Chapter 3

11.7K 457 107
                                    


JEREMIAH GARCIA

Kasalukuyan akong naglalakad dito sa field. Tapos na ang unang subject ko kanina at masasabi kong nakakaantok talaga pag first subject. Hay juskodai!

Ako lang mag-isa dahil si Jazmine nasa office nila at may meeting daw. Si Laurena naman deretso ang klase niya hanggang lunch. Kaya solo flight ako ngayon. Malakas ang loob kong maglakad lakad sa field dahil wala naman nag papractice ng soccer ngayon.

Nang makahanap ako ng magandang pwesto agad akong sumalampak sa mabining damo dito sa field. Inunan ko lang 'yung bag ko at feel na feel ang pagkahiga dito. Napapikit pa ko ng maramdaman ang pagsampal ng malamig na hangin sa katawan ko.
Hindi naman mainit ngayon. Sakto lang ang sikat ng araw kaya hindi masakit sa balat.

Nakatingin lang ako sa langit. Napaka sarap talaga titigan ng mga ulap. Yung pakiramdam na nakakarelax at pakiramdam ko'y walang bumabagabag na problema. Paboritong kong titigan ang langit pati narin ang mga bituin. Pakiramdam ko kasi hindi ako nag-iisa. Although, may mga kasama naman talaga ko dito sa field. May mga nakaupo at nakahiga din kagaya ko. Pero iba yung pakiramdam para sakin.

Ang kaninang antok na nararamdaman ko nung first subject ay bumalik ngayon. Isang oras akong bakante kaya wala naman sigurong masama kung pipikit ako sandali.

Pero wala pang sampung minuto akong napapikit ng maramdaman kong may tumutulo sa noo ko. Naulan ba? Agad akong nagmulat.

At sa pagmulat ko. Isang dyosa ang nakita ko. Holy Cow! Nasa langit na nga ata ako. Napaka ganda ng dyosang ito. Siguro sinusundo na niya ko dahil ako ng nawawalang prinsesa ng kaharian ng mga dyosa.

Hala. Ano daw?

Nagising lang ako sa pagmumuni ko ng may tumulo na naman tubig sa mukha ko. This time sa mata ko. F-ck sh-t na malutong! Ang sakit ah! Sino ba tong talipandas na 'to at panira ng momentum ko?

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at hinarap ang siyang may sala sa krimeng ginawa sa'kin. At pakiramdam ko nalaglag ang puso ko sa lupa ng makilala kung sinong nilalang ang nasa harap ko na masamang nakatingin sakin.

Dead.

Takbo na Jeremiah. Run for your life. Cross finger!

"Hindi mo ba alam na lalo kang nagmumukhang stupid kasi nakahiga ka dito sa field?" simula niya

"Hindi ko alam ee." kibit balikat kong sagot.

Anak ng tokwa. Saan mo ba nakukuha 'yung tapang mo Jeremiah? Baka hindi na 'to makatiis at gilitan na ko sa leeg ora mismo. Jusko wag naman po sana.

"You know what, hindi ka talaga nababagay dito. Ano bang mayron ka? Di hamak na cheap at stupidang estudyante ka lang naman."

Naiyukom ko ang palad ko. Kahapon pa 'to sa Mall ah. Nagtitimpi lang ako kahapon at baka maihulog ko siya mula 3rd floor hanggang ground floor. Kapag ako hindi nakapagtimpi dito. Nako! Gagawin kong pataba sa gulay ang mukha niya.

"Oo. Alam ko. At wala kang paki. " matapang na sagot ko

Hindi ko alam kung anong lakas ng loob ang sumanib sakin para sagut-sagutin ang dyosang kaharap ko. No! Hindi siya dyosa. Hays! Oo na dyosa siya. Pero hindi angkop 'yung ugali niya sa itsura niya.

Nagulat na lang ako ng biglang may dumapong palad sa kaliwang pisngi ko.  Putapepe! Ang sakit! Ang hapdi! Ngayon masasabi kong alam ko na ang pakiramdam nung babaeng sinampal niya kahapon sa Mall. Tangina! Nabali ata leeg ko.

Craving You Where stories live. Discover now