Chapter 20

12.8K 407 72
                                    


JEREMIAH GARCIA




Simpleng skinny jeans na black at polo na red ang sinuot ko. Nagbaon na din ako ng denim jacket dahil paniguradong malamig sa labas.

Nakareceive pa ko kay Jaz ng text na nasa office daw siya. Kaya walang alinlangan na pupuntahan ko siya do'n.





Habang naglalakad ako sa kahabaan ng hallway hindi ko maiwasang mapayakap sa sarili ko. Takteng lamig nga! Ang lamig ng hangin ngayon. Alas syete na ng gabi kaya malamang sa malamang lumamig na.




Hindi naman nagtagal nakarating na ko sa opisina ni Jazmine. Naabutan ko pa si Helen na lumabas ng opisina niya. Isang ngiti naman ang ginawad niya sakin. Nakasuot siya ng cocktail dress na kulay red. Ang ganda din talaga ng babaeng 'to.





"Hey Jeremiah."





"Helen" nakangiting tugon ko.





"Where are you going?"





"Ah kay president. Susunduin ko lang. Para naman may kasa-kasama ako." nakangiting sagot ko sa kanya.






"Ahh" tumatangong tugon niya. "Where's Ianthe?"






Napasimangot naman ako ng marinig ang pangalan ng babaeng 'yun. Ayaw kong makita ang lilang 'yun. Nakakautas siya! Pagkatapos niya kong... argh! Basta!







Bahagyang tumawa naman siya. "I guess, may tampuhan na naman kayo."





"Ewan ko sa kaibigan mong 'yun. Sala sa init, sala sa lamig!" himutok ko





"Understand her Jeremiah." nakangiting sagot niya




Tumangon na lang ako.





Ano pa nga ba? Lagi ko naman iniintindi ang babaeng iyon. Pasalamat talaga siya at labidabs ko siya. Kung hindi, nako!





"By the way, I have to go Jeremiah. See you later." nakangiting paalam niya



Ngumiti na lang ako bilang tugon.




Nang mawala na sa paningin ko si Helen saka lang ako kumatok at nagdere-deretso pasok sa opisina ni donya presidente. Bahagya pa kong natigilan at napanganga ng makita ang itsura niya ngayon. Wow naman talaga. Ang ganda ni donya. Nakasuot siya ngayon ng Strapless dress na kulay black. Ang lusog ng kambal natin ah.





"Alam kong maganda ako Miah. Wag mo naman pahalata. Baka patayin ako ni Ianthe niyan." hambog na saad niya.





Napairap ako. Kapal din talaga ng babaeng to. "Urur! Ngayon ka lang naman naging maganda sa paningin ko. Dugyot ka pa din 'no." pambabara ko





"Kung dugyot ako, ano ka pa?"





"Maganda" taas noong sagot ko





Napairap naman ako ng tingnan niya ko mula ulo pababa. Aba't!




"Baka gwapo kamo." nakangising saad niya




Nako talaga! Kung hindi lang siya maganda ngayon baka naumbag ko na 'to. Nakakapika!





Huminga ako ng malalim. Ayaw ko masira ang gabing 'to kaya dapat relax lang. Relax lang Miah. Huwag mong hahayaang mapatay mo si Hasmina. Relax lang.




Craving You Where stories live. Discover now