Special Chapter II

18.3K 489 116
                                    


IRIS SKYLIE SUMMERHOLD GARCIA

"Hoy! Tulala ka dyan."

Napa-ayos naman ako ng upo ko. Kung makatulak naman siya sa balikat ko, akala mo hindi na ko humihinga.

"May nagawa kang assignment Iris?"

Maang na tiningnan ko siya. "Hindi kana naman naggawa Phoebe?"

Pero ang babaitang ito, talagang ningitian pa ko ng matamis na akala mo'y madadala ako sa ngiting yun. "Buong gabi kong sinamahan si Jamie sa coffee shop ee." Sagot naman niya. "Alam mo na, night shift siya."

Napataas kilay naman ako. "So, nakipagbebe time ka pala kaya wala kang nagawang assignment."

She just pout at me. "Oo? Ata? Parang ganun na nga."

I shook my head in disbelief. Try ko kaya siyang isuplong kay Tita Pen. Ano kayang mangyayari sa babaeng ito?

Pero, nuh. Hindi ko gagawin ang bagay na yun. Hindi naman ako ganun ka-bitch para isumbong siya. At saka, wala akong karapatan 'no.

"Iris, ano na?"

Literal na napairap ako. Wow talaga. Nakakahiya naman sa kanya.

Imbes na makipagtalo pa, kinuha ko na lang ang notebook ko sa bag ko at agad na inabot sa kanya. At ang gagang 'to, wala na siyang inaksayang oras pa at agad niyang kinopya yung assignment ko. Napaka wais talaga.

"Napakainit. Jusko."

Napalingon naman ako sa dito sa babaeng kakarating pa lang, pawis na pawis na agad.

"Wet na wet Gaia ah. Saan ang naganap ang momol mo?" Bungad ko

Isang pekeng tawa lang ang tinugon niya sa'kin at agad na pumwesto sa tabi ko. "Si Mama kasi ee."

"What about Tita Autumn?" Phoebe asked her

"Hindi niya pinasok sa campus yung sasakyan, kaya ang eksena ko, naglakad ako mula entrance hanggang dito." Inis na sagot niya. "Sinong hindi mawewet dun diba?"

Sabay naman kaming napatawa ni Phoebe sa kanya. Halos hindi na nga makapagsulat ng ayos ang isa dahil sa kakatawa sa kanya.

Minsan talaga, gusto ko kung paano mag-isip si Tita Autumn. Ang swabe lang. Pero syempre, mas swabe si Mama Miah ko.

"Nakakainis. Pawis na pawis ako. Ang in-.."

Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil sa may kung anong  lumapag sa table ko.

Hindi lang basta kung ano, dahil ito yung cake na binili ko para sa taong ubod ng sungit at suplada.

"Uh-oh" Phoebe murmured.

Sunod-sunod na paglunok naman ang nagawa ko ng tuluyan ko ng makita ang malamig niyang tingin.

Ang lamig-lamig ee. Akala mo naman aapihin ko siya.

Craving You Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu