Chapter 6

10.6K 417 28
                                    


JEREMIAH GARCIA

Nang matapos ang huling klase ko para sa araw na ito, agad akong dumeretso dito sa rooftop. Napag-alaman ko kay Juno na dito na lang ako dumeretso dahil panigurado naman daw na alam ni lila na nandito ako.

Napansin ko lang, ang dami ko ng pet name sa kanya. Oo! Pet name! Gusto ko ee, saka hindi naman niya malalaman kung walang magsusumbong.

Nang makaramdam ako ng ngalay sa likod ko dahil sa pagkakaupo, napagpasyahan kong mahiga na lang at gawing unan ang bag ko. Tutal tapos na naman ang klase ko ngayon saka malalabhan na din naman 'tong damit ko.

Napahinga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Nakakapagod ang araw na 'to sa totoo lang. Maliban sa pagod na nga ang isip ko sa buong araw na pag-aaral, pagod pa ang katawan ko. Kasalanan 'to nung lechong kawali ee.

Luh! Miah! Nanisi ka pa talaga.

"Babangon ka dyan o bubuhusan kita?"

Napamulat ako dahil sa boses na 'yun. Isang napaka gandang dyosa ang bumungad sakin. Napaka ganda niya sobra, ngunit nakapa pangit din ng ugali niya. Sobra pa sa sobra.

Bumangon na agad ako at umupo. Mahirap na at baka biglang mag-ala demonyita si lila at di lang tubig ang ibuhos sa'kin, baka asido pa.

"Bakit mo ba ko pinapunta dito? At saka anong ek-ek ba ang pag-uusapan natin?" agad na tanong ko

"Pwede bang tumayo ka?" naiiritang tugon niya

Eto na naman po siya. Nagsusungit na naman ng walang dahilan. Napahinga ako ng malalim at saka inabot ang kamay niya at biglang hinila siya papalapit sakin.

Gulat ang rumehistro sa napaka ganda niyang mukha. Sakto lang naman ang paghila ko at napaupo siya sa tabi ko. Wag kayo!  Talagang iningatan ko ang paghila sa kanya, mahirap na kung hindi mag-iingat baka maulit na naman 'yung kahindik-hindik na pangyayari noon.

"WHAT THE!" gulat na sigaw niya

"Chill. Okay? Ayaw ko kasi tumayo kayo maupo ka nalang din. Ikaw na mag-adjust, sanay ka naman ata sa ganun."

"Argh! You're such a stupid!"

"Yeah yeah. Stupid na kung stupid. Oh ano na? Ano kako pag-uusapan natin?" naiinip kong saad.

Dahil sa totoo lang, gusto ko ng pumunta sa dorm at mahiga. Gusto ko nang magpahinga. Drain na drain ako ngayon. Nakakapagod din kaya ang makipag talo sa babaeng 'to. Kung alam niyo lang.

"I have a practice this coming Saturday." she started

Kunot noo akong tumingin sa kanya. Oh, ano ngayon? Anong kinalaman ko sa practice niyang 'yun? Makakain ko ba 'yun?

"Tss. You're my slave. So, responsibility mong pumunta sa practice ko." sagot niya na tila naman nabasa niya ang nasa isip ko

"Teka nga, ikaw na may sabi, slave mo ko. So, bakit kailangan ko pa pumunta sa practice mo? Ano 'yun kailangan mo ng moral support?" naguguluhang tanong ko.

Totoo naman ee. Ano ba kasing gagawin ko sa lintek na practice na 'yun? Kasama na ba sa pagiging alipin ang pag suporta sa amo niya? Anak ng tinapa!

"Argh! I can't believe that I'm talking to you right now! You're so stupid and damn slow!" tila nauubos na pasensyang saad niya.

Ako din! Nauubusan na ng pasensya sa kanya. Bakit ba kasi english siya ng english! Putapepe! Dudugo ang ilong ko sa lilang 'to! Nako!

Napakamot nalang ako sa ilong ko, indikasyon na naiinis na din ako. Ee kung pinapaliwanag niya kaya ng maayos diba? Oo na! Ako ng slow! Ako na pagong! Kainis amputcha!

Craving You Where stories live. Discover now