Chapter 13

10.5K 451 92
                                    

JEREMIAH GARCIA


Masamang nakatingin ako sa isang talipandas na grabe kung makahawak kay lila ko. Oo! Lila ko! Wag kayong epal.


Nandito kami ngayon sa classroom. Napag-alaman ko din na nagpalipat pala sa ng section sina lila.


At ilang araw ko na din nakikitang ang talipandas na 'to na kung maka-epal, wagas!


Sarap ingudngod amputcha!


"Alam mo, kung nakakamatay lang ang tingin, paniguro bulagta na 'yang si Aries diyan." biglang saad ni Jazmine



Nako! Kung nakakamatay nga lang ang tingin, baka nasalvage ko na 'yang Aries na 'yan!



Mahigit dalawang linggo na ang lumipas mula ng nagbubuntot si Aries kay lila ko. Nakita ko na lang sabay sila lagi pumapasok. Sabay din kumain. At sabay din kung umuwi. At sa tuwing tatangkain kong kausapin si lila, laging sisingit si asungot. At kinaiinis ko 'yun. Sobra! Kinuha na niya lahat ng atensiyon ni lila na dapat sakin.


Hala? Bakit? Jowa ka ba?



Shut up mind! Hindi pa niya ko jowa, pero malapit na.



"Ayan napapala mo. Torpe ka kasi." pang-aasar ni Lauren



Tiningnan ko lang siya ng masama. Isa pa 'to! Kung nakakamatay lang talaga ang tingin, isasama ko siya sa hukay kasama ni asungot. Sira na nga mood ko, sisirain pa niya lalo.



Bumalik ulit ang tingin ko kay lila at asungot na masayang nag-uusap. Nagkukwento na naman siguro ang asungot na 'yun ng walang katuturan kay lila. Sipain ko siya sa mukha ee. Nako!



At si lila naman, tuwang-tuwa pa! Pag may paghampas pa sa braso. Ang landi ah. Napaka harot. Putulin ko kamay niya ee. Bwiset!



Syempre joke lang 'yun.



"Nakakatawa ka Graciana."



"Oh edi tumawa ka. Masamid ka sana." irap na sagot ko


Naramdaman ko na lang ang paglapat ng palad niya sa ulo ko. Anak ng! Tangina! Ang sakit nun.

"Puta! Bakit ka ba nang babatok?! Inaano kita?" sigaw ko sa kanya



Ang gaga, ningisian lang ako. Agad ko naman siyang sinipa sa hita niya pero agad na nakaiwas din siya.



Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit! Hutaena!



Saglit pa kong sumulyap kay lila na kunot noong nakatingin na din pala sakin. Ngumiti na lang ako ng alanganin bago nag-iwas ng tingin.


Kilig ako ee!


Hihi



"Tingnan mo 'tong taong ito! Kanina halos pumatay na sa sama ng mukha. Ngayon naman, parang takas sa mental kung makangiti. Nagaadik ka ata ee."




"Che! Wala kang pakialam!"



Panira talaga ng mood ang babaeng 'to! Hindi na lang ako hayaan. Lahat na lang napapansin! Nako.



"Pagbigyan mo na Lau, inlove ee." nakangiting banat ni Jaz



Pakiramdam ko pinamulahan ako bigla.


Craving You Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang