im in a real world, not in a fairytale.

Who wouldn't want to be in a fairytale?

I raise my hand for that question. Thank you for asking, self.

My life wasn't that good, and it was also not that bad. I have my fair shares of light and dark. But, at the end of the day, I always want to watch the sun sets, where the dark evening and the light of the afternoon exchange.

Mariin kong inayos ang halaman sa gilid ng palayan. Ang aking kamay na nakatago sa gloves ay hindi ko magamit para ipahid ang namumuong pawis sa aking noo. Magtatanghalian na ngunit hindi pa ako nangangalahati sa ipinapagawa sa akin ni Lolo Isko, parusa sa ginawa namin noong isang linggo.

"Poor unfortunate soul." Si ate Gladys na bumisita at kahapon lang dumating.

"Pwede ba ate Glads, kumain ka na lang ng agahan mo. Pinipeste mo pa ako dito." Inis kong sabi sa kanya.

Kumuha ako ng paso ulit at nilagyan ng putik iyon bago ang fertilizer. Nasa isang daan na ang pasong nalagyan ko ng buto ng halaman. Hindi ko alam kung buto ng ano ito. Ang sabi ni Lolo Isko ay gulay daw iyon. Tss.

"Kaya nga ako andito para pestehin ka." Umupo sya sa isang upuan na andoon.

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa ginagawa ako. Hinanap ko si Joji, hindi ko siya makita kaya tinignan ko na lang ang pasong hawak. Ang alam ko ay iba ang parusa niya kaysa sa akin.

"Nasa pabrika yung asawa mo. May nasira daw na makina kaya kailangan sya doon." Narinig ko ang boses ni ate Tine.

Ngumiwi ako dahil dalawa na silang andito. Hindi sila nanunuluyan sa mansion ni Joji kundi sa mga Lobregat kasama si ate Jan. Naisipan niya nang lumipat dahil masyado nang madaming tao, lalo nat andoon pa ang mga kaibigan ni Joji. Hindi ko din alam bat sila andito at sunod-sunod nang dumating. Sa susunod pang buwan ang kasal namin.

I sighed. This place was more peaceful before ate Jan gave birth to the twins. Pero, masaya naman, magulo nga lang. That's always the weird thing about happenings; life wont be complete without the two opposite words' collision. Mababaliw ka.

"Were here for the twins. Christening nila, remember?" I rolled my eyes.

"We are also here to check on you. Hindi kami makapaniwala sa sobrang marupok mo!" oa ang pagkasabi ni ate Glads.

"Para naman hindi kayo naging marupok sa asawa niyo." Simple kong sabi.

Hindi ako nakatingin sa kanilang dalawa na nasa likod ko. Kumuha ako ng balde at itinapat iyon sa poso, tapos ay sinumulan ko ang pag-akyat-baba ng lever nito.

"It's refreshing seeing you do the old house chores." Umirap ako.

"Could you please stop commenting on everything I do? Napaghahalataang judgemental." Inis kong sabi.

"How dare you? Kararating ko lang!" si ate Rheena iyon. Oh my God! Why are they appearing one by one?!

Tss. Tinawanan lang nila akong tatlo bago ako nagsimula ulit.

I'm thinking on how to make them go away here. They are disturbing me at my chores! Papagalitan nanaman ako ni Lolo nito. Ang iingay pa nila. Hindi naman sila pwedeng tumulong dahil binantaan ako ni Lolo na dadamihan niya pa iyon kapag nanghingi ako ng tulong at para raw ako matuto. Eh, sobrang natuwa lang naman ako sa araw na iyon. Lalo pat si Hakob ang kasama ko, tapos ang gwapo-gwapo niya pa sa paningin ko.

Yellow Ribbon Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ