Chapter 4

10.5K 464 169
                                    

JEREMIAH GARCIA

Ilang araw na din ang lumipas. At ilang araw na din ang nagdaan nang magulo ang tahimik kong buhay. Parang kailan lang tahimik akong naglilibot dito sa campus at walang iniisip na pwedeng maging problema. Samantala ngayon, ni paglabas sa dorm, kinakakaba ko pa. Kainamang buhay 'to.

Natuon ang pansin ko sa prof. naming walang sawang nagdidiscuss kahit na wala namang nakikinig. Napahinga ako ng malalim. Sa loob ng ilang araw na lumipas, pakiramdam ko napaka bagal ng oras. Naiinip na 'ko. Gusto ko na matapos ang araw na 'to at makapag pahinga na.

Hindi naman ako binigo ng kapalaran. At matapos ang ilang minuto natapos na ang unang klase ko ngayong araw. Sarap sana pakinggan kaso may dalawang klase pa ako para mamaya. Nagstay lang kaming tatlo dito sa room kasi may bakante pa naman kaming oras. At wala naman kami gagawin kundi hintayin ang oras para sa next subject namin.

Napapaypay na lang ako sa sarili ko. Napaka init ang ampotek. Ano bang mayron ngayon dito sa Pilipinas at pagkigrabe naman ang init. Ano 'to? Free trial para malaman ang pakiramdam sa empyerno? Anak ng tokwa talaga!

"Ulaga ka talaga. Panong di ka maiinitan ee jacket na jacket ka diyan. Ano? Minamalaria lang?" malakas na sabi nitong si Lauren

Napairap ako. Kung tinutulungan kasi nila ko sa problema ko diba? Edi sana hindi ako nagtitiis ngayon sa lecheng jacket na 'to.

"Alam mo Graciana. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo at binangga mo 'yung anak ni Satanas. Tapos ngayon, tatago-tago ka. Akala ko ba matapang ka?" dagdag niya pa

Oo na! Oo na! Malay ko bang hindi ako titigilan nung bruhildang 'yun. Napahalumbaba na lang ako dahil sa inis na nararamdaman ko. Bwiset kasi  si Ateng nasa Mall. Kung natingin sana siya sa dinadaanan niya edi hindi niya mabubunggo si pitchy. Edi sana hindi ako makikialam sa problema nila. At edi sana tahimik parin ang buhay ko ngayon.

Tangina Jeremiah. Talagang nanisi ka pa.

"Bakit hindi mo kausapin si Juno? Kaibigan niya si Miss Ianthe. Baka matulungan ka niya." suhestiyon ni Jaz

Napatingin naman ako sa puwesto ni Juno. Kita ko mula dito kung gaano siya ka-busy sa librong binabasa niya. Kilala si Juno bilang seryosong tao. Siya 'yung tipo ng tao na mahal ang halaga ng ngiti niya. Ni minsan hindi ko pa siya nakikitang ngumiti kahit na kasama niya si Venus na pinsan niya. At hindi din ako makapaniwala na kaibigan niya pala si pitchy. Paano niya kaya nagagawang pakisamahan ang bruhildang 'yun. Napangiwi ako sa kaisipang kakausapin ko siya. Nako. Wag na. Nakakahiya naman kung iistorbohin ko pa siya.

"Mas magandang ideya Graciana kung ikaw mismo ang aayos ng problemang ginawa mo. Kung hindi ka ba naman kasi nagpaka bayani, edi sana tahimik parin buhay mo. Ulaga ka talaga. Tsk." masungit na saad sakin ni Lau.

Napahalumbaba ulit ako. Ayan kasi Jeremiah! Tapang tapangan pa! Juskodai!

"Ano ba kasing kasalanan ang ginawa mo at grabe ang galit sayo ni Ianthe?" mahinang tanong sakin ni Jazmine.

Kasalanang ginawa? Wala naman ah! Oo na! Mayron nga. Pero 'yung nakaraang linggo pa 'yun. 'Yung insidente sa Mall, sa field at sa Canteen. Oo, 'yun lang naman .

Teka.. canteen.. anak ng teteng naman oo!

Pakiramdam ko biglang uminit ang magkabilang pisngi ko nang maalala ang kasalanang ginawa ko sa kanya. Hindi ko naman kasi sinasadya ang pangyayaring 'yun. Akala ko kasi kamatayan ko na kaya gumawa ako ng paraan para makatakas sa kanya. Juskolord. Kayo po ang nakakaalam kung gaano ko pinagsisihan ang kasalanang 'yon.

Craving You Where stories live. Discover now