Chapter Twenty-four

91 6 0
                                    

“Oh, akala ko ba gagabihin ka?” Bungad sa akin ni ate Linda.

Umiling ako sa kanya at sinirado na ang pintuan ng sasakyan. Lagi niya akong inaabangan sa pintuan ng mansyon para asikasuhin. Ayaw niyang nagdadrive ako ng lasing kaya lagi niya akong binabantayan. Alam nilang walang nag-aalaga sa akin dito at mag-isa ako, kaya ganito sila ka-over protective sa akin at lalo pang amo nila ako.

“Paluto na lang ako ate ng panghapunan para sa hospital na kami kakain ni kuya.” mahina kong sagot.

Nahalata niya naman parang pagod ako kaya mas lalo niyang niliitan ang mata sa pagsuri sa akin.

“May problema ba, Noy? Okay naman ang panganganak ni Maam, di ba?” Tumango ako. Kaya parang lumuwag ang paghinga niya.

Nagtext si Kuya na success naman ang delivery ni ate. Kaya kahit ang daming bumabagabag sa akin, iyon lamang ang nakapagpahinga sa aking utak. Ngunit ang hindi inaasahan ay dalawa ang lumabas imbes isa kaya muntik nang mahimatay si Kuya sa harap ng delivery room.

“Eh, ikaw ba ay ayos lang? Mukhang ikaw ang napagod, ikaw ba ang nagbuntis?” mahina akong tumawa. Si ate Linda talaga.

“Opo. Magpapahinga lang saglit, tawagin niyo na lang po ako kapag nakahanda na ang mga pagkain at tutulak na ako kaagad.”

Agad akong humiga sa kama ng makarating sa kwarto. Nanghina ako bigla. Kailangan ko umalis dahil kung makita niyang mahina ako ay hindi ko alam kung saan siya kakapit ng lakas. I can’t be weak for her. Saka na namin itutuloy ang pag-uusap kung maayos na ang aming sitwasyon, hindi katulad kanina na biglaan.

Halatang mainit pa ang aming mga ulo sa isa’t-isa. Hindi ko inaasahan iyon. Lahat ng lumabas sa bibig ay kalahating katotohanan, at kalahating hindi ko na alam kung galing saan. She doesn’t deserve the treatment.

Tumatak sa isipan ko ang pag-ayaw niya sa akin dahil iniwan ko siya. Tumawa ako. Hindi ko naman ginustong iwan siya. Eh, iyon ang gusto niya. Ang gulo talaga ng mga babae.

Naligo na lamang ako ulit. Saktong pagkatapos magbihis ay kinatok na ako ni ate Linda sa kwarto para sabihing tapos na ang paghanda sa mga pagkain. Agad akong bumaba papuntang kusina at nakita ang mga kasambahay na nagtitipon doon para magchismis o manood man ng teleserye sa tv na pinalagay ko dito pang-aliw nila.

“Mag-ingat ka, Noy. Pati mamaya pag-uwi mo ulit. Huwag masyadong mabilis ang pagmaneho.” habilin ng kusinera ng bahay na si Aling Baleng - ang nanay ni Leo.

Nagmano ako sa kanya at sa isa pang matandang babae na taga-linis ng mansyon na si Nanay Ermita. Kamag-anak ito ni Rheeza, laging nandito si Nanay dahil wala naman siyang magawa doon sa bahay nila. Ang mga apo at anak niya naman raw ang umaasikaso sa bahay, kaya pinili niyang magtrabaho dito para kahit paano ay may paglilibangan siya at may bayad naman raw. Nonoy ang halos tawag nila sa akin.

“Noy, uwi maaga, ha.” si Nanay na striktang tumingin sa akin. Ngumiti ako.

“Opo, Nay. Mauuna na po ako!” paalam ko at nagsitanguan naman sila sa akin.

Madali akong nakapunta ng hospital. Dala-dala ang tote bag ni ate Linda na may lamang mga pagkain, may prutas pa nga doon. Tinanong ko sa Nurse station kung anong room nila ate Jan, as usual, isang suite iyon. Pinigilan ko na lamang umirap dahil kahit dito ay binibigyan pa rin siya ng VIP treatment.

Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita kong natutulog si ate Jan sa kanyang kama. Kumpara sa gising na ate Jan, masyadong maamo ang kanyang mukha. Halata ang pagod sa kanyang mukha. Si kuya naman ay walang pakialam sa pagpasok ko at nanonood na lamang sa TV ng palabas, habang ang antipatika ay nanonood sa galaw ko. Bumuntong-hinga ako.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now