Chapter Twenty-eight

82 5 0
                                    


Pagkatapos ng gabi ng aming pagdiwang, sinunod naman nito nang tahimik na umaga. I’m having my peace of mind in the balcony. Nilanghap ko ang hangin at bumuntong hinga. Nakatingin lamang sa tanawin na araw-araw kong dati ay tinatanaw ng mag-isa, ngayon ay iba na ang tingin ko dito.

Kumakaway si Dennise sa akin galing sa bakuran, kalaro si Madrid. Ngumiti ako sa kanya at kumaway. Napailing ako ng bigla natumba si Madrid sa kakatakbo niya sa maputik na daanan. Agad naman siyang nilapitan ni Dennise, bumaba ako para samahan ang dalawa sa labas.

Her parents immediately went upon receiving the news of our engagement from ate Jan. Ginamit nila ang chopper ng mga Lobregat kaya pati si Tito Murphy at Tita Hildy ay andito kasama si Madrid. Napailing na lamang ako dahil pamilya ko na lang ang wala.

“Can we talk?”

Nasa gitna na ako ng daanan ng makita si Kuya Milan na nasa itaas. Kalalabas lang ata ng kwarto nila. Nagtataka man ay bumalik ako sa itaas. Pumunta kami sa balkonahe kung nasaan ako kanina nakatayo. Umupo sya sa balustrade habang ako ay nakatingin kay Hope sa baba na naglalaro kasama si Madrid.

“Iimbatahan mo ba magulang natin?” nilingon ko siya.

“Syempre.” tipid kong sagot. Narining kong bumuntong-hinga siya.

“Its okay if you’re not going to invite them.” umiling ako sa kanya.

“Despite of the treacherous, I still love them. They’re my parents and they mean well.”

“Paano kung sabihin nilang ayaw nila kay Dennise?” I scoffed.

“Wala silang magagawa. Ako naman magpapakasal.” narinig ko ang tawa niya.

“Nahahawa ka na ata sa asawa ko.” tinapik niya ang balikat ko.

Tumawa ako bago umiling-iling.

“Partly, she made me realize that no matter what you do for people, they don’t give a fuck, so, focus on your own life and my life is that girl.” tinuro ko si Dennise.

Nilingon niya ito at natawa na din sa anak niyang nakahiga na sa damuhan na puro putik at si Dennise na ang kalahati ng palda nito ay napuputikan na din. Hindi ko alam kung anong pinanggagawa nilang dalawa. Nasa parte na sila ng pananim ng nga patata. Sobrang likot ni Madrid. Puro putik lamang ang andoon lalo na’t umulan raw ng madaling araw sabi ni Nanay.

“Pupunta yun.” nilingon ko siya.

“Paano ka nakakasigurado? Nevertheless, I will still invite them.” ngumisi siya.

“They’re our parents, idiot.” natawa ako ng bahagya.

“Yeah. You’re right.”

Siya pa nga itong hindi sigurado kanina kung iimbitahan ko nga o hindi.

Hindi ko sinasabing masama ang mga magulang ko. In fact, they were the best parents for me. Alam kong wala silang magagawa kapag si Zu Fu na ang may utos. Its a sign of respect to follow their bidding. For me and for ate Jan, it was only a manipulation to the next generations. The only thing that made me angry for them was to let Zu Fu control my life. Akala ko noon ay kakampihan nila ako pero doon ako nagkamali. 

I was in our household. Jailed in my room for disobeying. Inuwi ako ni Zu Fu sa China. Mula sa bintana ay kitang-kita ko ang maaliwalas malinis na lupain ng pamilya. Ang garden na ay kaharap nito ay lawa. The clear waters of lake didn't gave me any peace.

Nababaliw ako sa kakaisip kung anong pwedeng gawin para tumakas. Zu Fu was furious, I bet he won't let me be free. My parents are nowhere.

Nakarinig ako ng katok galing sa labas. Hindi ko pinansin iyon dahil abala ako sa kakatitig sa lawa mula sa bintana.

Yellow Ribbon Where stories live. Discover now