Chapter 9

10.7K 483 45
                                    

JEREMIAH GARCIA

Kasalukuyan akong nandito sa rooftop. Nakahiga, nagpapahangin. Dalawang araw na ang lumipas ng matapos ang sportfest. At ngayon naman ginaganap ang exihibit. Napaisip ako, mahigit isang buwan na din pala ang lumipas na maging ganap ako na slave ni lila. At mahigit dalawang araw na ang lumipas mula ng iwasan niya ko. Hindi naman ako nagtataka kung bakit at ano ang dahilan niya. Sa katunayan nga, alam na alam ko ang dahilan.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung anong espirito ang sumanib sa'kin at nagawa ko na naman bagay na 'yun sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon, ninakawan ko na naman siya.

Hindi siya nagpaparamdam sa'kin. Miski magtext sa'kin para papuntahin ako sa kanya at utusan ng kung anu-ano ay di niya ginagawa.

Napabuntong hininga ako. Nakakamiss din ka pala lila.

Sa katunayan nga dapat matuwa na ko. Kasi, ito na 'yung katahimikan na hinihiling ko. Bumalik sa normal ang buhay ko. Walang lila, walang utos dito, utos doon, walang mage-english habang kausap ako at walang tatawag sa'kin ng stupid. Pero kabaligtaran no'n ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi ako masaya.

Pakiramdam ko kulang ako.

Hindi ko alam pero gusto ko kasa-kasama siya. Gusto ko inuutusan niya ko. Gusto ko minumura niya ko. Gusto ko makita siya.

Hay. Siguro nasanay na ko. Nasanay ako sa presensiya niya. Argh. Isang buwan din mahigit 'yun 'no. Malamang naninibago lang ako.

Oo! Tama! Naninibago lang ako.

Maglalakad-lakad na lang ako mamaya sa mga booth na nakatayo sa buong campus.

Napapikit ako. Bakit ba ko pumasok pa? Exihibit lang naman ang ganap dito sa campus. Sana pala nagtulog na lang ako sa dorm. Tutal hindi din naman ako makakalabas ng campus dahil mahigpit na pinagbabawal ng admin na wag magpapalabas. Nakakainis sa part na 'yun. College na kami, at hindi high school. Hay. Buhay!

Mag-isa lang ako ngayon. Si Lauren, hindi ko alam kung saang lupalop siya naroroon. Ano kayang pinagkakaabahalan nun. Laging missing-in-action ang babaitang 'yun. Si Jazmine naman, malamang busy sa pag-aasikaso nitong exhibit.

Makalipas ang ilang minuto, bumangon na ko at napag pasyahang maglibot-libot na lang.

Unang booth na nadaanan ko ay nagtitinda ng cup cake. Kumalam ang sikmura ko. Nakakagutom ampucha!

Agad akong bumili ng isang box, mura lang naman siya kaya isang box na binili ko.

Natuwa pa ko ng malaman kong sulit ang pagbili ko dahil sa sarap. Bibigyan ko na lang si Jaz at Lau kapag nakita ko sila. Pero kung hindi man, ako na lang kakain. Hihi

Bahagya pa kong napangiwi ng may madaanan akong booth para sa mga hopeless romantic. Ito 'yung naka blind date sila sa taong hindi nila kilala. Nasan ba si Jaz at ng makutusan. Hindi pa naman Valentines ah? Bakit may ganitong pakana? Napailing na lang ako.  

Nang mapagod ako sa pag lilibot umupo na muna ko sa may bench sa tapat ng fountain. Yes, may fountain dito sa Brandon. Sosyal 'no. Sana all may fountain.

Napahinga ako ng malalim. Nakakapagod. Ang sakit na ng paa ko. Ee kung bumalik na lang kaya ako sa dorm at magtulog doon?

Oo tama! Magtutulog na lang ako.

Kaso naalala ko, hindi din naman pala ko makakalusot gawa ng may bantay na ROTC. Argh! Wala kong lusot kundi ang maghintay na matapos ang ka ek-ekan ng Student Council.

Craving You Where stories live. Discover now