Special Chapter I

14K 411 66
                                    

JEREMIAH GARCIA


"What do you think wife? This red cocktail dress or this one?" Kinuha naman niya yung isang dress na nakalapag sa kama namin. "Floral dress?"

Napakunot noo naman. Bakit ba kailangan pa niyang itanong sa'kin yung mga ganitong bagay? Ee lahat naman, bagay sa kanya.

Ang ganda-ganda kaya ng asawa ko.

"Wife!"

Nabalik naman ako sa wisyo ko. At katulad ng lagi kong natatanggap sa kanya, isang matalim na tingin lang ang nakuha ko.

Lunok lunok. Nag-eevolve na ang dragona.

Charr. Sshh lang kayo.

"What are you thinking Jeremiah?" At ngayon na nga, nakataas na ang kilay niya ngayon. Napatampal tuloy ako sa loob loob ko.

Tanga-tanga ka kasi Jeremiah, diba rule number one natin, wag kang matutulala sa harap niya.

Ayan tuloy. Tss.

"Jeremiah Garcia!"

Napapitlag naman ako sa gulat. Jusko. Ikaw kaya sigawan ng asawa ko ngayon. Ay hindi ko lang alam. "Yung floral wife." Mabilis kong sagot

Her brows furrowed and staring at me intently. Syempre ako, ngumiti lang ng alanganin. Hehi. Mahirap na at baka masabon pa ko ng asawa kong 'to.

"Okay" she said. "I'm going to wear this red cocktail." Nakangiting dagdag niya.

At oo, tama kayo ng nabasa. Nakangiti nga siya.

Diba, sabi sa inyo ee. Paiba-iba ng mood ang asawa ko. Pero syempre, hindi mag-iiba ang pagmamahal ko para sa kanya.

Yiiiee. Pokpok.

"Wife"

Ngumiti naman ako sa kanya. Mahirap na ee. Alam niyo naman yan, sala sa init, sala sa lamig. "Yes po wife?"

"Anong mas bagay sa'king lipstick?" Tanong niya.

Inangat naman niya yung dalawang lipstick. Yung isa pink, at yung isa red.

Napaface palm na lang ako sa loob loob ko.

Jusko. Ano bang alam ko sa mga lipstick na yan? Ee parang pare-pareho lang naman lahat ng yan.

"Ahm" bakit ba kasi sa'kin siya nagtatanong? "Yung pink wife."

Napanguso naman siya habang sinisipat yung pink na lipstick na hawak niya. "Okay. Yung red yung gagamitin ko."

Napamaang ako. Wow lang talaga. Nagtanong pa siya. Ibang klase talaga.

Wala naman akong ginawa dito sa loob kundi ang panoorin siya kung paano siya mag-ayos ng sarili.

At syempre,  hindi naman maiiwasan na walang pasabi siyang naghubad sa harapan ko. Napailing na lang tuloy ako sa loob loob ko.

Itong babaeng 'to, inaakit ako.

Nako misis. Wag mo kong subukan. Baka hindi kana makalakad dyan sige ka.

"Jeremiah"

"Hmm?"

"Do I look pretty to you?"

Napangiti naman ako dun. Minsan talaga, nagiging ganito ang asawa ko ng walang dahilan. Simula ng magkapamilya kami, ang dami niyang tinatanong sa'kin na kung anu-ano.

Katulad na lang ngayon. Sobrang ganda kaya niya. Para siyang diyosang bumaba sa lupa para pakasalanan ako.

"Alam mo wife, sobrang ganda mo." Marahan ko namang inabot ang kamay niya at maagap siya hinila papalapit sa'kin. "Wala kang kasing ganda."

Craving You Where stories live. Discover now