Chapter 8

10.3K 511 45
                                    


IANTHE VIOLET SUMMERHOLD

Naantala lang ang masarap kong tulog ng mag-apurido sa ingay sa cellphone ko. Damn! Kung sino 'man ang bwisit na tumatawag sakin ngayon sisiguraduhin kong babakat ang sampung daliri ko sa mukha niya. F-ck!

"Good Morning Vi! Wakey wakey na. You should get up na!" masayang bungad sakin ni Venus

Oh please god! Kaibigan ko ang babaeng 'to! Lagi niyo pong ipapaalala sakin 'yan.

"What the f-ck Venus Alexandria Simmons?" naiinis na tugon ko

Ang bruha, tinawanan lang ako. Napairap ako sa kawalan. Ano bang mayron ngayon at ang saya at ng babaitang 'to?

"Hey Ianthe Violet. Kumilos kana diyan. Para makapunta kana dito sa school. Remember, sportfest! Laban na natin maya-maya lang" paalala niya

Agad na nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang oras sa cellphone ko. Holy shit! It's already 8:40 am! 10:30 ang oras ng laban ko. Argh! Hindi ko pinagsalita pa si Venus at agad na kong kumilos para mag-ayos. Bakit ba kasi napuyat ako at di man lang nakapag alarm! Damn it!

Nang matapos ako sa morning ritual ko, agad akong bumaba sa sala at dumeretso sa kusina. Naabutan ko pa si Jason na nagkakape.

Napahinga ako ng malalim ng makita ang nakahandang pagkain sa lamesa. Buti nalang at dito naisipan magstay ng kapatid ko kagabi.

"Ow. Good morning Sis. Mukhang tinangghali ka ng gising ah." nakangiting bati niya

Hindi ko nalang siya sinagot at agaran akong umupo sa harap niya at kinuha ang fresh lemon juice na hinanda niya para sakin. How sweet he is. Nang maubos ang juice na inihanda niya agad akong tumayo. Baka malate pa ko. Mahirap na.

"Hey wait! Baunin mo na 'to." abot niya sakin ng mansanas

Napangiti ako. Kilalang-kilala talaga ko nitong bruho kong kapatid.

"Thanks brother." nakangiting tugon ko

"Anything for you sis." he winked at me "Sige na. Umalis kana. Good luck to your game."

I give a peck in his cheeks before I left him. Hindi na ko nakapag warm up ng sasakyan at agad ko ng pinaharurot ito.

Buti na lang at hindi traffic. Dahil kundi baka sumabog na ko sa sobrang inis.

Nang makarating ako sa parking lot ng school, agad kong pinark ang car ko. Buti na lang kakaunti palang ang mga sasakyan na nandito. Pagkapark ko agad akong dumeretso sa pool area at pumasok sa dressing room. Naabutan ko pa si Venus na nakapikit habang nakapalsak sa tainga niya ang earphone. Tumabi lang ako sa kanya para makuha ang pansin ng babaita at hindi naman ako nabigo.

"You're here na." bungad niya

"Nope Ven. Picture ko lang 'to." irap kong sagot

She chukled "Mukhang masamang idea ang paggising ko sayo."

"Buti alam mo."

Tinawanan lang ako ng babaita. Napairap na lang ako. Nilibot ko ang paningin sa loob ng dugout. Napaka tahimik. Dahil lahat ng swimmers na nandito tahimik lang na nakatingin sa'ming dalawa. Napairap ako sa loob ko. Wala ba silang kasawaan sa pagtitig sakin? Sa'min? Argh! People nowadays!

"Nagstart na ang laban ni Penelope." biglang salita ni Venus

Nabaling ang tingin ko sa kanya. Seryoso? Ang bilis naman ata. Ang nakalagay kasi sa program, 6:00 to 7:00 am ang start ng program and parade. Malay ko bang susundin pala nila ang tamang oras. Tss.

Craving You Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum