Chapter 15

11.9K 396 32
                                    


"Set the standard! Stop expecting others to show you love, acceptance, commitment, and respect when you don't even show that to yourself."

― Steve Maraboli,


JEREMIAH GARCIA


Lulugo-lulugo akong napasunod dito sa kasama ko. Kainaman. Kanina pa kami paikot-ikot dito sa Mall at gusto daw niya mamili ng mga bagong damit.


Linggo ngayon kaya naisipan nitong si lila na pumunta Mall. Syempre dahil nga mabait akong girlfriend kuno, sinamahan ko na siya. Mahirap na at baka makidnap pa 'to. Mukha pa naman siyang bata.


At simula pa ng makarating kami dito naghahanap na siya ng kung anong damit na gusto niya, kaso ang bruha ni isa wala man lang nagustuhan.


Napailing na lang ako sa loob loob ko. Ang pihikan niya sa damit ah. Hay, palibhasa mayaman.


"Hoy lila. Teka nga. Wala ka man lang ba napili kahit isa? Pagod na ko." himutok ko


"Argh! Stop calling me like that! stupid."


Napailing na lang ako. Hindi man lang pinansin himutok ko sa kanya.


"Then stop calling me stupid." ganti ko


Aba! Siya ayaw niyang tawagin kong lila tas ako pwede niyang tawaging stupid. Nako talaga! Pasalamat siya at labidabs ko siya. Kundi hindi! Hay nako!


Yiiee labidabs



Kilig! Hihi



"Tss. Call me 'babe' instead." simpleng sagot niya



"Ayaw ko. Pangit. Masyadong common." angal ko



Totoo naman. Lahat nga ata ng mga magjowa ngayon, 'babe' ang tawagan. Nakakasura lang. Syempre kung gusto niya ng call sign, mamili naman siya ng unique. Hindi 'yung ang common na. Wala man lang taste. Tssk


"Right! I'll call you babe." nakangising tugon niya


Napatanga naman ako. Anak ng tokwa! Kakasabi ko lang ee!


"Bakit ba gusto mo 'yung call sign na 'yan?" iritadong tanong ko


"You said it earlier, pangit. Kaya I'll call you babe kasi bagay sayo, pangit."



Napasimangot ako. Grabe makapula. Edi siya na maganda! Ang ganda ko kaya. Madaming nagsasabi nun, si Nanay, si Genesis, Jazmine saka 'yung construction worker sa probinsya namin. Tawag pa nga nila sakin "Ms. Beautiful". Tapos siya ang lakas ng loob na sabihan akong pangit. Wow talaga! Nako! Pasalamat talaga siya at labidabs ko siya. Inam.



"Edi ikaw na maganda." pabalang na sagot ko


Ang bruha ningitian lang ako.


"I know"



Napaismid ako. Napaka talaga niya. Sa tuwing magkasama kami wala siyang ibang ginawa kundi ang awayin ako. Nakakasakit siya. Hmp!


Pumantay na lang ako sa kanya at sumabay sa paglalakad. Wala naman ako magagawa kung magiinarte pa ko. Baka masapak na ko nito. Kasi naman! Ang sakit na ng paa ko oh! Buong akala ko ang nakakapagod kasama sa ganito ay si Jaz. Nagkamali ako. Mas malala pa pala 'tong si lila.


Craving You Where stories live. Discover now